The Pageant

695 14 3
                                    

"Aba maaga ka?!" pagtataka ni Lola
"Maaga ba pasok ni superman ngaun?" tanong ni Lola
" hindi po, hindi lang ako nakatulog maigi"
"bakit? si superman na naman ba?"
"Lola..."
"Sya kumain kana"
"Sapalagay mo La, sumali kaya ako sa volleyball?"
"Sumali ka para  dumami kaibigan mo, hindi yang lagi na lang si superman laman ng bibig mo. Maiba naman yang marinig ko sau". pabirong sabi ni lola
 
Hanggang sa school hindi pa rin ako mapakali. Sasali ba ako? o hindi? Pagsumali ako kelangan ko magsuot ng maikling shorts, hindi ko kaclose mga players nakakatakot sila,  at higit sa lahat hindi kona makikita si Charles after ng class, kasi kelangan ko magpractice.  What to do????
 
"Hoy, handa kana ba sa friday?"  pasigaw na tanong sakin ni Sam-beki, nagulat ako sa lakas ng boses nya napatingin din iba naming kaklase
"Bakit ko kelangan maghanda? Escort lang ako! ikaw ang maghanda" sagot ko sa kanya. Sa totoo lang kinakabahan din ako sa contest na yun. Wala pa nga pala akong isusuot kelangan kopa bumili sa mall.
"Kakausapin daw tau ni teacher after this class". pasigaw nya uling sabi
"Bakit daw?"  nakanguso kong sagot
"I don't know." 
Bakit kami kakausapin ni Ma'am?Lalo akong Kinakabahan kapag kinakausap kami ni teacher pakiramdam ko siguradong sigurado sya na kami na mananalo ang taas ng expectation nya sa amin.  Sabi nila kapag masyadong matayog ang lipad pag bumagsak Patay agad... Tama ba yung sinabi ko??? May connect ba?
Before maglunch kinausap kami ni teacher.
"Samantha I need you to go with Samuel para magfit ng gown. May kilala akong designer may botique sya puede kaung magfit doon."  pag-uulit nya.
"Here is the address, just tell him kayo yung pinadala ko"  pagbibigay nya ng instructions
 
Bakit kelangang ako pa sumama dito sa beking ito? Puede namang magisa na lang syang magfit. Alam kona, yung try out sa volleyball yun na lang i-alibi ko. Tama, yun na lang.
 
"Ma'am may try out po sa volleyball mamaya, magtry po ako sumali"   pagsisinungaling ko, ang totoo di naman talaga ako sasali sa  volleyball
"puede po bang iba na lang sumama kay samuel? tanong ko kay teacher
"then schedule nyo fitting tomorrow"  sabi ni teacher
"pero ma'am baka magpractice na po kami the following days". pangangatwiran kopa
"bakit? sigurado kana bang makukuha? tanong ni teacher
Napahalakhak si Sam-beki, batukan ko to makuha nya.
"but teacher...." pagapela ko
"no buts samantha, kelangan nyo sabay magfit para makita ng friend ko kung bagay sa inyo suot nyo. Dapat match kaung dalawa."  hindi na ako nakipagargue tama naman si teacher.
 
Ngaung araw na ito parang sasabog ang ulo ko sa dami ng iniisip ko. Hindi tuloy ako makakain ng lunch.
 
“Hi Sam! Ready kana ba sa try out mamaya?” bati sa akin ni Charles
“Hindi pa ako nagaagree, diba?”
"Well, mabilis ang balita. Hindi pa man, confirm na agad". pagbibiro nya
"Kanino mo nakuha yan?"  tanong ko
"Kay Sam".
Madaldal talaga tong beking ito. Alibi ko lang yun kay teacher bakit niya pinamalita? sa isip-isip ko.
"So i-expect ko darating ka mamaya, don't turn me down magtatampo ako sau" sabay kindat nya sa akin. Nagfliflirt ba sya?  hay naku ano ba itong iniisip ko???!!!
Sa madaling salita... nagtry out din ako, at sa di inasahang pagkakataon sa maniwala kayo o hindi, nakapasok ako. Siguro sa inaraw araw na panonood ko kay Charles ng volleyball nakabisado kona moves nila.
 
Back to my major problem, The Gay Pageant. Bakit ba ako kinakabahan? hindi naman ako ang contestant escort lang ako. Ang totoo nyan may stagefright ako... sobrang ayaw kong humarap sa maraming tao, pakiramdam ko mahuhulog ako sa stage yung feeling na nakatayo ka sa bangin at naghihintay kana lang na may tumulak sau.
Ilang gabi na akong puyat hindi na rin ako masyadong makakain.
 
"We need to talk"      
Ang aga-aga nakasimangot na naman si Sam_Beki
"Ano na naman problema mo?" nakasimangot ko ring sagot
“Hey this is also your problem if you will not cooperate, magkakalat tau sa stage” naiirita nyang sagot
“Anong magkakalat, maglalakad ka lang doon, paano tau magkakalat?
“Here, read the program” sabay abot sa akin ng papel
Binasa ko ang nakasulat:
Ms. Gay Pageant Program
 
I.                   Introduction
II.                  Talent Portion
III.                 Question and Answer
Bakit may ganito pa? akala ko for fun lang para sa fund raising lang? Bakit nagbago ang program? Bakit parang pang Miss Universe na ito?
“So, anong kinalaman ko dito? Tanong ko sa kanya?
“If you will not join me in the Talent Portion I will not join this contest! So my problem is your problem, I already told teacher about this, in fact she is coming and will talk to you.” Nakangisi nyang sabi
Eto na nga si teacher palapit na sa amin
“Samantha, I assume diniscuss na sayo ni Samuel ang sitwasyon?”
“Ma’am, puede po ba iba na lang. Wala po akong talent, hindi ako marunong sumayaw at kumanta kahit tumula hindi rin ako marunong.” Pag mamakaawa ko kay teacher
“Samantha, this will be a new experience to you. Maeenhance ang self confidence mo” pangungumbinsi ni teacher
“pero Ma’am, baka mapahiya lang tayo…”
“If you keep on thinking mapapahiya kau, then yun nga mangyayari”
 
Nakatingin sa amin lahat ng classmate ko, kapag tumangi ako magiging kontrabida ang tingin nila sa akin. Bakit ba naisipan ng Beking ito na isali ako, kapag nagkalat ako dun pareho kaming kahiyahiya.
“Okay Ma’am, pero sinasabi ko sa inyo nung nagsabog ng talent mahimbing  tulog ko kahit isa wala akong nasambot.”
“You’re kidding me, Samantha! Ako na bahala sa ipeperform nyo. Let us meet sa auditorium 5:00pm”
 
At the Auditorium
 
“Samantha!!!” sigaw ni teacher
“I told you to glide not walk, para kang tuod dyan” naiinis na sabi ni teacher
“Ma’am, I warn you before diba?” nakangiti kong sagot kay teacher
“Hay…your impossible! Watch us okay this is the fifth time”
“Glide, hold hands, turn, hold his waist, jump, 1… 2…3…then turn, dip, hold hands…..”
“Get it?”
“Yes, Ma’am”  sagot ko,   kahit medyo naguguluhan ako sa step. Baka mangagat na si teacher sa sobrang inis sa akin. Kasalanan ko ba kung parehong kanan mga paa ko. Pakiramdam ko may sarili silang isip, hindi sila sumusunod sa utak ko. Naiilang pati ako sa Beking ito, bakit ba titig na titig sya sa akin hindi tuloy ako makatingin ng diretso.
‘’Sabi ni teacher, tumingin lang sa partner hindi tumitig‘‘ pagrereklamo ko
“Bakit? Naiilang ka? Akala ko ba babae ang type mo? Bakit hindi ka makatingin sa akin? Siguro may gusto ka sa akin?” Pangaasar ni Beki
“Excuse me, ang kapal ng mukha mo. Eto nga o nararamdaman ko sa sobrang kapal! Hindi kita type!”pagganti ko namang sagot
 
Hindi ko alam kung naoffend sya sa sinabi ko, namula kasi kanyang mukha. Hindi na sya tumingin sa akin iniiwas na nya mga mata nya, which is good hindi na ako naiilang sa kanya.
Hanggang sa umuwi kami hindi na siya nagsasalita, nakatulugan ko na rin sya sa sasakyan hindi ko namalayan nasa tapat na kami ng bahay namin.
“hoy gising”
“what?!” nagulat ako sa sigaw nya
“baba na, dito na bahay nyo!”
“uhm, Salamat po Mang Arthur”  hindi ko sya pinansin
“Punasan mo muna laway mo, kumayat na!”  pangaasar ni Beki
Kinuha ko laylayan ng T-shirt nya saka ipinunas sa bibig ko
“There meron pa ba?”    sabay baba sa kotse
“Kadiri ka!!!!!”  Sigaw nya sa akin
 
Three days na lang Contest na, Mabilis lumipas mga araw naging busy ang lahat paghahanda sa program.
 
“Bakit hindi kapa nakagown?”  natetense na tanong ng teacher sa estudyante nya
“Hindi po ako marunong, hindi ko alam kung paano isuot yan” sagot ng estudyante
“Samantha, tulungan mo si Samuel dito. Kinakabahan ako sa inyong dalawa bakit hindi pa kayo nakaayos?!”
Samantha’sPointofView
“Tumayo ka dyan, hubadin mo damit mo?” sabi ko
“Tumalikod ka” sagot nya
“As if naman may makikita ako dyan!” 
“Basta tumalikod ka!”
“Ang arte!” pabulong kong sabi  “tapos na?”
“Wait”  hinahapo nyang sabi  “tapos na”
Napahagalpak ako ng tawa sa itsura nya. Pawis na pawis, daig pa nya nagmarathon.
“Tatawagin ko magmakeup sau, babalik ako magbibihis lang ako”
“okay, pero wag kang matagal!”
“Oo na parang bata”!!    Pagbibigyan ko muna sya ngaung araw na ito, hindi ko muna sya aawayin. Araw nya ito saka na lang ako babawi. Sa isipisip ko
 
GRABE!!!! Ang ganda nya, hindi ko sya nakilala. Kulot na mga buhok, makapal at malalantik na pilik mata, mamula-mulang pisngi, at mapupulang labi. Bagay na bagay din sa kanya ang kulay pula nyang gown. Mas maganda pa sya sa akin. Pakiramdam ko natitibo ako sa kanya, parang gusto ko syang yakapin sa sobrang tuwa.
 
“Hoy! Natulala ka na dyan!”   bigla akong natauhan ng marinig ko boses nya
“Ang ganda mo bagay sau, ganyan kana lang palagi” sabi ko naman sa kanya
“Eh di Crush mo na ako? Bagay din sayo yang damit mo, nagmukha kang tao!” nakangisi nyang sagot
“Eh di Crush mo na rin ako?” ganti ko sa kanya
“Hindi ako pumapatol sa tomboy”
“Hindi rin ako pumapatol sa Beki” sabay talikod
 
Mayamaya tinawag na kami, pinalapit na kami sa likod ng stage. Dito na ako sinimulang kabahan. Nanlalamig mga kamay at paa ko, naninigas mga tuhod ko hindi ko sya maihakbang.
“Namumutla ka” sabi nya sa akin
“Hindi okay lang ako” pagsisinungaling ko
“give me your hand” sabi nya
“bakit?”
“just give me your hand”
Kinuha nya mga kamay ko, hindi ko kasi maigalaw katawan ko parang naninigas sa sobrang kaba, nilalamig ako pakiramdam ko masusuka ako.
“Stagefright?”
Tumango lang ako
“Don’t let go of my hand, don’t be afraid. Dalawa tayong lalakad sa stage, kung madadapa ka hahawakan kita, kung mahuhulog ka hihilahin kita, kaya wag kang matakot” ang sabi nya sa akin
Hinawakan nya ng mahigpit ang aking mga kamay, pakiramdam ko tuloy ako si Miss Universe at siya ang escort ko. Nabaligtad ata…Ako ang escort diba?
“Tayo na ang susunod”, bulong nya sa akin. Kinilabutan ako hindi ko alam kung ito ba’y dahil sa kinakabahan ako o sa mainit nyang hininga na dumapo sa tenga ko… Tumaas mga balahibo ko…. Yayks…anu ba yun????
Tinawag na kami, napakadaming tao nakasisilaw ang ilaw hindi ko makilala mga nanonood. Nagsisigawan ang mga tao hindi ko maintindihan mga sinasabi nila, pakiramdam ko matutumba ako parang mawawalan ako ng ulirat.
“Samantha, calm down. I’m here, just smile” habang pinipisil nya mga kamay ko, hindi pa rin nya ito binibitawan. Sinubukan kong kunin kamay ko pero…
“I’ll let go of your hand when we are finish. Okay?” sabi nya uli
Tumango lang ako
Natapos ang unang round,  sumunod ang intermission. Para makapagprepare kami sa Talent Portion. Wala akong ginawa kundi huminga ng huminga ng malalim. Pakiramdam ko hinihika ako. Lumapit sa akin si Samuel tinapik tapik nya likod ko saka hinaplos, para daw lumuwag ang hinga ko. Minasahe nya uli mga kamay ko para dumaloy daw ng mabuti ang dugo ko. Hindi ko alam na may good side din pala itong Beking ito. Bakas din sa mukha nya ang pagalala, natural lang pag hinimatay ako dun magkakagulo at mabubulilyaso ang performance namin.
“Are you okay now? Medyo malapit na taung tawagin” pagaalala nya
“Okay na ako”
“Okay, we should get ready na”
“oo”
“Teka…” humiram sya ng lipstick sa ibang contestant at nilagyan nya labi ko ng lipstick nabigla ako sa ginawa nya, naitulak ko sya.
“Sorry, nagulat ka? kelangan mo maglipstick namumutla ka”  pagpapaliwanag nya
“ganun ba, ako na lang maglalagay” kinuha ko sa kanya ang lipstick, eto na naman ako…naiilang na naman ako sa kanya. Bakit ba parang nang-aakit sya kung makatingin??? Ganito ba lahat ng Bakla??? Kainis……GRRR….
 
Ladies and Gentleman our next contestant, from Class Amethyst Samuel Trace Castillo with his partner Samantha Chavez!!!!
 
I had the time of my life…..And I ne…ver felt this way before……and I swear it’s so true….and I owe it all to You…oohhhh…
Tinandaan ko lahat ng turo ni teacher… Glide…hold hands….swing…sway…hold waist…dip…face each other….sway….
Bakit ba titig na titig ang lalaking ito sa akin,  Unti unti nadadala na rin ako sa kanta at hindi kona rin maalis mga mata ko sa mukha nya… ano bang nangyayari? Bakit ang tingin ko ang gwapo gwapo nya?? Certified Tibo naba ako??? Bakit naaattract ako sa kanya??? No… No…No… Bading ang nasa harapan ko….si Charles parin ang superman ko!!!!!!
 
Two rounds one more to go, Question and answer. Makakasurvive din ako…last na ito….Inescortan ko sya papuntang stage nang tinawag siya.
 
“Sam, eto ang nabunot mong tanong” sabi ng MC
“Sabinilagagawinmoanglahatpag-mahalmoangisangtao. Pasasayahin, pagbibigyanhanggangkayamo.” Kwento ng MC
“Eto ngaun ang tanong ko, Paanokungsinaktankangminamahalmo? Mamahalinmoparinbasya?” Nangingiting tanong ng MC
“Itong tanong na ito ay galing sa isa sa ating mga estudyante, namili kami ng mga katanungan na sa palagay namin ay interesanteng sagutin ng ating mga kalahok” paliwanag uli ng MC
“O Sam, puede kona bang Marinig kasagutan mo?” nakangiting tanong ng MC
Sa totoo lang kinakabahan ako sa isasagot ni Sam_Beki, marunong ba itong magmahal? Nainlove naba sya? Hayst….Galingan mo ang sagot mo pag mali-mali ka sasapukin kita!!! Isip isip ko.
 
“Opo, Mamahalinkoparinsya, dahilhindinamanakonagmahalparalangsumaya.”
 
Natulala ako sa sagot nya, puede bang irewind? Sa bibig ba nya nanggaling yun?
 
Halos dumagundong ang gym sa lakas ng sigawan at palakpakan, pati ako napasigaw at napa-palakpak. Mangiyak-ngiyak din ako pakiramdam ko ako ang boyfriend nya at para sakin ang sagot nya…. Este girlfriend pala….So proud of him....
_____________________________________________________________________
Siguro naman alam nyo na kung sinong nanalo…Hehehe… 
Next chapter  “the rosebud”,   
Matutunan na kaya ni Samantha na tanggapin si Samuel? o mas lalo nya itong kainisan?
Thank you po sa patuloy na nagbabasa ng story ko.
Sana nageenjoy kayo….

Tomboy Meets Gay(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon