Chapter 4

65 3 0
                                    

*Time Check: 10:00pm*

"Huhuhu. Akala ko ba magtetext si Veejay? Happy! Happy! Bakit ganun? Nakalimutan niya na ba?" Haaayy. Kinakausap ko na si Happy dahil hindi pa kasi nagtetext si Veejay sakin eh. Sabi niya kasi tetext niya ko. Desperado talaga ako no? Sorry po! *chichay mode* 

"Hindi yan. Tiwala lang Louise. Baka busy lang siyang maka-habol sa mga missed lessons. Diba nga late na siya nag-enroll? Kaya tiwala lang. 5 minutes pa." sabi ko sa sarili ko

After 5 mins.

Chineck ko ulit phone ko. Baka nagtext na siya. Pero..." Wala pa din. Huhu. Hayaan ko na nga. Anong oras na eh. Mapupuyat lang ako. Huhuhu. Good Night Happy!"


*BEEEEEPPPPP*


"Ay tinapa!" Nagulat ako eh. Di ko pala nahinaan yung volume nung phone ko.  Pagtingin ko sa orasan, 11:30pm. Sino naman ang nocturnal na gising pa ng dis-oras ng gabi? Istorbo eh. Psh.

Pagtingin ko sa message...

From: +6391*********

  Uhm. Good evening Louise. Si Veejay to. Sorry kung ngayon lang ako nakapag-text ah. Busy kasi ako eh. Ang dami kong ginawa. Sana hindi kita naistorbo. Well, I just want to say that I really enjoyed this day. I am happy na sainyo ako sumama. Bukas ulit. Good Night. :)

Looooaaaaddddiiinnggg............... 100% ........LOADING SUCCESSFUL!

Tama ba yug nabasa ko? Uwaaaaaa! Si Veejay nagtext. First ever text niya sa akin. Wohoooooo! Bigla akong nagising dun ah. Hahaha. Mareplyan ko nga....

To:  +6391*********

    Ah. Hindi. Ayos lang no.  Gising pa naman ako eh. May ginagawa din kasi ako. Ako din, nag-enjoy ako. SUPER! Sana ganun tayo ulit bukas nila Mikka. So anyway, good night din! :)

Okay. Message sent. Hihihi. Kinikilig ako. At dahil jan, magiging mahimbing na ang tulog ko. Good Night Veejay. Good Night Happy. And good night to myself. 

"Hello Philippines and Hello World!" Pagkagising na pagkagising ko yun agad yung sinabi ko. Good mood ako eh. Sino ba namang hindi magiging good mood kapag tinext ka ng crush mo diba? Haha. OA na po kung OA pero sorry, kinikilig ako eh.

Wala na nga pala si Mama kasi bumalik na siya sa Makati. Soooo... it means mag-isa lang ako ulet ng mga ilang araw . Haaaayy. Ayos lang yan. Naiintindihan ko naman si Mama. So ayun, ginawa ko na ang mga routines ko bago pumasok at pagkatapos umalis na ko.

Pagdating ko ng school, nakita ko agad silang tatlo sa tambayan. Grabe, ang aga naman nilang magsipasok.

"Good Morning Louise!" sabay nilang sabi.

"Good Morning sa inyooooooo! Sweet and mild ang kasama kooooo!~" Ay, kumanta na? Hahaha. Nescafe endorser lang ang peg.

"Good vibes ka ata Bes? Ano meron?" Pagtatanong ni Mikka sakin.  Nakatitig silang 3 sa akin. Excited lang sa sagot ko? Haha.

"E kasi naman kagabi may..." Ooops. Muntikan ko nang masabi yung tungkol sa kagabi.  Nakalimutan ko nanjan nga pala si Veejay sa gilid.

"Kagabi may ano?" sabi ni Veejay.

"May.... may.... a-ah. may nakita akong bagong update sa libro na binabasa ko. Magiging movie na kasi siya.  Kyaaaaa!"

"Aaaaaaaahhhh." sabay nilang sabi. Yung totoo galing nilang mag-synchronize ah? Laging sabay at laging nasa tono yung mga pinagsasabi nila eh.

Jeepney Lovestory (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon