Graduation Ball

753 16 5
                                    

"La.. I need a dress for the graduation ball"

"Aattend ka? akala koba wala kang hilig sa mga ball na yan?"

"In case lang po makaattend ako”

“Dress ba talaga o Americana? Pagbibiro ng Lola nya

“Lola naman …”

Samantha’sPointofView

Aattend ba ako? Last na pagkakataon na ito para magkasama kami ng mga schoolmates ko in highschool, we might never see each other again. Si Beki kaya? Magkikita pa kaya kami? San kaya sya magcocollege? Bakit ba iniisip ko sya?  

“Hi Sam!”  as usual nagkita na naman kami ni Charles. Nakasanayan ko ng bantayan sya sa school tuwing umaga

“Hi” bati ko din sa kanya

Hindi ko napansin kasabay din pala nya si Samuel, minsan kasi nauuna ito dito.

“May I talk to you sa lunch?”  tanong ni Charles

“Uhm, sige. Para saan?”

“Tungkol sa graduation ball”  binulong nya sa akin

“Mauna na ako Charles!”  sabi ni Samuel

Itinaas ni Charles kamay nya at kumaway kay Samuel habang nag-uusap kami. Nauuna kaming maglakad kaya di ko na siya nakitang umalis. Nasa likod namin siya.

“Actually Sam, I would like to be your escort in your graduation ball. Puede ba?” nahihiyang tanong nya

“Okay lang, pero hindi ko naman kelangan ng escort. Ang kelangan ko siguro yung eescortan ko” sabay tawa ng malakas, para hindi nya mahalatang kinakabahan ako. Dream come true ito para sa akin…maging escort ko si superman. Pero bakit hindi ako ganung kaexcited? Parang may kulang…

“Teka, hindi ka naman graduating. Puede ka bang pumasok dun?” tanong ko uli

“I will be the guest, Lam mona pag sikat” sabay kindat sa akin

 Napatawa na lang ako…Sabagay totoo naman napakapopular nya sa campus. Mr Campus sya…Mr.basketball, Mr.volleyball, Mr. Soccer lahat na ng Mister sa kanya…

“See you na lang mamaya sa lunch” pagpapaalam ni Charles

Hanggang sa klase, para parin akong nastarstruck…bakit ba ang laki parin ng epekto sa akin ni superman. Maybe because since elementary crush kona sya and to think na naging ganito ako because of him.

Nagkita kami ni Charles sa lunch, nalaman ko na hindi pala talaga sya invited, nagprisinta sya…Akala koba sikat sya kaya sya ininvite.?napapailing na lang ako nung nagkwekwento sya, pero sabi nya secret daw un wag kong sasabihin sa iba. Medyo hindi ko naintindihan kung ano ang secret, yung nagprisinta sya o yung aattend sya ng ball? Sabi nya gusto daw nyang makita for the last time mga highschool girls.

“Ma…akala kopo next week pa uwi nyo?”

“Your Lola called me, may ball daw kayo and you need a dress?”

“pero, makakabili naman po kami ni Lola. Hindi napo sana kau nagabala” medyo maiiyak kong sabi.

Ever since nagchange ako ng reference ko sa pagdadamit hindi na kami nakakapagusap ni Mama ng maayos, lagi kaming nagtatalo. Ngaun sobra kong naaapreciate presence nya, because I really need her. I don’t know what to do, I don’t even know how to choose the dress na babagay sa akin.

“I miss you Ma” bigla ko syang niyakap at hindi kona rin napigilang umiyak

Well totoo I really miss her, nung bata ako namamasyal kami ibibili nya ako ng mga dress at dadamitan nya ako ng parang si Barbie pati buhok ko aayusin nya. Ngaun kasi lagi akong nakaponytail, never akong naglugay ng buhok. Medyo kulot kasi ang buhok ko, wavy sya yung malalaking kulot sa dulo kaya lagi ko syang tinatali.

Tomboy Meets Gay(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon