Chapter Two
- Need You Know -
[AMBER'S POV]
"This school year, magkakaroon ng maraming events ang school for the upcoming festival. And the highlight of it is ang ACOUSTIC SINGING CONTEST. And as a response to it, pipili ako ngayon dito sa inyong section ng isang representative." paliwanag ni Teacher Han.
Acoustic Singing Contest?
Wow. First time atang magkakaron ng ganyan.
Yung mga classmates ko, naexcite ata at biglang nagsisigaw at nag-iingay. Nagtuturuan kung sinong sasali sa contest.
Ako naman ay hindi interesado at umub ob na lang sa desk at matutulog.
Kaantok. =___=
"MISS HAN!! SI AMBER DAW PO SASALI!!!!"
O_____O
Napabangon ako bigla at tinakpan ang maingay na bibig ni Caroline.
"Well? Talaga Miss Ferrer? Sige ililista ko na ang pangalan mo dun sa form. Okay,that's all for today class, bye!"
WTF?
"TE-TEKA PO MISS HAN! MISS HAN SANDALI PO!" sigaw ko pero para atang hangin lang ang dating ko sa kanya. =__=
"Awat na Amber! Okay na yan! Maganda naman boses mo eh!" sabi ni Caroline na nakahawak sa kanang braso ko.
"ANO BA CAROLINE?!! KITA MO NAMAN NA AYOKONG SUMALI DUN EH!!" napasabunot na lang ako sa sobrang inis kay Caroline!
Tinawanan niya lang ako at umalis na din.
Ano bang trip nila? Isasali ako sa walang kwentang contest na yun?!!!
Nakakainis lang! Wala akong balak na kumanta ulit sa harapan ng madaming tao!!
Naaalala ko lang kasi yung araw na sinagot ko si Tristan. Kumanta din ako nun sa isang contest at nung manalo ako ay sinagot ko na din sya.
Masakit. Ansakit sakit kapag naalala ko ang mga araw na yun.
Eto na naman ako at napaiyak na lang.
Wala na atang katapusan to..
[CAROLINE'S POV]
Ayokong nakikitang umiiyak si Amber. Ayokong naghihinagpis sya dahil sa sakit. Kung may magagawa lang ako para maibsan ang nararamdaman nya ..
Hindi ako nagparaya para lang magkaganito ang lahat ..
Matagal na kong may gusto kay Tristan.
Alam kong mali pero anong magagawa ko? Nagmahal lang din naman ako kaya lang sa may iba pang mahal.
Pinasali ko sya dun sa contest para matapos na ang lahat. Para maharap nya ang mga alaalang nagpapasakit sa kanya. Kailangan nyang harapin ang sakit. Kailangan nyang magpakatatag.
At ako ang tutulong sa kanya ..
Si Caroline Jade Go.
Hinding hindi ko ipagpapalit ang pagkakaibigan namin ni Amber kahit pa may gusto ako kay Tristan.
[AMBER'S POV]
Nag'attempt ako na idecline yung pagsali sa contest. Pero sabi ng mga organizers, wala na raw bawian at kung sino raw ang nakalista eh final na talaga.
WATDAPAK TALAGA!!
Walangyang Caroline yan! Alam naman nyang ayaw na ayaw ko sa mga ganyan pero pinasali pa rin ako! Nakakainis talaga!
BINABASA MO ANG
What Does It Take?
Teen FictionWhat does it take to fix everything? What does it take to bring them back again? What does it take to make the heart beat again? What does it take to have a second chance? What does it take for him to have her again?