I dedicate this Chapter to Ate Karen. Yow Ate! update ko na. Hoho. Thanks sa pag-Add. God Bless. ^__^
CHAPTER 4: BIKE
*Sean’s POV*
Kinuha ko ang lunch box ni Megumi na nasa tabi ko at binuksan ito. Bumungad sakin ang mabangong pagkain na nasa loob nito.
Rice Balls at isang mabilog na pagkain.
Takuyaki?
Ewan, basta makulay at for sure, msarap ito. Napangiti ako ng di oras. Ito ang unsang pagkakataon na may nagbigay sakin ng ganito. Hindi sa ayaw ko pero sana, di nalang nya ako binigyan ng packed lunch (kahit na gabi na), baka.. baka umabot sa punto na hahanap-hanapin ko ito.
Was I harsh to her?
**“Una, nung ipinagtanggol mo ako sa school, papaano kung binugbog ka rin nila?”
-hindi ko kasi tanggap na tiningnan ko lang siya habang pinagtatangol niya ako. Hindi ko lubos maisip kung bakit nakaya kong pagmasdan lang siya. Hindi ko maatim na, siya, na isang babae, ay kayang patumbahin ang mga taong hindi ko kayang suntukin. Hindi ko tanngap na hindi ako ganun katapang para ipangtanggol ang sarili at may isang tao na ginawa yun para sakin.
**“Pangalawa, pumunta ka pa ditto sa amin e di ka man lang nagpaalam.”
-Medyo.. may nangyari kasi ditto sa bahay. Sinabi ni Ken ang tungkol sa pagiging Top ko sa NCAE results namin. Hindi ito ikinatuwa ni Tito kaya hindi niya ako pinalabas sa kwarto ko. Oo, medyo gutom na rin ako. Di rin niya ako pinahintulutang kumain e. And my Mom? Walang alam as usual. Ganun siguro niya kamahal si Tito Terry kaya naniniwala siya sa mga kasinungalingang pinagsasabi nito. Minsan nga, naiisip ko na.. baka hindi talaga niya ako mahal. Oa na kung Oa, e kung kayo kaya ang nasa lugar ko, di ba kayo magDradrama.
**“Pangatlo! Bakit hindi mo gets na ayaw ko makipagkaibigan saiyo? Ha? Dun ka sa mga kaLevel mo! Wag sakin, magsisisi ka sa huli.”
-Ayaw ko na kamuhian din siya ng mga tao. Bago pa naman siya ditto sa school. Hindi ko maatim na I’bully rin siya. Kahit maging masama ako sa paningin ni Megumi, wala na akong paki. Ayoko na sa bandang huli, magsisisi siya na kinaibigan niya ako. Kaya, mas mabuti pa sigurong, lumayo na siya bago pa mahuli ang lahat.
Kung pwede ko lang sabihin sa kanya na masaya ko’t kinaibigan niya ako. Na, siya ang kauna-unahang kaibigan ko pagkatapos umalis sila Zoey at Zack.. yung Fraternal Twins na mga kaibigan ko. Kung pwede ko lang sabihin sa kanya ang tungkol sa buhay ko.. sa mga nararamdaman ko.. sa mga bagay-bagay na gusto kong I’labas mula sa dibdib ko.. ginawa ko na, kanina pa.
Hinawakan ko ang pisngi ko kung saan ako sinampal ni Megumi. Tumatawa ako habang umiiyak. Tumatawa ako dahil ito ang unang beses na may sumampal sakin na isang babae. Umiiyak ako dahil, nawalan ako ng isang kaibigan bago ko nalaman na meron na pala ako nun.
Nagsisisi ba ako? Hindi. Ok lang sakin na mag-isa ako sa lahat ng ginagawa ko tulad ng dati. Basta, makita ko lang na masaya ang mga tao na nasa paligid ko. Lalo na, si Megumi.
***
_Thursday Morning_
Papasok kaya si Megumi ngayon? Tatabi ba siya sakin? Kakausapin kaya niya ako? Tatanggapin kaya niya ang lunchbox niya? Hinugasan ko ito para sa kanya. Sana, sana.. di bale na nga, ginawa ko naman ang nararapat e. Alam ko na, magiging masaya siya sa desisyon na ginawa ko. Na sinabi ko sa kanya na layuan niya ako.
Ready na ako para sa school. Nagdesisyon ako na magBike nalang para hindi ulit ako itulak ni Ken palabas ng sasakyan. Hindi naman umuulan e kaya Ok na siguro.
BINABASA MO ANG
My Princess Charming
Ficção AdolescenteUSUALLY, in a fairy tale, a boy meets girl. The boy is the "Prince Charming" tapos si Girl ay "Princess", but what if baliktad? What if si Boy si "Prince" at si Girl si "Princess Charming"? Will it be the same? Will it still be Happily Ever After? W...