Hindi ko siya pinansin, bahala ka sa buhay mo diyan.
"Menchi" sabi niya ulit, pero parang napalakas ata."Menchi, tama ba yung rinig ko? Tinatawag ka ni Bryle?" Shock na sabi ni Kesha. Hindi ko siya pinansin. Tumingin ako kay Bryle na palapit sa table namin. I gave him a hard look. Ano kayang kailangan ng mokong nato.
Pati lahat ng student lalo na yung mga chismosang babae napansin ang pagpunta ni Bryle sa table namin.
"Long time no see" he said smirking. Pinatong niya yung dalawa niyang kamay sa mesa at nakatingin lang sakin. Ramdam kong nakatulala lang si Kesha sa tabi ko pati na rin yung dalawa. I purse my lip.
"Long time no see ka dyan, kahapon lang tayo nagkita" I blurted out. Kesha gasp beside me.
"I know" sagot niya. Pasmirk-smirk pa siya, tanggalin ko yung nguso nito eh. Bad Menchi, bad.
"I know" I mimicked. "Then go away from me"
"Not happening Menchi. I just want to be friends of you. That's all." Sabi niya ng seryoso. I squirm in my seat when I feel their stares. I hate attention.
I sighed. "Fine"
Ngumiti siya ng malapad. "Talaga?" Tanong niya pa. Ang kulit naman nito.
"Oo nga. Basta umalis kana shoo shooo" pagtataboy ko sa kanya.
"See you later Menchi my friend" he blow a kiss and wink. Napangiwi ako, naka drugs ba siya?. Magsusulat ako ng bagong character sa gagawin kong book. Pwede na siyang pang-epal sa bida. Haays, kung ano ano tuloy pumapasok sa isip ko.
"Anyari?" wala sa sarili na nasabi ni Kesha.
"Hah?"
Binatukan niya ako ng malakas. "Bakit di mo sinabing nakita mo siya kahapon". Inis na tanong niya.
"Ouch hah! Grabe ka talagang babae ka. Malay ko bang siya yung tinutukoy mo na Bryle" depensa ko.
"Kahit na"
"Menchi anong gamit mong shampoo?" Tanong sakin ni Audrey.
"Bakit mo natanong?"
"Wala baka pwede mong i-share, haba ng hair mo eh. Seriously si Bryle Dela Cruz kinausap ang isang tulad mo?"
Isang tulad ko? I frowned. Isang tulad ko. Bakit ano ba ako?
"I mean grabi kasi, matagal na kaming nagpapapansin sa kanya pero dedma parin" dugtong niya.
I sighed. "BRYLE" sigaw ko.
"Menchi anong ginagawa mo?" Kinakabahang tanong ni Audrey. Isang tulad ko pala hah?. I smirked. "Wala naman" sabi ko ng painosente.
"Why my friend?" Sabi niya na palapit sakin.
"Stop calling me that" inis na sabi ko.
"Then what is it babe?" I gape at him.
Babe?
"Yuck Bryle. Itigil mo na nga yan, may ipapakilala ako sayo"
"Ikaw lang ang makilala ko sapat na" seryosong sabi niya. I see the slightly curved in his lips.
"Corny mo, by the way ito nga pala kaibigan ko. Ito nga pala si Karren" turo ko kay Karren na parang mukhang maiihi na sa palda niya sa gulat. "Ito si Audrey na gustong gusto ka. My crush yan sayo bakit di mo kaya ligawan?" sabi ko na nakangisi at nakaturo kay Audrey. Nanlaki ang mata niya at di na nakagalaw. Mas lalong lumaki ang ngiti ko. Magsasalita na sana si Bryle kaso pinigilan ko siya, "Ooopps wag muna, di ko pa napapakilala sayo ang maganda pero pikonin kung bestfriend, si Kesha" I grinned nung nakita ko ang pamumula ng pisngi ng best friend ko. Tama ang hinala ko may gusto siya kay Bryle. Hahahaha.
BINABASA MO ANG
Don't Want To Fall In Love With The Badboy
Teen FictionMenchi Anderson. A girl who believes love can wait. Pero ang totoo takot lang siyang masaktan, maloko at iwan. Lahat naman tayo diba? Zach Williams. A boy who doesn't care at all. Gwapo at mayaman. Never pang nagka-girlfriend. He believed girls are...