Veejay's Special Chapter ~♥

30 1 0
                                    

Tuluyan na kaming naghiwalay ng landas ni Alex. He's right. Medyo weird nga ang araw na ito. Una, ngayon ko lang siya nakasama sa mga ganito na as in kaming dalawa lang.

Second, ngayon lang siya nainlove? That's totally weird. And lastly third, at dahil observant ako, napansin ko na parang iba na yung pakikitungo ni Mikka kay Alex. Para bang may coldness sa mga salita na sinasabi niya kay Alex. Ako at si Louise lang ba ang nakakapansin o pati si Alex nahahalata na din ito? Ay ewan. 

Pagkadating ko sa bahay, naabutan ko sila Mama at Papa sa may sala.

"Oh, Veejay nandito ka na pala.Bakit ang aga mo ata umuwi?" sabi ni Mama

"Oo nga. May nangyari ba?" tanong naman ni Papa

"Uhm. Wala naman po. It's just that may emergency meeting daw po kasi yung mga teachers. Aabutin daw po ng ilang oras kaya napagdesisyunan nila na gawing half day nalang yung klase."

"Ah, sige. How's school son?"

"Ayos lang naman po Pa. Puro practice lang po kami para sa Buwan ng Wika. Next week na po kasi yun eh."

"Really? I can't wait to see you act on stage. Pupunta kami dun ah? Haha." sabi ni Mama

"Hahaha. O sige po, aakyat na po muna ako. Magme-memorize pa po kasi ako ng mga dialogues eh."

"Sure. Tawagin ka nalang namin pag dinner na."

Pagkatapos ng usapan namin nila Mama at Papa, dumiretso na ako sa kwarto ko. Nagbihis, tapos humiga muna ako. 

"Hay. Ang daming nangyari ngayong araw na ito."

Nakaharap lang ako sa may kisame. Nagmuni-muni. Bigla ko tuloy naalala yung tanong ni Alex kanina.

"Hmm. Pano ko ba sisimulan? Uhm, okay. I'll start with a question. Veejay, naranasan mo na bang mainlove?"

"Damn. It's been 2 years already eversince nung last usapan namin ng mga kaibigan ko about jan. It brings back memories. The pain, sadness, happiness, and most of all, the love."

Yes. Tulad nga ng sabi ko kanina kay Alex, nainlove na ako. That was my first time to experience love. It all started when I was a freshman in my previous school...

*flashback 2 years ago*

"The heck, it's already 7:45. Male-late na ako! Argh!" It was my first day as a freshman. And unfortunately, first day pa lang late na agad ako. Kainis kasi yung alarm na yun eh. Psh.

5 minutes nalang ang natitira bago magstart yung first subject. Base sa pagkakaalala ko, sa fourth floor pa yung room ko. Damn! Bakit ngayon pa ako minamalas? Kaya ayun, tumakbo na ako ng tumakbo.

As in sobrang bilis ko na talaga tumakbo. At dahil dun, may nakabangga ako na babae. Sa sobrang lakas ng impact, napa-upo siya sa sahig.

"Hey! That hurts!" sabi nung babae

"I'm very sorry Miss. I'm just in a hurry." Tinulungan ko siyang tumayo. And woah! She's so gorgeous! Para siyang anghel na nahulog mula sa langit. Napatitig nalang ako sa kanya. Starstruck ba tawag dito?

O love at first sight? Damn! Ang baduy mo Veejay.

"Uhm hello? Are you still there? Yuhooo!" Bumalik lang ulit ako sa katinuan nung bigla siyang nag-snap sa mukha ko.

"Oh. Once again, I'm very sorry."

"No. It's okay." sabay ngiti niya sa akin. Sh*t. Mas lalo siyang gumaganda pag naka-ngiti. "By the way, I'm Cassandra Lopez. You can call me Cass. How about you?"

"I-I'm.." The heck, bakit ako nauutal? Fudge naman oh. "I'm Veejay Ford."

"Oh. Nice name. Anyway, you said earlier that you're in a hurry right?"

Jeepney Lovestory (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon