Chapter Eleven

28 5 5
                                    

@Salon

Sabi nila Bryan kailangan ko daw magpaganda. Di ko talaga alam kung bakit, pero libre naman nila eh kaya okay lang.

Actually 30 minutes na ako mahigit inaayusan dito sa salon. Andami kasing ginagalaw sa mukha ko eh.

Ilang minuto pa ang nagdaan nang inikot na ng Salonista ang swivel chair.

"Open up your eyes and look at your beautiful existence.", sabi ni Ate. Di ko kilala basta Ate nalang.

I slowly open up my eyes and look into the mirror.

"Ako ba talaga 'to?", gulat na tanong ko.

Nawala lahat ng wrinkles, black and white heads pati eye bags ko natakpan. Well, nagkaroon lang naman ako ng lahat ng iyan simula ng nawala na siya sa tabi ko.

"Bakit ka malungkot? Di ka ba nagandahan sa sarili mo? Sobrang ganda mo kaya. Kung ako lang ang may mukhang ganyan pinagmalaki ko na sa buong mundo.", napangiti ako sa tinuran niya. Nakaka-flatter naman.

Dumating naman si Brent at hinawakan ako sa wrist. Hihilahin na niya dapat ako pero tumigil siya.

"Bakit?", nagtataka kong tanong.

K-in-ss niya ang nag-ayos sakin at kinindatan. Tsk! Babaero talaga 'to.

Hinatak niya ulit ako at iniwan namin yung babae na kinikilig. Binilisan niya ang paghatak sakin.

"Teka nga!", sabi ko sabay pigil sakanya.

"Bakit ka ba nagmamadali, Ha? Tapos hinalikan mo pa yung babae d'on! Isusum--", bigla niyang tinakpan ang bibig ko.

"Shh. Wag kang maingay! Di ko kasi nadala yung wallet ko, wala tayong pambayad. Tara na, dali!",sabi niya sabay hatak ulit sa akin.

Nagagamit pala ang halik bilang pambayad? Sira talaga 'tong mokong na 'to.

Pinasakay niya ako sa Porsche niya at pinaharurot ang sasakyan niya.

"San ba tayo pupunta?"

"Wait and see.", sabi lang niya habang nagmamaneho.

Tumapat kami sa isang mall ulit. Hinatak niya ako papunta sa mga damitan.

"Isuot mo 'to.",sabay abot ng gown na pa-heart shape na tube tapos diretso backless.

Ang hirap mag-explain ng gamit ng mayaman.

"Ayoko 'to. Conservative ako. Ayoko.", sabi ko habang umiiling.

"Ang arte mo.",sabi niya sa akin at tinulak-tulak papuntang fitting room. Hayy! No choice.

Isinuot ko 'yong damit kahit nakaka-ignorante suotin.

Ilang minuto lang ay lumabas na ako. Tinignan ako ni Bryan mula ulo hanggang paa.

"Okay na'yan.", sabi niya lang at hinatak nanaman ako palabas.

"Mam, Sir!", sigaw ng sales lady.

Huminto naman si Bryan sa paghila sakin.

"Di pa po kayo nagbabayad. Isa po sa high class 'yong kinuha niyo. Pasensya na po."

Lumingon pabalik si Bryan sa sales lady.

"Alam mo 'yong Smith Group of Company?", naiinis na tanong ni Brent.

"O-Opo."

"Doon mo kunin 'yong bayad. Sabihin mo 'yong pangalan ko Bryan Smith. Naiwan ko kamo 'yong wallet ko.", sabi niya sabay alis at hatak sakin.

"Tsk. Nagtatrabaho siya diyan hindi niya alam kung sino ang anak ng boss niya.", narinig ko pang murmur niya.

"Wait.", sabi niya sa akin pagkasakay namin sa sasakyan niya.

Kinuha ni Brent ang phone niya at may tinawagan.

"Douglas, i-fire mo yung sales lady sa Smith Couture. Basta patalsikin mo siya.. Ako na ang bahala kay Dad. Bye!"

"H'wag mo ng i-fire 'yong babae. Malay mo bago palang siya d'on.", sabi ko sakanya. Nakakaawa kasi 'yong babae.

"Hayy!",sabi lang niya sabay hapo sa ulo.

Kinuha niya ang phone niya at may tinawagan ulit.

"H'wag na pala. Bye.", sabi niya sa kausap niya at inistart ang Porsche niya.

Dinala niya ako sa bahay nila. Alam kong bahay nila ito dahil ilang beses na akong nakapunta dito.

"Ano ba kasi ang sinasabi niyong plano?"

"Basta..", sabi niya sabay ngiti.

Pinagbuksan niya ako ng kotse at inalalayan na parang nasa prom.

"Ihahatid kita sa makakasama mo sa plano."

"Kailangan naka-ayos ako? Wow! VIP ba siya? HANEP.",sabi ko.

Habang paakyat ng hagdan mas nae-excite ako. Sino kaya 'yon?

Tinapat ako ni Bryan sa isang pinto. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para may thrill.

May nakita akong isang lalaking naka-tuxedo.

"Buti naman nandito ka na.", sabi niya sabay lingon.

"B-Brent?"

He does'nt look the old Brent I know. Hindi na siya nerd tignan. Mas nagmukha siyang heartthrob.

---

A/N: DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. KAMSA^^

EvanesceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon