Chapter 5

3 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa pisnge ko. Paano nangyari yun eh nakasara yung bintana ko. Nakapikit parin yung mata ko and I groaned. Nagpagulong-gulong muna ako. Grabe ang sarap matulog sa kama nato. Ang lambot.

"Rise and shine sleepy head" rinig ko. What the, so siya pala ang nagbukas ng bintana.

"Go away Harry" I snapped, gusto ko pang matulog.

"Not until you get ready!" sagot niya habang natatawa.

"Ready for what?" I asked lazily. Bakit ba ayaw niya akong tantanan, ngayon na nga lang makakatulog ng maayos eh.

"May pasok tayo remember" sabi niya. Biglang napadilat yung mata ko nung nag-sink in yung sinabi niya. Nagpanick ako kaya dali-daling tumayo kaso pumalupot yung kumot kaya yun nahulog ako.

"Ouch, ang sakit" daing ko. Rinig na rinig ko yung malakas niyang tawa. Tumayo na ako at binatukan siya.

"Labas!!" Sabi ko.

Tumawa siya ulit kaya babatukan ko sana siya kaso tumakbo siyang pinto.

"Bye noona" he wave then wink at me saka siya lumabas. I chuckled, sira talaga yung bata na yun. Kahit kahapon ko lang siya nakilala pero parang pakiramdam ko kilala ko na siya dati pa. Komportable ako sa kanya, siguro dahil alam kung mabait siya. Napailing nalang ako. Tumingin ako sa wallclock. 7:05am. May 55minutes nalang ako para mag-handa.

Pagkatapus kung naligo, sinuot ko agad yung uniform ko. Napangiwi ako. Bakit napaka-ikli naman ng palda na ito. Binaba baba ko pero ayaw na talaga. Kaasar. Ayoko ng ganito pero no choice. Naka tuck in yung blouse sa palda, buti sakto lang sakin ito. Nakasuot na rin ako ng black shoes at nasuklay ko narin yung buhok ko.

Nagpowder lang ako dahil sabi ko nga hindi ako mahilig maglagay ng kahit ano sa mukha. Powder lang naman to.

"BREAKFAST IS READY, COM DOWN KIDDOS"

Narinig ko na naman sa speaker yung boses ni Tita Andrea. Medyo childish din pala siya.

Paglabas ko ng pinto, nakita kung palabas narin pala si Zach. Hindi siya nakauniform kundi nakasuot siya ng jeans at white shirt. Natulala ako sa kanya, para siyang model. Kahit ano atang isuot niya bagay sa kanya.

I shaked my thoughts. Damn it Menchi. Wag kang magpapadala sa looks. Buti nalang busy siya sa pag-lock ng pinto niya. Naglakad na ako papuntang elevator. Mas matatagalan ako kung hagdan ang gamit ko.

Nasa First floor pa yung elevator at paakyat na ito. May naramdaman akong tao sa likod ko.

"Move" a cold voice said. I flinch. Pumunta agad ako sa tabi. Kaasar talaga tong lalaki na ito. Pasalamat ka marunong akong magtimpi kung hindi kanina pa kita sinuntok sa mukha.

Bumukas na ang elevator, papasok na sana ako kaso may sinabi na naman siyang hindi ko nagustuhan.

"Ayoko ng may kasama, lalo kana"

I stared at him hard at nakatingin lang din siya sakin na blangko ang mukha. Hanggang sa sumara na yung elevator. I gritted my teeth. "Bwisit ka talagang Zach ka" sigaw ko. Sinipa sipa ko yung pader sa inis.

"Ouch. Kaasar ka talaga" tumalon talon ako sa sakit. Bugbog natong paa ko. Kung hindi lang pamilya mo ang nag-papaaral sakin kanina pa kita sinipa sa mukha.

Calm yourself Menchi. Dapat hindi ka nagpapa-apekto dun sa mayabang na lalaki na yun. Gwapo nga, para namang halimaw ang ugali.

Sa wakas nakarating narin ako sa dining room.

"Good Morning Noona" bati sakin ni Harry. Nginitian ko siya at binati rin ng good morning. Binati rin ako ni Lyra at Tita Andrea. Tapus binati ko rin sila. Maliban dun sa mayabang na epal nayun.

Don't Want To Fall In Love With The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon