12:00 P.M
Kathryn’s POV
Tanghali na pala, siguro kakain muna ako bago ko i-bake yung cake.
Pagbaba ko, nakapagluto na si Mama.
“Anak, Andito na yung mga kailangan mong ingredients para sa i-bbake mo later. Kumain ka na din.” sabi sa akin ni Mama.
“Thanks ‘Ma! Tara po, Sabay na tayong kumain.” aya ko sa kanya.
“Sige anak, una ka na. mag-cchat pa kami ng Papa mo.” Sabay akyat sa kwarto nya. Mama talaga oh. Hay kelan kaya uuwi si Papa? Nakaka-miss na sya.
Habang kumakain ako biglang.
***Ring!Ring!Ring!***
Si best tumatawag. Julia talaga oh susubo na ako tapos tumawag pa. Hay, Accept na nga.
---Phone Conversation---
Kath: Hello, Bessy. Bakit?
Julia: Ugh!!!
Kath: Oh Bessy? Bakit?
Julia: Beeessssyy… huhuhu! ***Sniff!Sniff!***
Kath: Bakit ka umiiyak?
Julia: Paano kasi yung labandera naming…
Kath: Oh ano naman ang ginawa sa iyo?
Julia:Sinira nya yung dress na susuotin ko mamaya.
Kath: Bakit?
Julia: Nalagyan nya ng zonrox ayun namuti!
Kath: Ay Sus! Wala ka na bang ibang dress?
Julia: Eh, gusto ko yun…
Kath: Ano naman gagawin natin?
Julia: Gusto ko sanang bumili ng bago, same dress.
Kath: Sige, sasamahan kita.
Julia: Talaga bessy?
Kath: Oo, pero mamaya na kita sasamahan mga 3 pm. Mag-bbake pa kasi ako.
Julia: Ok. Sige thanks bessy!
Kath: Sunduin mo ako ha? Ingat! Wag ng umiyak. Love you.
***Conversation Ended***
After ng conversation namin. Nag-bake kaagad ako. Buti 1 hr. lang ito. While I was waiting for the cake to be baked, naking ako ng music sa Ipod ko.
Ang unang song na tugtog ay ang Banana Pancakes ni Jack Johnson. Nagiti lang ako kasi iyan yung kinanta ko nung binigay ko kay Daniel yung letter ko.
---Flash Back---
Gabi na, at Umuulan pa.
Wala akong magawa, hindi naman ako makatulog.
So pumunta ako sa study table ko.
Kumuha ng stationery at ballpen. At hinayaan ang kamay ko na magsulat.
12/10/2008
Dear Daniel,
Hindi ko alam kung bakit kita sinusulatan ngayon. Siguro kasi wala akong magawa hindi ako makatulog, nakakatakot kasi yung kulog at kidlat. Kahit yakap-yakap ko si Toochie, natatakot pa din ako kaya ayun.
Alam mo ba, nung una kitang makita inis na inis ako sa iyo nun. Ang angas-angas ng dating, feeling gwapo pero gwapo naman talaga. Tapos basagulero pa. Naaalala mo pa ba noon, lagi kitang sinisita kasi lagi kang violator, lagi pa kitang pinipingot nun sa tenga ang kulit mo kasi. Ayaw mong sumunod sa Class President nyo. Pero akalain mo yun kahit tinatarayan kita, mahuhulog ang loob mo sa akin at ganoon din ako sa iyo.
BINABASA MO ANG
If We Never Meet Again
FanfictionKung para talaga tayo sa isa't isa, kahit maghiwalay tayo in the end tayo pa din.