Chapter 9

62 3 0
                                    

10 minutes....

.

.

.

15 minutes....

.

.

.

30 minutes...

.

.

.

1 hour...

.

.

.

3 hours...

Anak ng tokwa naman oh! Di ako makatulog. 1 am na tapos may pasok pa ako bukas. Huhu. Bakit kasi ganun yung script. Tae naman, bakit ba yung script yung sinisisi ko? Dapat nga diba sarili ko? Kasi ako yung kinakabahan ng todo-todo. Idagdag mo pa yung feelings ko para kay Veejay. 

After 3 hrs. and 30 mins... asdfghjkl! Di pa din ako makatulog! Dear kaba at feelings for Veejay, wag muna ngayon please? Pahinga ka naman. Ilang oras nalang tulog ko oh. *inhale* *exhale* Once again, I close my eyes... and after a while, nakatulog na din ako.


*KRRRIIIIIIIIIIIINNNNNNGGGG!*


"Arrrrggh! Mamaya na konti! Shut up! Huhuhu."


*KRRRIIIIIIIIIIIIINNNNNGGGG!*


"Oo na. Oo na. Huhuhuhuhu. Leche talaga yung script. Inaantok pa talaga ako."

Pagkatingin ko salamin... BOOM BAMPIRA! Ang lalim ng eyebags ko. Paano na lang ako haharap sa kay Veejay niyan? Nakakahiya naman. Certified turn-off agad yun.

At ayun ginawa ko na ang mga daily routines ko bago pumasok. Buti naman at di ako nalate. May 5 mins pa. Ginawan ko na din ng paraan yung eyebags ko. Alam niyo ba kung ano ginawa ko? Nilagyan ko lang naman ng concealer! Hahahaha! Bangag na ata ako. At ayan, malapit na ako sa tambayan namin tuwing umaga. At syempre, nandun na agad silang lahat. Sana di masyadong mahalata yung eyebags ko. Sana natakpan na siya ng concealer. Sana...

"HAHAHAHAHAHAHHAHA! Ano nangyari sayo Louise?! Halatang-halata eyebags mo! Ano bang-HAHAHAHA!—ginawa mo kagabi? Haha!" Nice. Kasasabi ko lang kanina na sana di mahalata tapos ngayon, heto ako ngayon pinagtatawanan nila Mikka. Kahiya. Huhuhu. Lalo na kay Veejay.

"Bes tapos ka na ba tumawa? Sorry pero wala ako sa mood makipag-asaran eh. Inaantok pa talaga ako."

"Ah. *ehem* Sorry Bes. Ngayon lang kasi kita nakitang ganyan eh. Hindi ka naman sanay sa puyatan lalo na pag school days. And look at you. You look very devastated. Para kang bampira ngayon na ewan. Ano ba kasi ginawa mo kagabi?"

"A-aah. E-eeh. Nagmemorize ng mga linya?" Bakit patanong Louise? Baka manghinala sila  niyan. Di mo pwedeng sabihin na napuyat ka dahil sa scene 5 nung Florante at Laura.

"Ahhh. Ganun ba." sabay nilang sabi. Ayan nanaman sila. Galing talaga mag-synchorinize eh.

"So you've already familiarized the lines. Ang ganda nung script no? Ang galing talaga ni Mr. Roxas gumawa. Sobrang lalim ng tagalog and I love the flow of the story." sabi ni Veejay. What did he just say? He loves the flow of the stoy?! Anak ng tokwa. Kinakabahan nanaman ako. Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko.

Jeepney Lovestory (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon