Chapter 8

40 4 0
                                    

Mikka's Point of View

"Oo. May gusto ako kay Alexander Javier I. Cruz. Yung lalaking lagi mong nili-link sa akin. Akalain mo yun? Nainlove ako sa mokong na yun?"

There. I said it.  Pati rin ako nagulat nung una eh. E paano ba naman, yung taong palagi kong kinaiinisan, palaging nangti-trip sa akin, at higit sa lahat yung ni-lilink sa akin ni Louise, yun pa yung taong ginusto ko. Pero to be honest, I never regretted to be inlove with him. Mabait naman si Alex eh. Gentleman tapos sweet— wait, what did I just say?! Haist. Pag-inlove ka nga naman. Kung ano-ano na nasasabi. No, the proper term there is...nababaliw ka pag in-love ka. Haha! Parang si Louise lang. Speaking of Louise...

The heck?! Nakanganga siya! Pagkakaalala ko kanina pa siya ganun ah. Hindi niya parin ba nadi-digest yung sinabi ko? Hahahaha! For crying out loud nakakatawa talaga yung itsura niya! Hahahahaha!

*snap. snap*

"Louiseeeee! Yuhoooooo! Are you still there? Sarado mo na yung bibig mo baka kung ano pang nilalang pumasok jan. And also, ang baho ng hinga mo. Wag ka nga magkalat dito sa Mcdo. Hahaha!" Okay alam kong nadigest niya na yung sinabi ko. Nakinig na siya sa akin eh. Sinarado niya na yung bibig niya. And I know magrereact na siya in 5....

....4

....3

....2

...........1

"OMMMYYGULAAAAAAAY MIKKAAA! FOR REAL?! TAMA BA YUNG NARINIG KO? SI MIKKA MONTEREAL NA BESTFRIEND KO INLOVE KAY ALEXA—-" tinakpan ko yung bibig niya kasi sobrang lakas ng pagkakasabi niya. Nakalunok ba tong bestfriend ko ng microphone? Kung makasalita sobrang lakas eh. Feeling naman niya ang layo ko na pwede na niyang sigawan. Like hello? Magkatapat lang kaya kami sa table. 

"HUY! OA naman itong si Bes, well siguro nakakagulat nga yung balita pero please naman wag mong pagsigawan. Hindi lang po tayo ang nandito. May mga ibang students din ng Parkview ang dumadayo dito. "

"Sorry Mikka. Nagulat lang naman ako eh. Hehe."

"Halata ko nga eh."

"Teka, kailan pa ba yan? I mean, kailan ka pa may gusto sa kanya? Hindi mo man lang sinasabi sakin. Hmmp!" Tapos nag-crossed arms siya. Pakunwaring nagtatampo. Pero may point din naman siya eh. Bestfriend ko siya dapat sinabi ko na sakanya yun. Trustworthy naman siya eh. 

"Sorry na *pout* Medyo pinag-iisipan ko kasi muna. Baka kasi mamaya yung feelings ko kay you-know-na false alarm lang. Alam mo yun? Yung akala mo may gusto ka na sa isang tao pero sooner or later marerealize mo na wala naman pala."

"Wag ka nga mag-pout di bagay eh. Hahahaha! Well, sabagay. Pero dapat sinabi mo pa rin naman sa akin yun no. Malay mo natulungan pa kitang ma-clarify yung feelings mo sa kanya. Sa buhay, hindi mo naman kailangang pagpilitan gawin ang isang bagay kung alam mo naman na hindi mo ito kayang gawin ng mag-isa. Kaya nga may tinatawag na kaibigan diba? Kasi nandiyan sila para tulungan ang kaibigan nila when they need help. That's why I'm here Mikka. Nandiyan ka nung mga oras na kailangan ko ng advice when it comes to Veejay. So, in return I'll also help you with your worries. That's what friends are for right? " *jaw-drop* Si Louise ba talaga tong kausap ko?! Grabe yung words of wisdom niya. Woooo~ Nosebleed ako. Kaya mahal na mahal ko tong bestfriend ko eh. She really knows how to give advice when someone needs it. Alam kong pasaway tong bestfriend ko pero pag yan nagseryoso..magtago-tago na kayo.

"WHOA! Louise ikaw ba yan? *tok. tok* Sinong sumapi sayo? Ganyan na ba talaga epekto ng inlove? Nako. Ibig sabihin magiging ganyan din ako. Waaaa!"

"A-aray! Yan ka nanaman, haba-haba ng speech ko tas yun lang reaction mo? O-oy di ah. Bigla nalang siyang lumabas sa bibig ko eh. Baka may hugot. Hahahaha!"

Jeepney Lovestory (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon