Chapter three

19 3 0
                                    

  Kinabukasan, kinontak ako ni Bryan at Brent na pumunta sa favorite place namin ni Blake which is yung garden. Pinagsuot nila ako ng Wedding dress, pero hindi ko alam kung para saan.

Nasa garden ako ngayon, para akong baliw na naka-wedding dress ako dito tapos nakatambay. Di ko alam kung anong trip ng kambal na'yun pero tiwala naman ako.

Biglang may nakitang tao yung tagiliran ng mata ko, kaya lumingon ako at nakita ko siya na naka-tuxedo din.

"Blake?", napatayo ako bigla at akmang tatakbo sa kaniya. Pero bigla siyang tumalikod.

"BLAKE! HINTAY! BLAK-- AHHH!", sa sobrang kalampahan ko bigla akong nadapa. Hindi kasi madali tumakbo ng naka dress at takong.

Naiyak nalang ako. Wala ng pag-asa pang mahabol ko siya ni hindi niya nga ako gustong makita eh.

"Lampa. Tumayo ka nga dyan!",utos niya sakin.

"H-Hindi ko kayang tumayo." utal-utal kong sabi. BINALIKAN NIYA AKO!

Tinaas niya yung dress ko at tinignan ang tuhod ko, may sugat.  

  "Bakit ba kasi pupunta ka dito sa garden tapos naka-wedding dress ka! Bobo ka ba? Alam mo namang maraming parasite dito eh!",binuhat niya ako ng bridal style.

Di ko alam kung bakit pero kinikilig ako. Titig na titig ako sa mukha niya habang buhat-buhat ako. Napaka-gwapo niya, sayang lang at di na niya ako makilala.

Yung titig ng mga estudyante talagang may halong inis at kilig para samin ni Blake.

Sana nga kami nalang.. Sana kami nalang ulit.

Pagdating sa Clinic, bigla niya akong inihagis sa kama. Mabuti nalang malambot yung kama dito.

Akma siyang tatalikod kaya hinawakan ko yung kamay niya.

"Blake..", humarap siya sakin at inalis ang pagkakahawak ko sa kanya.
"Blake, wala ka bang naaalala?", tanong ko.

"Ano bang dapat kong maalala tungkol sayo? Paulit-ulit mo nalang akong ginugulo. Pwede ba kung may gusto kang sabihin sakin, diretsuhin mo na.", inis na sabi niya.

Humugot muna ako ng lakas ng loob para masabi ko ang lahat ng gusto kong sabihin. Hinga ng malalim.

  Blake's POV

"Ito! Itong set-up natin ngayon. Ganito yung mga suot natin nung una tayong magkita sa garden, sa favorite place natin. Di mo ba ako naaalala?", sabi ng babaeng kasama ko ngayon.

*Flashback

My mom arrange me to a marriage, kailangan na daw kasi nila magka-apo bago pa sila mamatay. What kind of reason is that?

Tumanggi ako, ayokong magpakasal sa taong ni hindi ko naman kakilala.

Araw ng kasal, ready na ang lahat except sakin. Ayoko talaga! Kung may girlfriend lang ako eh.

Naglakad-lakad ako. Di ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Feeling ko nawawala na ako sa katinuan ko.

Hanggang sa may narinig akong umiiyak, isang babae. Naka-dress din siya ng pangkasal. Lumapit ako sakanya at inabot ko ang panyo ko sakanya pero parang di niya ako naramdaman na dumating. Hinawakan ko ang baba niya at iniharap ko sakin atsaka ko pinunasan ang luha niya. Iniiwas pa niya yung mukha niya noong umpisa pero nagpaubaya nalang din siya.

"Wag ka na umiyak. Pumapangit ka eh!", sabi ko.  

  Di niya ako pinansin at umiyak ulit siya.

"Kung may problema ka, pwede mo akong sabihan. Kailangan ko din kasi ng pagsasabihan ng problema.",sabi ko.

Napatingin naman siya sa akin bago magsalita.

"I-ikaw? Hmp. M-may p-problema?"

Sh-in-are ko yung problema ko tungkol sa pagpapakasal.

"P-pareho pala tayo.", nabigla ako sa sinabi niya."Para mabayaran lahat ng utang nila papa kailangan ko daw magpakasal sa anak ng kumpare niya.", at humagulgol nanaman siya ng iyak.

Niyakap ko siya. This is the first time na yumakap ako ng babaeng kakakilala ko palang. "May naisip akong ideya.", sabi ko.

Humiwalay siya sakin at nagtatakang tumingin saakin."Maging tayo nalang kaya? Mababayaran ng pamilya ko ang debts niyo and at the same time may mapapakilala akong girlfriend sa parents ko para tumigil na sila sa kahibangan nila.", natutuwa kong sinabi sa kanya.

"Pasensya na.",sabi niya.

"Bakit?", tanong ko.

"Gusto kasi nila mama yung mayaman, gwapo, at kaya akong buhayin. Gusto nila yung nagmamay-ari ng malalaking building--"

"Ang demand naman ng parents mo.", tumingin ako sa school ng garden na kinauupuan namin.

"Okay naba yung nagmamay-ari ng school na'to?", sabi ko sabay ngiti sakanya.

"Maxwell Group? Ahh-hindi im-"

"Sa akin naka-pangalan yan."

*EndOfFlashback

Tumingin ako sa babaeng kaharap ko ngayon. Imposibleng siya yung nasa past ko.

"Naaalala mo na ba ako?", ulit ng babaeng 'to.

"B-blurd.", biglang sumakit yung ulo ko kaya tumakbo na ako papalayo sa Clinic.

Sino yung babaeng yun? Si Scarlet ba talaga yun?  

EvanesceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon