Chapter Seven

18 4 3
                                    

  Scarlet's POV

"Ano 'to Bryan?", sabay abot sa akin ng isang card.

"Invitation yan. May gaganaping party sa bahay nila Jez, at gusto niyang isa ka sa mga guest."

"Bakit may party?",nagtataka kong tanong.

"Welcome back party for her. Inaabangan ka niya kaya don't be late Scarlet! See you!",sabi niya habang papaalis ng bahay.

Ano namang susuotin ko? Pambihira! Sa palabas, yung mga nag-i-invite nagpapadala din ng dress diba? Bakit ngayon wala? Ahh--alam ko na!

Blake's POV

"May party? Bakit di mo ako sinama nung sinundo yung girlfriend mo? Di mo ako sinabihan.", sabi ko.

Inuna pa nilang inimbita yung si Impostor bago ako.

"Blake, pumunta ka nalang sa party para makita mo ang girlfriend ko. Ha? Inaasahan kita.", sabi niya lang atsaka umalis.

6pm ang party at 5:30pm na hindi parin ako makapag-decide kung ano ang susuotin ko. Bahala na nga!

@Party

Everyone was so glamorous! Pero may kulang, wala akong ka-date! Si Scarlet kasi ay may pinuntahan kaya hindi daw siya makakapunta.  

  May isang taong kumuha ng mailap kong atensiyon. She looks very simple yet very amazing on her outfit.

I forgot to say that the theme of this party is masquerade. I can't see her whole face but I think and feel that she has something on my heart.

Lumapit ako at inialok ang mga kamay ko sakanya at agad naman niya itong g-in-rab.

I can feel that she was shy and at the same time feel nervous.

Nilapit ko ang bibig ko sa tainga niya at sinabing, "Don't be afraid, I will take good care of you."

Scarlet's POV

"Don't be afraid,I will take good care of you.", sabi ng ka-partner ko.

No way! I know that voice. Pwede kayang si--si Blake itong kasayaw ko ngayon? Ano nalang magiging reaksiyon niya na ako pala ang ka-partner niya, ang taong ayaw niyang makita?

"Everyone! Thank you for coming here. I'm so glad that all of you are here.",sabi ng babaeng nasa harap. For sure si Ate Jez yan.

"Now, for the twist of this party, kung sino man ang ka-partner niyo right at this moment ay magiging partner niyo  the whole night. Now, at the count of three we will all remove our masks. 1..2..3".

Tinanggal na ng ka-partner ko ang mask niya. Di nga ako nagkamali, si B-Blake nga..

"Tanggalin mo na ang mask mo Miss.", utos niya sakin.

Dahan-dahan kong tinanggal ang maskara ko.

"Imp--Scarlet?", tanong niya at akmang tatalikuran ako kaso biglang dumating sila Bryan.

"Bro! Anong gagawin mo?",tanong ni Bryan.

"Ayoko siyang maging ka-partner bro!", sabi niya. Ang sakit!

"H'wag mo namang sirain ang party Blake. She looks very stunning. Just for this day Blake, for me.", sabi ni Ate Jez.

Walang magawa si Blake. Niyaya--ay mali, hinila niya ako papuntang dance floor.

"Masakit.. Blake!", sabi ko sakanya pero parang di niya ako narinig.

Binigla kong tanggalin ang kamay ko kaya napalingon siya.

"Ano? Umaayaw ka na? Nasasaktan ka na? Sumuko ka nalang! Sunod ka ng sunod! Para kang linta.", sigaw niya sa akin.

"Wala sa bokabularyo ko ang sumuko Blake! At saka ikaw ang nagyaya sakin kanina diba? So, hindi ako  yung sumunod sayo!", sigaw ko pabalik sakanya.

Hinila ko siya, inayos ko ang pagkakatayo niya at ang postura niya. Nilagay ko ang kamay niya sa bewang ko at inapakan ko ang paa niya.

"Aray! Ano ba, di mo nakikita? Naka-heels ka!"

"Shhh! Sumayaw ka.", utos ko.

"Paano ako sasayaw kung nakaapak ka sa akin? Ha!"

"Sasayaw ka o didiinan ko pa ang pagkakaapak ko sayo?", di na siya nagsalita at unti-unting ginalaw ang mga paa niya.

"Makinig ka, Blake. Second time na nagkita tayo as a couple before ay Welcome back party rin ng kambal. Sabi ko di ako marunong sumayaw kaya tinuruan mo ako sumayaw katulad nito. Blake, itong suot natin ngayon ang suot din natin nung time na 'yon. Di mo ba naaalala?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Dejavu.. Sino ka ba talaga? I-ikaw ba talaga yung babae sa past ko?"

"Blake..",bigla nalang tumulo ang mga luha ko."Ako 'yon Blake. Maniwala ka sakin! Ako 'yon!"

Pagkasabi ko n'on bigla niya akong binitawan at tumakbo siya palayo sa akin. Blake, kailan mo ba ako maaalala? Nasasaktan na ako!  

EvanesceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon