One

724 23 0
                                    

- Hey guys! this is my first time to write a horror story, though matatakutin talaga ako. Hope you will like it :) beginner eh hahahaha. So yon hopefully may makabasa. I was too inspired to write a story. Godbless po!

---

Sabi nila, ang mundo ay puno ng misteryo, hindi lang tayo ang nakatira dito sa mundong ibabaw. Maraming taong hindi nakaka kita ng normal na bagay. Kung tutuusin kung sino pa yung mga takot na makakita ng hindi ordinaryong bagay eh sila pa yung mga taong may kakayahang makakita non. Sa tingin mo ba sinadya talaga ng diyos na bigyan ang mga tao ng kakayahang makakita ng kaluluwa at makipag komunikasyon? Saakin kasi hindi lang ako nakikipag komunikasyon... nakikita ko pa kung anong mangyayari sa hinaharap o future. Hindi ako manghuhula siguro yon ang ibinigay saakin ng Diyos.

Naglalakad ako gilid ng kalsada galing school, walking distance lang namang eh, hindi na ako nag pahatid kay dad tutal malaki nako at baka madami siyang ginagawa.

"Miss! miss teka lang..." May sumigaw na babae mula sa likuran ko, hindi ko ito nilingon baka kasi hindi ako yon. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad.

"Miss! teka lang!" At may humatak saakin. Hingal na hingal ito mula sa pagkatakbo. Since ng madiskubre ko sa sarili ko na nakakakita ako ng ibang bagay hindi ko na inugaling makipag kaibigan.

"Anong kailangan mo Miss?" Tanong ko sa babae, habang hinahabol ang hininga. Seryoso ganon siya napagod para habulin ako?

"May... may... ay tae" Putol putol nitong sabi. Napa kunot lang ako ng noo. Tatalikod na sana ako ng hinatak niya ulit ako.

"Ano ba! nag sasayang ka lang oras. Hindi kita kilala okay? Bawal ako makipag usap sa hindi ko kakilala" seryoso kong sabi at tumalikod na at naglakad hindi pa ako nakakalayo sakanya ng mag salita ito.

"Tulungan mo ako, may nakita akong nasaksak sa kanto, ehh! kainis natatakot ako!" Pagmamaktol niya. Nilingon ko ito at kunot noong tinignan.

"Hindi ako takbuhan ng mga emergencyng tulad niyan, kung gusto mo don ka sa police station magsumbong."

"Please? Natatakot na ako." Sabi nito at yumuko. Inirapan ko lang siya at tumingin ulit sa kanya. May nakita akong maiitim na usok mula sa likuran niya. Maiitim na espirito. Napa pikit ng makaramdam ng hilo.

"Uy, uy miss okay kalang?" Lumapit ito at hinawakan ako. Nakita ko sa isip ko maya maya may masamang mangyayari dito sa babaeng kasama ko. Dinilat ko ang aking mata at tinignan siya.

"A-ayos lang ako. Umuwi kana. Kung maaari maging mapag mantyag ka sa paligid mo." Seryoso kong sabi sakanya. Kumunot lang ang kanyang noo at halatang nawiwirduhan saakin.

"Bakit?" Napa irap lang ako sa kawalan at tinignan muli siya. Magsasalita na sana ako ng marinig namin ang wang wang ng mga sasakyan ng pulis. Sinundan namin iyon ng tingin at pumasok ito sa di kalayuang eskinita.

"May nagreport na siguro, osige uuwi na ako Miss, hehe pasensya ha?" Sabi nito ang ngumiti at naglakad na.

"Teka!" Napalingon ito sa tumingin saakin. Ayoko siyang matakot pero this time gusto kong maligtas ang babae, mukha siyang mabait eh. May kinuha ako sa bag ko, yung binigay saakin ng kuya ko na pang self defense pepper spray. Basta ang alam ko lang may masamang mangyayari sakanya, hindi ko alam kung ano.

"Miss, kunin mo ito oh" Lumapit ako sakanya kaunti at inabot ang pepper spray na nasa boteng maliit. Hindi niya ito kinuha tumawa lamang ito.

"Ano ito? pabango? ganyan ba ako kabaho? HAHAHAHA" Natatawa nitong sabi, at parang iyon na ang pinaka nakakatawang bagay na narinig niya.

"Miss pang self defense lang. Please kunin mo na. Yung sinabi ko ha wag mong kakalimutan." Nilagay ko lang sa palad niya yung bote at tumalikod na para makauwi, nag pasalamat ito at natawa muli.

"Oh God! She's crazy! guide her please?" Sabi ko at tumingala sa kalangitan. Nagmadali nako dahil mag gagabi na.

"Mom! Dad! I'm here!" Sabi ko ng pagka pasok ko sa bahay. Sinalubong ako ni kuya na lalabas ng bahay.

"Wala sila, umalis. Ikaw lang maiiwan dito, mag iingat ka no?" Sabi ni kuya habang nagpapa pogi sa tapat ng salamin malapit sa pintuan. Umirap lang ako at pumasok, isinalampak ko ang aking katawan sa sofa.

"Saan sila pumunta? Si Faina saan?" Tanong ko dito at kumuha ng cookies in jar na naka lagay sa lamesa.

"Ewan, basta tinext lang ako ni Mom na gagabihin sila, and Faina I think mag i-sleep over ata kina Claudette." Sabi nito at habang nag aayos ng buhok.

"Eh ikaw? saan punta mo?" Tumingin lang si kuya sa salamin kung saan nakikita niya ako. Napa ngisi ito.

"I have a date with kiel." Seryoso nitong sabi. Muntikan na akong masamid sa sinabi niya. For real? Gosh!

"Seryoso, Klane Jovan Ferrer?" Sabi ko sakanya, ganyan ako kapag seryoso sinasabi ko ang buong pangalan niya. Lumingon lang siya saakin at ipinakita ang kanyang dimples at singkit na mata.

"Malakas eh!" Sabi nito at ginaya si Johnny Bravo. Napangisi ako.

"Goodluck!" Kinindatan ko lamang si kuya at umakyat ng kwarto. Nakakapagod. Biglang pumasok sa isip ko yung babae kanina. Nakauwi na kaya siya? Ano ng nangyari kaya? Hays.
Napahiga ako sa kama ko at narinig na bumukas kaunti ang pintuan ko, napatingin ako.

"Kuya.." Tawag ko dito. Walang nagsalita. Napapikit ako muli at hindi na pinansin yon. Wala akong nararamdamang kahit na ano pero napatayo ako bigla ng nakarinig ako ng maingay sa labas ng bahay. Napatakbo ako sa terrace at sinilip iyon. May dalawang lalaking nag aaway, napatitig ako sa isang lalaking naka itim na jacket anong meron sakanya? si kuya naka alis na ba? Dali dali akong lumabas ng kwarto para tignan kung naka alis na si kuya patay na mga ilaw. Madilim pero may umagaw saakin ng pansin ng may puting bagay na dumaan malapit sa pintuan hindi namang pwede si kuya kasi naka dark polo siya. Minabuti ko nalang na pumasok ng kwarto pero nagulat ako ng nakita ko ang babae kanina na naka upo sa kama ko. Nagsalita ito ng "Tulong" ngunit walang anumang boses. Kinabahan ako, duguan siya mula sakanyang ulo, nakita ko din may hiwa sa kanyang leeg... Napalabas ako ng bahay ng di oras alam kong delikado. Isa lamang iyong paalala na nasa panganib yung babae at yung nakita ko yon yung mangyayari sakanya.

"Miss!"
"God! You're still alive!" Napa yakap ako sa taong iyon at hindi na tinignan kung sino yon.

"Uh.. miss?" Natauhan ako lalaki ito. Naitulak ko ito kaagad at umatras, bakit ko siya nayakap? dahilan ba ng pagiging pre occupied ko sa babae kanina?

"So-sorry" Sabi ko at napayuko.
"Mag tatanong sana ako kung kilala niyo po ba si Fia Ferrer?" Napatingin ako sakanya. Bakit niya ako hinahanap?

"Ako... bakit?" Sabi ko sa lalaki.

"Sumama ka sakin please?" Sabi nito at hinawakan ang mga siko ko. Inalis ko iyon.

"Hindi, bawal ako sorry, may hinahanap pa ako." Sabi ko at tumalikod na. Hindi pa ako nakakalayo ng magsalita muli ito.

"Ang kapatid ko ba hinahanap mo?" Ano bang pinag sasabi niya? Nilingon ko siya, nanlaki ang mata ko ng makita ko ang babae kanina sa likod ng lalaki.

"Miss? okay kalang?" Hindi ko iyon pinansin nakikita ko sa vision ko kung anong trahedyang nangyari sa bababe. Sumasakit ang ulo ko.

"Miss! Are you okay?" Nagmadali ito saluhin ako. Binalanse ko ang aking sarili at pinapanood muli kung anong nangyari sa babae. Kawawa siya. Habang pauwi siya at may dinaanan siyang mga lalaking nag iinuman. Ang isang lalaking lasing na naka jacket na itim ay lumapit sa babaeng padaan pa lamang sa kabilang direksyong ng mga nag iinuman.

"Miss, b..baka gusto mo munang tumambay?" Tanong ng lasing. Natakot ang babae at lumihis ng daan. Hinatak ng lalaking naka jacket ang babae at kinaladkad ito sa bakanteng loteng malayo sa mga kasamahan niya.

"Miss, yung kapatid ko kailangan ka niya..." Sabi ng lalaking nasa harapan ko. Dinilat ko ang aking mga mata wala na yung babae.

"Nasaan ang kapatid mo?" Tanong ko sa lalaki. Hindi ito sumagot bagkus inalalayan niya ako papunta sa kanyang motor. Anong kailangan niya saakin? Bakit kilala ako ng lalaking ito? Anong sumunod na nangyari sa babae. Lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa pag iisip masyado. Minabuti ko nalang na mag isip ng kung anong bagay pero pilit na bumabalik ang imahe saakin ng babae. Yung lalaking naka jacket na itim familiar ito. Siya ba yung lalaking nakikipag away sa labas ng bahay? Naguguluhan ako! Anong nangyayari?

ClairvoyanceWhere stories live. Discover now