Sarina P.O.V
Nandito ako ngayon sa kwarto ko umiiyak iniisip ko pa din yung narinig ko kanina.
How can they do this to me *sniff*Bakit?Bakit nila tinago sakin,Bakit hindi nila sinabi na Hindi pala nila ako anak.
Saka Paanong nagkaroon sila ng Kapangyarihan,Oo guys tama yung nabasa niyo nalaman ko lang naman na hindi pala nila ako tunay na anak at nalaman ko din na may kapangyarihan sila.
Paano ko nalaman?eto yung nangyari kanina sa sala pagkauwi ko
FLASHBACK
Pauwi na ako sa bahay namin ng nakita ko na nakabukas yung gate namin ibigsabihin nandiyan na si papa hihihihi ang aga naman umiwi ni papa hmm bakit kaya.
Nagderederetso na ako sa pagpasok sisigaw sana ako ng narinig ko na nag uusap si papa at mama.
Ano kaya pinaguusapan nila hmm alam kong masama ang mag eavesdrop pero hindi ko mapigilan curiosity kills me kaya pumunta dumikit ako sa dingding namin malapit sa sala yung malapit kila mama at papa para marinig ko yung usapan nila.
"Leo Ano ng gagawin natin kailangan na natin siya ibigay kay Queen Xavienna"sabi ni mama kay papa
Huh sinong siya sinong ibibigay dun sa Queen Xavienna at sino ba yung Queen Xavienna na yun aish
"Alam ko Raelyn pero hindi ko alam kung paano natin sasabihin sakanya baka magalit siya satin"Nalulungkot na saad ni papa
Ang gulo sino ba yung pinaguusapan ni mama at papa atsaka sino ba yung magagalit bakit naman siya magagalit kung ibibigay siya dun kay Queen Xavienna
"Pero Kailangan na natin sabihin kay Sarina na hindi natin siya anak"sabi ni mama na siyang nagpatigil ng mundo ko
'A-ano bang s-sinasabi n-ni mama na hindi niya a-ako a-a-anak nagbibiro lang siya diba'naiiyak na sabi ko sa isip ko
"Pero pano natin sasabihin kay sarina na hindi talaga siya si Sarina Kundi siya si Princess Zacharina na anak ni Queen Xavienna at King Zuriel Pano"sabi ni papa kay mama
"H-hindi ko alam Leon nahihirapan na ako,nakokonsensya ako dahil hindi manlang nakilala ni Sarina ang tunay niyang mga magulang hindi manlang niya ito nakasama"naiiyak na sabi ni mama kay niyakap siya ni papa
Pati ako naiiyak na din sa nalaman ko bakit hindi nila sinabi sakin na hindi nila ako tunay na anak bakit nila tinago asan yung tunay kong mga magulang bakit wala sila dito asan sila iniwan na ba nila ako ayaw na ba nila sakin Kaya binigay nila ako kay mama Lyn at papa leo.
"Shhh tahan na Hon nakausap mo na ba ang anak ng mga Reyna at Hari ng iba't ibang elemento"tanong ni papa kay mama
'Huh Mga Reyna at Hari?Elemento?'-isip
"Oo ang sabi nila bago ang buwan ng kaarawan ni Sarina ay kailangan na natin itong ibalik Sa Falkenrath Kingdom sa Greenwood Land"paliwanag ni mama kay papa
"Kung kausapin kaya natin ang Reyna at Hari hindi naman nawala kapangyarihan natin kahit nasa mortal world tayo kasi utos naman ng reyna"-papa
K-kapangyarihan p-pano sila nagkaroon nun i-ibig sabihin hindi sila tao pero pano.Nababaliw na ako dito kakaisip huhuhuhu
"Tama"sabi ni mama at humiwalay na kay papa at pumuwesto na sila nakatalikod sila sakin kaya hindi na nila ako nakikita.
Nakita ko na parang may sinasabi sila habang magkahawak ang kamay nila i mean yung kanang kamay ni mama ay hawak ni papa ganun tapos nagsimula na silang mag salita
"We are the right hand of Queen and King Raelyn Foster and Leon Foster Goddess of Air and God of Air we need your help send our message to Queen and King Falkenrath tell them we want to talk to them about Princess Zacharina Falkenrath Goddess of Air God of Air we need Your help Send this Message to Queen and King Falkenrath"Sabay na sabi ni mama at papa
Biglang nagilaw ang kamay nila at may lumabas na liwanag sa harapan nila.May nakita akong Lalaki at Babae ang ganda niya
'B-bakit kamukha ko yung babae.'-isip
"Queen Xavienna King Zuriel"Sabi ni mama dun sa babae at lalaki habang naka bow sila
"Raelyn,Leon ano ang kailangan niyo at humingi ka ng tulong sa Goddess of Air and God of Air at ano ang tungkol sa anak ko"sabi nung babae
A-anak?a-ako ba yung tinutukoy nung babae
"Queen nais po namin malaman ang desisyon ni ng Hari"sabi ni papa
"Anong desisyon"nagtatakang tanong nung hari
"Kung sasabihin na po ba namin kay Sarina I mean Princess Zacharia ang tungkol Sainyo at sakanyang pagkatao"sabi naman ni mama
"Nasainyo ang desisyon Raelyn dahil kayo ang nagpalaki sakanya at labis akong natutuwa dahil napalaki niyo siya ng maayos ayon kila Chaeus"Nakangiting sabi nung babae
"Salamat po mahal na reyna ngunit kami po ay nahihirapan kung paano namin sasabihin sakanya dahil maaaring magalit siya sa amin"nalulungkot na saad niya sa reyna
"Magalit man siya sainyo ay hindi naman pang matagalan si Chaeus na nga nagsabi na napalaki niyo siya ng maayos at hindi mabilis magtanim ng galit kaya mapapatawad niya kayo"nakangiting saad ng reyna kaya biglang napangiti si mama lyn
"Tama po kayo mahal na reyna bakit hindi ko naisip yun salamat po dahil saamin niyo binigay ang desisyon wag po kayong mag-alala sa lalong madaling panahon sasabihin na po namin kay Princess Zacharina ang totoo"Nakangiting saad din ni mama
"Salamat Raelyn Salamat Leon Salamat sa lahat salamat kundi dahil sainyo baka hindi na namin makakasama ang anak namin"-Hari
"Walang anuman po Haring Zuriel iyon ay aming tungkulin bilang inyong kanang kamay"sabi naman ni papa
"Maaasahan talaga kayong dalawang mag asawa labis kaming natutuwa at sainyo ko pinaalaga ang aming Prinsesa hindi kami nag sisisi"Sabi uli ng reyna
Tinignan ko kung anong oras na at nagpahid ng luha at nag kunwaring walang nakita at narinig kaya pumunta ako malapit sa pintuan at nagkunwaring kakadating lang
"MAAAA NANDITO NA AKO BAKIT NAKA BUKAS YUNG GATE SA LABAS"Sigaw ko
Nakita kong parang nagulat pa sila sa pagsigaw ko at nakita ko din ang pagngiti ng Reyna at Hari Nakayuko ako kaya kung titignan nila ako ay parang alam nilang hindi ko sila nakikita dahil nagtatanggal ako ng sapatos medyo malayo yung sala namin sa pinto nakita ko ding nag paalam na yung reyna
"Siya na ba si Zacharina siya na ba ang anak ko"naluluhang sabi ng reyna
"opo siya na nga po si Zacharina"narinig kong sabi ni mama
"osige na baka makita niya pa kami"sabi naman nung reyna
Nakita ko na nga po kayo ihh narinig pa haist ang hirap magpanggap na wala kang nakita at narinig kahit meron naman
"osige po Paalam mahal na Reyna at Hari"sabay na sabi ni mama at papa
Bigla nalang nawala yung liwanag
"ma akyat na po ako"sabi ko kay mama
"sige anak di ka na ba kakain?"tanong ni papa
"Hindi na po pa marami pa po akong gagawin eh"sabi ko
At umakyat na ako sa kwarto ko
END OF FLASHBACK
Ayan yung nangyari kanina odiba sa tagal kong mag kwento di ko namalayan 12AM na pala lagot nanaman ako neto e hindi nanaman ako magigising ng maaga haist .
waaaahhh antok dalawin mo kooooo huhuhuhu di ako makatuloooogggg waaaahhh antoookkk asan ka na ba puntahan mo ko dito sa bahay namin text ko sayo yung address basta bilisan mo oke kailangan ko pang pumasok bukas.
To:Antok
Hoy antok dalawin mo ko sa **********St.
From:Antok
OTW na
To:Antok
Hoyyy ano na antok antagal mo naman tinext na kaya kita bakit wala ka pa
From:Antok
Andito na ako
Salamat naman at dumating na siyaa.