Kathryn’s POV
“Ma, kamusta si Dj?” tanong ko agad…
Napahinga ako ng malalim.
“Maayos naman daw si Daniel. Buti na lang at naitakbo natin agad sa ospital dahil kung hindi ay baka daw lumalala pa ang sugat.” sabi ni mama while holding my hands.
Thank God! Salamat po at ayos na sya.
“Asan na po sya?” tanong ko.
“Nailipat na sya sa kwarto. Nagpapahinga, puntahan mo sya.” sagot nya sa akin.
Pinunasahan ko ang aking mga luha.
“Pupuntahan ko na po sya. Ikaw po?” sabi ko sa kanya.
“Uuwi muna ako, sasabihan ko ang mga magulang nya. Pati na din ang barkada nyo.”sagot nya.
Niyakap ko si Mama.
“Thanks ‘ma. Ingat kayo ha?” sabi ko.
Hinalikan nya ako sa noo.
“Oo, ikaw din. Balitaan mo na lang ako. Sige na puntahan mo na sya doon.” sabi nya.
Umalis na ako at tumakbo papunta sa kwarto nya.
Sa tapat ng kwarto nya.
Huminga ako ng malalim.
Hinawakan ang door knob.
Dahan-dahang pinihit at unti-unti kong binuksan ang pinto.
Nakita ko sya nakahiga at natutulog.
Habang papasok ako sa kwarto.
Umiiyak ako.
Kasalanan ko ito.
Hindi ko na dapat sya ipinagtabuyan.
Sorry.
Last na ito.
Hindi ka na muling masasaktan pa.
Aalis na ako at lalayo na sa iyo.
Tumabi ako sa kanya.
Hinawakan ang kamay niya.
At nagdasal.
“God, salamat po at ligtas na si Dj. Sana po ay magising na sya at maging maayos na. Maraming maraming salamat po.”
Pagkatapos kong magdasal tinitigan ko ang kanyang mukha.
Hinimashimas.
“Na-mimiss ko na yang mukha mo. Lalo na ang ngiti mo. Kaya dapat gumising ka na at baka mainis mo ko iwan kita.” sabi ko.
Nangiti lang ako.
“Para akong baliw ano? Kinakausap kita kahit alam ko namang hindi ka mag-rerespond dahil tulog ka.” Dagdag ko pa.
“Alam mo ba? Noong sinabi mo sa akin na mahal mo pa ako. Nako! Sobrang saya ko. Pero ewan ko, nanaig ang pride at galit sa isip ko. Oo, sa isip lang kasi itong puso ko mahal ka pa.”
Niyakap ko sya tapos biglang yumakap din sya sa akin.
Napatayo ako.
“Daniel?” sabi ko.
BINABASA MO ANG
If We Never Meet Again
FanfictionKung para talaga tayo sa isa't isa, kahit maghiwalay tayo in the end tayo pa din.