"Menchi, tapos kana ba?"
Nagtaka ako. Bakit naman itatanong ni mama yun eh nakaupo lang naman ako dito. Nagbabasa ng libro. Baka tinatanong niya kung tapos naba akong mag-basa.
"Hindi pa ma. Chapter 10 palang ako" sigaw ko. Nasa kusina kasi siya. Ewan ko, nagluluto ata. Magtatanghalian na kasi.
"Wala akong pakialam kung anong chapter kana. Ang tinatanong ko, tapos kana bang mag prinse-prinsesahan dyan at kailangan ko ng tulong dito." Sigaw niya. I gasped. Ako prinsesa? I groaned, hindi pa pala ako nag huhugas ng plato. Ang ganda-ganda pa naman ng binabasa ko. Glass Sword by Victoria Aveyard tapos ko na yung unang book, Red Queen. Naisip ko yung 4 words na nababasa ko lagi dito. 'Anyone can betray anyone', ang ganda ng kwento. Nahahati sa dalawang pangkat ang mga tao dito, ang Red at Silver. Totoong kahit sino pwede kang i-betrayed ano mang oras. Mahirap ibigay ang trust lalo na kung hindi mo pa masyadong kilala ang isang tao.
Pinuntahan ko si mama, dala ko yung libro ko. May naamoy ako, ang bango nagugutom tuloy ako.
Nakaupo si mama, nilalagyan niya ng frosting yung mga cupcakes. Wow! Ang sarap nun ah.
"Pahingi ako" sabi ko, umupo ako. Magkatapat kami. Kukuka na sana ako kaso tinapik niya yung kamay ko.
"Hindi pwede, dumating kasi yung best friend ko galing U.S kaya pupunta tayo sa kanila. Welcome gift ko to" sabi niya habang nakangiti.
Nababanggit nga ni mama yun na may best friend siya na pumuntang U.S. Mga ilang taon na din daw ang nakalipas. Tatlong taong gulang ata ako nun nung umalis yung best friend niya.
"May anak siyang lalaki, kasing edad mo, nauna siyang umuwi dito. Last year ata" Sabi niya.
Hindi ko pinansin yung sinabi niya basta ang iniisip ko lang yung chocolate cup cake na nasa harap ko.
"Pahingi ng isa, please"
"Mukha ka talagang chocolate" komento niya. Masarap eh, bakit ba?. Binigyan niya ako ng isa.
Kinagatan ko yung cupcake, wow, ang sarap talaga ng luto ni mama. Pagkagat ko biglang sumabog yung chocolate sa bibig ko, yung iba tumulo na sa baba ko.
Tumawa si mama. Pinunasan ko ng panyo yung bibig ko. Pagtawanan ba ako. Pero ang sarap talaga.
"Sa Monday na start ng School mo?"
"Opo, eh kailan po ba tayo pupunta sa best friend mo?" Tanong ko, eh baka kasi matapat sa best friend date namin ni Kesha. Bakit pala di tumatawag yun?. Lagot sakin yun mamaya.
"Sa sabado" Haay. Buti nalang hindi linggo. Magsisimba kasi kami ni Kesha tsaka sasamahan ko siyang pumuntang mall. Ayoko pa naman mag-shopping, pumayag na ako kasi sabi niya ililibre niya daw ako ng food. So why not take the opportunity?.
Pero ayoko parin talaga mag-shopping.
"Bakit natanong mo?"
Malapit niya na matapos lagyan ng frosting yung cupcake. "Magsisimba kasi kami ni Kesha sa linggo, tinanong ko lang baka kasi sa araw na yun tayo pupunta sa kaibigan mo"
"Sasama ba si papa?" Tanong ko. Tumingin siya sakin, nag-iisip.
"Siguro, baka isara niya muna yung coffee shop natin" Sana sumama siya. May coffee shop kami malapit sa school ko, yun ang nag-iisang business namin. Dun kami kumukuha ng pera. Madaming pumupunta dun kaya malaki kita ni papa. Chef si papa, magaling siyang magluto katulad ni mama. Minsan tumutulong akong magserve dun lalo na pag summer at walang pasok. Nag de-deliver din kami.
Dumating ang sabado. Sasama si papa dahil kaibigan naman nilang dalawa yun. Sarado tuloy ang coffee shop namin, pero okay lang. Ang mahalaga makapag-relax sila kahit isang araw lang.
BINABASA MO ANG
Don't Want To Fall In Love With The Badboy
Teen FictionMenchi Anderson. A girl who believes love can wait. Pero ang totoo takot lang siyang masaktan, maloko at iwan. Lahat naman tayo diba? Zach Williams. A boy who doesn't care at all. Gwapo at mayaman. Never pang nagka-girlfriend. He believed girls are...