Yana's death

249 6 0
                                    


- This will be the clearest part of Yana's death. Not totally long, lilinawin lang ang buong detalye ng pangyayari.

(Third person Point of view)

May isang babaeng nakatayo malapit sa isang malaking bahay na pamamahay ng kanyang matalik na kaibigan. Nakabusangot ang babae at tila bang nayayamot na dahil sa matagal na kakahintay sa kaibigan.

"Ang tagal mo naman Eyin!" Naiiritang sabi ng babae at nag padyak dahil sa kanyang pagkainis. Maya maya ay napa silip siya sa gate na kalapit nito. Tila ba nawala ang inis at nilapitan ang kanyang kaibigang papalabas ng kanilang bahay.

"Kanina ka pa diyan?" Sabi ng kaibigan ng babae at may inaayos na mga papel sa loob ng envelope na kaniyang hawak. Napa hawak sa bewang ang babae at nakakunot noo'ng tinignan ang kaibigan.

"Hello? Eyin isang oras at dalawamput limang minuto lang naman ako naghihintay sa labas ng bahay nyo, kita mo nga oh! mag gagabi na!" Naiirita nitong sabi at hinawi ng pataray ang kanyang mahabang buhok.

"Ay, sorry naman Yana ano po? Tss" Pag susuplada ni Eyin.

"Oh, eto na kumpleto, walang labis walang kulang!" Naka ngiting inabot ni Eyin ang envelope kay Yana. Napangiti naman si Yana ng makuha eto.

"Omg besty!" Niyakap ni Yana ang kaibigan dahil sa tuwa ng makita kung anong laman ng envelope na inabot ng kaibigan.
Inalis naman ni Yana ang yakap sa kaibigan at niyakap ang envelope na hawak at malapad na ngumiti habang naka pikit.

"Sus ikaw pa, wala yan, best friend kita eh!" Sabay akbay ni Eyin kay Yana. Nag tawanan lang sandali ang magkaibigan at napag pasyahan na ni Yana'ng umuwi dahil pasado alas singko na ng hapon. Habang naglalakad papunta sa direksyon kung saang tinatawag na short cut papunta sa kanilang bahay ay abot langit na ngumiti si Yana ng buklatin niya muli ang enevelope at waring hindi makapaniwala.

"Goodness! ang dami nito! sabi ko naman sakanya okay lang kahit ten thousands kasi yon lang naman ang pwedeng ibayad, pero hindi eh, thirty thousands pa binigay niya! tsk tsk at eto naman ang daming papel jusko!"

Sabi ni Yana habang tinitignan padin ang laman ng envelope. Napa tingin si Yana sa paligid ng makarinig ng putok ng baril. Alam niyang putok ng baril yon dahil ilang beses na siyang nakakarinig nito. Nanlaki ang mata niya dahil sa takot. Malapit lang kay Yana ang tunog na iyon at natatakot ito baka may maka kita sakanya. Naguguluhan siya kung saan siya dadaan, maya't maya may tatlong lalaki ang nakakita sakanya. Nakita niyang hinila ng isang lalaki ang taong nakahiga sa sahig at naliligo sa sariling dugo. Namutla si Yana at tila bang hindi makapaniwala sa kanyang nakita. Hindi siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan at tila ba bawat oras ay papatayin din siya ng mga lalaking iyon.

"Hoy ikaw babae!" Sabi ng isang lalaking may face mask na itim at lumapit kay Yana. Hinawakan siya ng lalaki at pilit na hinihila. Nagpupumiglas si Yana at nahulog ang envelope na hawak. Pare-parehas silang nagulat ng makitang pera ang laman non. Dinampot ng isang lalaki ang envelope habang ang isang lalaki naman ay hawak parin si Yana.

"Huwag yan! wag mong kunin! ibalik mo saakin please lang, hindi ako mag susumbong promise!" Sabi ni Yana ng makitang hawak hawak ng lalaki ang envelope. Napatingin ang lalaking may hawak na envelope at ngumisi sa nag mamakaawang Yana.

"Hahahaha! dapat lang wag kang magsumbong! pero eto samin" Sabi ng lalaki at inilagay sa bag ang pera at itinapon sa sahig ang envelope.

"Pakawalan niyo nayan! nag aaksaya lang kayo ng oras dyan!" Sigaw ng lalaking humihila kanina sa bangkay. Sumakay ang lalaki sa katabing sasakyan na itim at hinihintay ang dalawang lalaki na katabi ni Yana.

"Wag! please! pang tuition ko po yan!" Sigaw ni Yana. Tumingin ito sa paligid upang humingi ng tulong. Ngunit nabigo si Yana dahil madalang lang may dumaang tao kung saan siya nakakita ng krimen.

ClairvoyanceWhere stories live. Discover now