Rosebud

509 13 0
                                    

CONGRATULATION!!!!!!!!! for both of you SAM!!!!!!!!!  bati ng mga klasmeyts nina Samantha and Samuel.
"ang ganda-ganda mo Sam, akala namin tunay na babae ka. Bagay na bagay sau ang ayos mo" sabi ng isa sa klasmeyt nila
"Bagay kayong dalawa ni Samantha" biro pa ng isa nilang kaklase
 
"Narinig mo ba ang sinabi nila? Bagay daw tayong dalawa" pangaasar ni Samuel kay Samantha
"In your dreams!, baka nung naka costume ka magustuhan pa kita" sagot ni Samantha
"Do you want me to stay as gay? malambing na tanong ni Samuel tila nangaasar pa
"Bakit?Nagkukunwari ka lang ba? Hindi ba totoo? naiinis na sagot ni Samantha
"Would you like me if I'm gay?" nanunuksong tanong uli ni Samuel
"Puede ba tigilan mo pangtri-trip sa akin! May gusto na akong iba!" sigaw nya kay Samuel
 
Uy....may lovers quarrel !!! tila kinikilig na biro ng mga Classmates nila.
 
Natigilan naman si Samuel sa narinig nya mula kay Samantha...
Samantha's POV
Bakit ba pinagtritripan ako ng Beking ito??? May hangover pa yata sa Pageant.  Well, kahit ako may hangover pa. Hindi maalis sa isip ko ang kulot niyang buhok at  mapulang labi, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko lalo na ng inalalayan nya ako sa stage. Hanggang ngaun naiilang pa rin ako sa kanya, tumatayo ang mga balahibo ko sa tuwing lalapat ang balat nya sa balat ko. Grrrrr...parang lalagnatin ako......
" Sino yung napakamalas na nilalang?" pangaasar nya ulit sa akin
"None of your business!"
"Siguro, imaginary lang yan. Wala naman talaga!"
"Meron!"
"Then, Sino?!"  pangungulit uli nya
"Si...."   kamote!  sinong sasabihin ko?  Si Jen kaya na Ms. Campus? o si Marie na muse ng Basketball Varsity, o si Shane na muse ng Volleyball team? kahit kelan talaga asungot sa buhay ko tong Beking ito!!!!
"Si Shane, si shane ang crush ko!" 
"Wehh...bakit ang tagal mo sumagot"  
"kasi...kasi pinagiisipan ko kung sasabihin ko" pagsisinungaling ko
"kaya ako sumali sa volleyball dahil sa kanya!" pagsisinungaling ko uli para maniwala sya
"we'll see kung nagsasabi ka ng totoo, sasabihin ko kay Kuya"  nakangisi pa nitong sabi
"Wag na wag mong sasabihin sa kanya!" sigaw ko naman dahilan para magtinginan uli mga klasmeyt namin
"And why not?" 
"Basta.."  maiiyak ako sa pangaasar nya, hindi ko malaman ang gagawin ko. Paano kung sabihin nya kay Charles??? 
Mabuti dumating na si teacher, tumahimik sya. Kung hindi sya tumigil baka napaiyak ako sa pangaasar nya.
May try-out sa volleyball para sa boys...I never thought sasali si beki sa try-out. Nagpunta ako ng gym para silayan si superman, wala pa kaming praktis busy kasi si coach paghahanap ng mga bagong players.Naggradruate na kasi yung iba, kahit si Charles nagaasists na lang sya kay trainor, sa college volleyball team kasi sya kasama. 
"hoy! sinong sinisilip mo dyan?"   hindi ko namalayan may tao pala sa likod ko, nauntog tuloy ako sa bench
"Aray ko..."
"wala dyan yung crush mo, bakit nagtatago ka dyan?" sigaw uli ng lalaki sa likod ko
"ikaw?!"   sigaw ko ng humarap ako sa kanya
"bakit ka nandito?" pagtatanong ko sa kanya
"mag try-out ako"
"Bakit?" tanong ko uli
"anong bakit?  tanong naman nya sa akin
"Ewan ko sayo!"   tumayo ako at umalis. Ewan koba hindi ko makayanang makasama si Samuel ng matagal parang hindi ako makahinga at nagsisikip ang dibdib ko. Simula ng Pageant hindi na regular tibok ng puso ko...
“Oy wait! Habol sakin ni Samuel
 
Dirediretso ako at di ko sya pinapansin.
“Ano ba problema mo, binibiro ka lang naman”  hinihingal nyang sabi sa akin
“ikaw! Ikaw ang problema Ko!”   sigaw ko sa kanya
 
Natanaw ko si Charles, iiwas na sana ako kaya lang…
 
“Hey guys!”  bati nya sa amin
“Mukhang close na kau ni Samuel, Sam?”  biro nya sa akin
Hindi ako sumagot, iniiwas ko tingin sa kanya. Naiinis ako sa tuwing binibiro kami sa isat-isa.
“Uuna na ako, nice seeing you Charles”  gusto ko pa sanang makausap si Charles ng matagal kaya lang laging nakabuntot itong si Beki.
“what’s the problem?”  narinig kong tanong ni Charles kay Samuel
“I don’t know” sagot ni Beki
 
Yang kapatid mo ang problema ko!!! Sa isip-isip ko
 
Hanggang sa paguwi ko inookupa parin ng beking yun ang isip ko. Ano bang gagawin ko iwasan kona lang sya. Lumipat kaya ako ng upuan. Makikipagpalit ako sa classmate ko.
 
“La…” 
“o bakit?”
“anong nafeel mo nung mainlove ka kay Lolo?”
“Bakit mo naman naitanong?”
“Wala lang…”
“Kapag kinakapos ka ng hininga sa tuwing nakikita mo sya…ibig sabihin in love kana” paliwanag ni Lola
Natulala ako sa sagot ni Lola… Oh no!!!!! Red Alert!!!! Red Alert!!!!! Am I inlove to the wrong person?!!!! Hindi!!!!! Neverrrrrrrrrrrrrr!!!!!!!!!!!
 
Rosebud: an undeveloped rose normally occurs in the axil of a leaf or at the tip of the stem. Once formed, a bud may remain for some time in a dormant condition, or it may form a shoot immediately.  (nye!!! He he he he!!!)
 
Sumunod na mga araw iniwasan kona si Beki, kapag inaasar nya ako hindi kona sya pinapansin. Invisible na sya sa paningin ko. Pero bakit ba sobrang kulit nya…hindi kona makayanan pangaasar nya…Kaya tinanggap kona lang ang katotohanan na forever kryptonite na sya ni Lois Lane… as in forever!!!!!!!!!!
 
“Bakit ba iniiwasan mo ako?” tanong sa akin ni Sam_Beki
“E bakit ba para kang langa…” putol nya sa akin
“Langaw? Sunod ng sunod sa T-e?  tatawa-tawa nyang sabi
“Get out of my sight!!!!” galit na galit kong sabi sa kanya
“Ha ha ha ha”  di mapigilan ang pag halakhak nya
“oo, nga pala may pinasasabi si Kuya” sabi nya habang pinipigilan parin pagtawa nya
“May praktis daw tau ng volleyball”   sabi ulit nya
“Tayo?” tanong ko
“Oo, tau!”  pagmamalaki nya
“Bakit mo naman naisipan sumali ng volleyball? Siguro gusto mong silipan mga ka teammates mo kaya ka sumali! Tama ba ako?” pangaasar ko sa kanya
“E ikaw? bakit ka sumali? Ako lang ba ang may hidden agenda? Diba ikaw rin!?”  pasigaw nyang sagot sakin
“O e di inamin mo din, bading ka talaga!” sigaw ko din
“O e ano ngaun, bakit ikaw ano ka? Diba Tomboy ka?!” sagot uli nya
Namumula na mukha nya sa asar sa akin. Atleast sa ganitong paraan makabawi din ako sa kanya.
“Ako, inaamin ko na tomboy ako! E ikaw closet queen!!!!!!”
Yun na! sa sobrang galit nya inihampas nya notebook nya sa lamesa at hinawakan ang leeg ko.
“Anong gagawin mo sa akin?!  Kinakabahan kong tanong
Titig na titig sya sa akin…parang lalamunin nya ako ng buhay. Abot-abot ang kaba ko, bigla akong natakot sa kanya.
“You will regret you met me, Sam”  bulong nya sa akin,  saka nya binitiwan leeg ko
Hindi nya siguro nakayanan pagkainis nya sa akin, umalis sya ng room. Hindi kona sya nakita sa klase nagskip sya ng class sa morning. Bumalik sya sa pm class namin, pero tahimik sya at iniiwasan ako which is good. Matatahimik life ko.
 
Sa Praktis
“Hi Sam!” bati sa akin ni Shane yung muse ng Volleyball
Teka parang may kakaiba, bakit nagtatawanan sila? Ay shocks…..Sinabi ko nga pala kay Beki na crush ko si Shane. Sinabi kaya niya kay Shane??...Anong gagawin ko??
“Hi” bati ko din sa kanya kahit na medyo nahihiya ako
“Balita ko may crush ka daw dito kay Shane?!” tanong sakin ng team leader namin
“Ah…”  hindi ako makapagsalita parang nalunok ko dila ko sa sobrang kaba.
“Um, oo crush ko sya…”  mahina kong sabi
“Okay lang yun, lahat kami may crush sa kanya” pagbibiro ng team leader namin
 
Medyo gumaan pakiramdam ko sa sinabi nila…
 
“Kaya lang pag may neophyte, may initiation” sabi uli ni teamleader
Muli akong kinabahan…
“Don’t worry madali lang naman” sabi ni Shane
 
 Wala bang katapusan itong paghihirap ko naisip-isip ko na lang…
 
"Okay yung mga bagong recruit, pila kau dito!"  Sigaw ng team leader namin
" O yung mga spiker, pila kau dito sa kabila" Sigaw uli niya
Meron kaming 4 na spiker, matitinding spiker...sasaluhin namin lahat ng tira nila kung di namin may parusa ang makakakuha ng lowest score.
Inumpisahan na nila kaming patamaan, dahil sa magulo ang isip ko hindi ko masagot ang tira nila. Kung makuha ko man palyado ang tira ko, sobrang sakit sa kamay kaya nahihirapan ako. Wala ng pakiramdam mga braso ko sa sobrang dami ng bato nila sa amin.First day palang ng praktis pakiramdam ko mamamatay na ako.
Tila na pagod na rin sila sa katitira sa amin. Pinahinto na nila ang game, abot abot ang dasal ko na sana hindi ako ang kolelat....
"gather around", sabi ng leader namin
"dalawa ang nakakuha ng lowest score"
"Samantha and Penny maiwan kayo" sabi uli ni leader
"The rest puede na umuwi. Bukas may praktis uli" sabi pa ulit nya
"Kayong dalawa, kunin nyo lahat ng bola, alisin nyo yung net, linisin nyo gamit natin. Sorry guys yan ang paruhasa nyo. Bukas I expect hindi na kau ang kulelat..."  pagbibilin sa amin ni leader
 
Sa kabilang court naglalaro ang mga boys, hindi pa sila tapos magpraktis. Hindi sinasadya, napatingtin ako sa direksyon nila. Nakita ako ni Charles...
"HIndi pa kau uuwi?" tanong nya sa akin
"hindi pa aayusin pa namin itong pinaglaruan namin" sagot ko naman
Tinulungan nya kami pagtatanggal ng net...masyado kasi itong mataas kelangan pang umakyat sa pole.
"Salamat" sabi ko
"lagyan mo ng yelo yang mga braso mo paguwi mo sa bahay, para hindi mamaga" payo nya sa akin
"Ah, oo nga namamanhid na nga sya"
Hinawakan nya mga kamay ko, para syang doctor ineeksamin nyang maigi mga ito. 
 
"Hey Charles!"
 
Napalingon kami sa may ari ng boses
 
"O, Samuel?!"
"Hindi pa ba tau tapos? nagpapack-up na iba nating kasama" sabi nya
"Sige, susunod na ako"
 
Hindi ako binati ni Samuel, ewan ko siguro masama pa rin loob nya sa akin. Parang walang nakita...Dined-ma lang nya ako...
 
Kinabukasan, sobrang sakit ng mga braso ko, inilublob ko sa yelo para maibsan ang sakit. Nagkulay ube na sya. Binalutan ko ng panyo mga braso ko para di gaanong halata ang pamamaga nito. Sa hapon may praktis na naman hindi ko alam kung makakayanan ko pang magjoin.
 
"Oy Sam, anong nagyari sa braso mo? bakit ganyan ang kulay? tanong ng mga klasmeyt ko
Inantay kong lingunin ako ni Beki, pero umalis lang sya ng upuan ko parang walang tao sa paligid nya.
"Okay lang ako, nagpraktis kasi kami ng volleyball kahapon, Salamat sa concern"  
 
Tahimik na dumaan ang mga oras, ni isang ha, ni ho wala akong narinig kay Beki. Kahit sulyap hindi nya ako tinapunan, naninibago ako dahil noon tuwing umaga aasarin nya ako hanggang hindi na sya makahinga sa kakatawa. Kakaiba ngaun...ibang iba sa dati...
 
Dumaan mga araw, na walang pansinan at walang imikan. Tila isang napaka kapal na pader ang nakapagitan sa aming dalawa ni Beki. Namimiss ko sya, ang tawa nya... ang pangaasar nya... kahit paano napapasaya nya ako... Bakit ganito ang nararamdaman ko... hindi ba dapat matuwa ako at pagtuunan ko na lang ng pansin si Charles. Gaya ng dati...noong wala pa si LEX Luther...

Tomboy Meets Gay(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon