Chapter Twenty-three

1 0 0
                                    

Kinabukasan.

7:00am palang pero gising na gising na ang diwa ko.

Ngayon na. Ngayon na ang kasal ng taong mahal ko sa ibang babae.

Napaluha nanaman ako.

Mas masakit ito kumpara sa nakalimutan niya ako. Mas masakit ito kasi kahit naaalala niya ako, iba parin ang makakasama niya panghabang buhay. At ako? Out of the picture.

Lumabas na ako pero nagtaka ako nang may malaking box na nakalagay sa table ng sala namin. Agad ko iyong tinignan kung saan ito galing.

"To..Scarlet. From..Blake?" kay Blake? Bat naman niya ako padadalhan ng regalo sa araw ng kasal niya?

Agad ko itong binuksan at laking gulat ko ng makita ko ang isang wedding dress at may nakalakip na letter doon.

"You are invited to the most awaited day of my life. See you there."

Bigla akong napaluha. Galing ba talaga to kay Blake? Imposible. Pinapamukha niya ba sakin na ikakasal na siya habang ako umiiyak dito?

Pwes, pupunta ako. Kahit sa huling panahon, gusto kong makita ang mukha ni Blake. Ang taong mahal ko.

10:00am pa ang wedding kaya makakapag-ayos pa ako. Nagpabili ako kay yaya ng pwedeng iregalo habang ako inaayusan ko ang sarili ko.

Tinawagan ko si Michael para aware naman siya sa nangyayari sa girlfriend niya.

"W-What? They're getting married?!" inilayo ko naman ng bahagya ang cellphone ko sa tainga ko dahil sa sigaw niya."Hindi man lang umabot yung plano ko para pigilan ang kasal nila."

"I know right." walang enerhiya kong sagot.

"How 'bout you? How are you? Are you planning something?" Sunod sunod na tanong niya.

"Nope. I'll let them go. They both deserve to be happy--"

"But they are not happy with this kind of sh*t" mura niya."At si Blake, he do nothing about this? He should've fight for you!"

"He cannot go against his mom. I know how he love his mom. Bat si Trisha, may ginawa din ba siya? Wag mo isisi lahat kay Blake. They're just the same. They cannot betray their parents." paliwanag ko sakanya.

"So ano, iiyak nalang tayo dito?" rinig ko ang panginginig ng boses niya at halatang paiyak na siya. Their 5 years relationship will be wasted after this day.

"Nope. I'll go there. I'll watch them. They invited me."

"What? Are they blind?! You are hurting yet they invited you to see everything? That's all bullsh*t!" halata sa boses niya ang galit at samu't-saring emosyon.

"I'll be fine. I'll be strong. Don't worry." kako para gumaan naman ang loob niya."Sige na. I'll hung up. Bye!"

Isang simpleng wedding dress ang suot ko pero kitang-kita ang kurba ng katawan ko.

Di na ako nag-abalang magpaayos sa isang magaling na make-up artists dahil alam kong mabubura lang ng luha ko ang make up ko.

Hinintay ko lang na dumating si Yaya at umalis na rin ako. Nahirapan pa ako magdrive dahil nakaheels at naka-wedding dress pa ako.

Pagdating sa simbahan, halos lahat ay nakatingin sa akin. Nagtataka siguro sila kung bakit ako nandito.

Nandito ako para saktan ang sarili ko.

Nandito ako para saksihan ang kasal ng taong mahal ko.

Martyr ba? Siguro nga.

I saw Brent and Bryan sitting near the stage. Nilapitan ko sila at tinapik ang mga braso nila.

EvanesceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon