Chapter Eighteen

4 0 0
                                    


 "Be mine. Just for this week!"

"Be mine. Just for this week!"

"Be mine. Just for this week!"

Paulit-ulit na um-echo sa pandinig ko. Tama ba yung narinig ko? Naghahallucinate ata ako.

"W-Wait ah? Para saan? Atsaka bat ako?" tanong ko. 

Eh kagwapong nilalang nito imposibleng walang magkagusto sa kanya. Tisoy, pointed nose, kissable lips, thick brows. Oh san kapa?

"First of all, I don't know anyone here in the Philippines except Trisha Lim, my girlfriend." Aba babaero pala to eh! May girlfriend na tapos aayain pa ako? "Apparently, she is now enggage to someone else." Whaaaat? Enggage yung gf niya?

"Anyare? Bat nagkaganon?" nagguguluhan kong tanong.

"Their family business has a huge gross profit loss, and any minute now they might declare bankruptcy if it continues. But because of that sh*t marriage, they are slowly developing again." pag eexplain niya.

"Eh, mayaman ka naman. Bat di nalang ikaw yung magbayad ng utang nila?" Eh totoo naman e.

"I can't. Even though I have the money, her parents doesn't like me for her 'cause I don't own any enterprise." Aw. Pareho pala kami.

"And yes. Kaya rin kita pinili dahil pareho tayo ng pinagdadaanan."

"Pero.. kami parin ni Blake. Kahit may dagok sa relationship namin ngayon, lalagpasan lang namin yun. Di kami papatalo."

"I know. At kami parin ni Trisha. Why? Ang akala mo bang be mine maging girlfriend kita?" Hindi ba? Hala nakakahiyaaaa.

Agad akong yumuko feeling ko namula ako e. Assumera kasi ako yan tuloy hahaha.

"Be mine. Parang akin ka muna. Samahan moko kung san ako pupunta, because I don't know the routes here. You must answer my questions regarding your country. Ganon." pag eexplain niya.

"Ah okay." sabay tango ko.

"Okay? Meaning yes? Wow. Thankyou." bigla siyang tumayo atsaka ako niyakap.

Mind you, shirtless siya. Omo.

"Layo." kako kaya natauhan naman siya at bumalik sa upuan niya.

"So friends?" tanong niya sabay lahad ng kamay niya sa harap ko.

Inabot ko ang kamay niya at shinake hands. "Friends."

After non, kumain nalang kami tapos unting kwentuhan.

Nalaman ko na half-british, one-fourth american, one-fourth filipino siya kaya pala medyo maalam siya sa Filipino language dahil lola niya daw yung nagpalaki sa kanya.

5 years naring magjowa si Michael at Trisha kaso yun nga enggage na si Trisha. Wala naman talagang balak si Michael pumunta dito sa Philippines pero gusto niyang umeksena sa simbahan at sumigaw ng 'Itigil ang kasal!'

So ang role ko, karamay niya hahaha. Ganern. Magdamayan kaming mga heart broken.

After namin kumain, nagbihis na ako ng damit ko na nilabhan na pala kagabi pa kaya natuyo. Tapos hinatid niya na ako sa bahay ko.

"Salamat besh." endearment namin yan. Hahaha! Ewan ko ang daming alam ng kuya niyo.

"You're always welcome, besh. Call me later." sabi niya at pinaandar na ang sasakyan niya.

Actually, super gaan ng pakiramdam ko kay Michael. Di ko alam kung dahil pogi siya or pareho kami ng nararamdaman? Ewan.

Eh si Blake kaya? Kumusta na kaya siya? Mula kagabi nung nagwalk-out ako di na siya nagtext o tumawag o nagchat. Yan kasi eh. Pawalk out, walk out pa kasi akong nalalaman eh jusme.

Itext ko nalang kaya siya? Miss ko na siya e.

To: Blake 

Panget? How are you? Di ka man lang makontak. I really miss you. Okay ka pa ba diyan? Di ka ba pinagalitan ng mama mo dahil sakin? Pasensya na. I love you! Reply ka naman kapag nabasa mo to panget! 

*send

Hay. Biruin mo kaka-on palang namin ganto agad ang bungad.

Pinagtagpo lang ba kami pero hindi itinadhana?  

________________

A/N: Guys! I am really sorry for the very late update. Hope you guys continue reading this story.

Don't forget to like, vote and add to your library. Saranghaeyooooo!

EvanesceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon