CHAPTER ONE
- Shattered Glass -
AMBER'S POV
"Ahh-ehh A-Amber pu-pwede bang ma-manli-li-li-g-gaw?"
"Can I court you Amber?"
"I think I like you. Wanna have some date with me?"
"Pwede ka bang maging syota Amber?"
Ugh. Alin ba sa mga salitang AYOKO SA KANILA ang hindi nila maintindihan?!
Nakakainis!!
"Oy girl! Nakabusangot ka jan?" tanong bigla ni Caroline,kaklase ko.
Umiling lang ako sa kanya at inub-ob ang mukha sa desk at natulog.
Ang gulo nila. Ang ingay. Nakakabwiset!
Dadalawin na sana ako ng antok nang biglang magsalita si Caroline sa tabi ko.
"Alam mo girl, hindi naman masamang umasa na magkakabalikan kayo eh."
Hindi ko siya nilingon at pinagpatuloy ag pag.ub ob sa desk.
Eto na naman, kumikirot na naman ang puso ko sa mga sinasabi niya.
"...basta alam mo lang kung kailan ka titigil." dagdag nya.
Kailan nga ba ako titigil?
Kailan nga ba ako magsasawa?
Kailan nga ba ako mapapagod?
*FLASHBACK 1YEAR AGO*
AUGUST 15.
Muahahaha! Ang saya saya ko today! XD
Fourth anniv.na kasi namin ngayon ni Tristan.
Tinext niya ko na pumunta ng rooftop after class. Baka may surprise na yun! Waaaaa!!!! Iniisip ko pa lang, kinikilig na pwet ko! muahahaha. >////<
Dali dali naman akong pumunta ng rooftop. At yahoow! Naghihintay sakin ang pinakamamahal kong lalaki. Ang pinakamahalagang tao sa buhay ko ngayon.
Habang papalapit ako sa kanya, lumalakas ang tibok ng puso ko.
Sobrang saya ko at nakilala ko si Tristan. Para siyang isang regalong pinadala ng Diyos sakin.
Hindi sapat ang salitang pagmamahal para i.describe ang nararamdaman ko sa kanya.
He mean a lot to me.
"Hon, sorry medyo naghintay ka." sabi ko while giving him a back hug.
Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Mahal na mahal ko talaga siya.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Hinawakan niya bigla ang mga kamay kong nakapulupot sa bewang niya at iniharap nya ko.
Bakit pakiramdam ko ata may mali?
Yung mga mata niya..
Sobrang lungkot na nakatingin sakin.
"Let's end this Amber."
Tila nawala ang lahat ng dugo ko sa katawan.
Yung nararamdaman kong saya kanina ay para bang bula na nawala bigla.
Bakit parang tinutusok ang puso ko ng ilang daang karayom?
"H-ha! Ha! Ha! Ha! Ikaw talaga Hon! Muntanga lang! Wag mo nga kong biruin ng gany--"
"Amber, I'm sorry. I-I thought I had everything when I'm withyou. But I think I should consider myself more this time. I shall never forget everything that we had. I love you but I think it's not enough. Let's break up."
"Amber .." lungkot na saad nya.
"Am I not enough Hon?"
Tinitigan ko siya ng diretso sa mata. Napakalungkot neto at mukhang pagod.
Pinunasan nya ang luha kong parang ilog na dumadaloy sa mukha ko.
"I-I'm sorry Amber. I'm sorry." bulong nya at lumakad paalis.
Naiwan lang ako doon na nakatunganga. Sobrang sakit.
Ang taong inakala kong hindi ako iiwan at mamahalin ako habang buhay ay wala na.
Bakit? Bakit Tristan? Bakit kailangan mo tong gawin? Bakit kailangan nating maghiwalay?
Ano bang nagawa ko? Saan ba ko nagkamali? Saan ba ko nagkulang?
Napahagulgol na lang ako. Hawak hawak ang dibdib kong parang sasabog na sa sobrang sakit.
"H-ha-happy fo-fourth *sniff* a-ani- *sniff* versary *sniff* Tristan Rei *sniff* Santiago .." bulong ko sa sarili ko.
*END OF FLASHBACK*
Simula noon, hindi na ko nakipagrelasyon sa iba. Ni crush wala na talaga. Parang wala ng ibang naramdaman ang puso ko kundi sakit na galing sa kanya.
Walang araw na hindi ako umasa na magkakabalikan kami.
Lahat ginawa ko para lang mapansin nya ko muli.
Pero hanggang ngayon,
WALA PA RIN.
BINABASA MO ANG
What Does It Take?
Teen FictionWhat does it take to fix everything? What does it take to bring them back again? What does it take to make the heart beat again? What does it take to have a second chance? What does it take for him to have her again?