kabanata 4:

0 0 0
                                    

Hindi naman sinabi mismo ni Lexi na ayaw niya rito.Pero sa pakiramdam ni Justin ay parang naiilang sakanya si Lexi.Pero hindi pinansin ni Justin iyon,patuloy pa rin siya sa pagpapapansin kay Lexi.Hanggang si Justin ay tuluyan ng nahulog ng sobra na para kay Lexi ay kaibigan lang ang turingan nila.Dahil alam niya na hindi siya pwedeng magkagusto sa iba.

Kahit anong papansin ni Justin ay parang wala lang kay Lexi.Naisipan ni Justin na itigil nalang ang nararamdaman niya para kay Lexi,pero naisip niya na masasayang lang ang lahat ng pagpapapansin niya kung ititigi na niya ito.Kung kaya't ipinagpatuloy niya nalang ang pagpapapansin dito kahit alam niyang hindi ito magugustuhan ni Lexi.

Sa mga kilos ni Justin at pag aalala niya kay Lexi,ay ramdam ni Lexi na may pagtingin ito sa kanya,pero hindi pinansin ni Lexi ito dahil nirerespeto niya ang pagkakaibigan nilang dalawa.Ang tanging naiisip niya kaya mabait si Justin sa kanya dahil may utang na loob lamang ito dahil iniligtas niya ang kapatid nito.Ni minsan hindi inisip ni Lexi na gusto siya ni Justin.

Sa kabilang banda,si Joaquin ay tatlong buwan nang nasa kampo,tatlong buwan na rin niya hindi nakakapiling ang pamilya.Kailangan niya pang magtiis ng dalawang buwan para makauwi na sa kanyang mga kapatid at magulang.Sobrang sabik na si Joaquin umuwi para makapaglaan na siya ng oras sa kanyang pamilya at kasintahan.Si Joaquin ay may kasintahan pala ngunit hindi ito alam ng kanyang pamilya.Ipinangako niya sa kasintahan na ipapakilala siya nito sa kaniyang pamilya pagka uwi niya.Ipinaintindi niya ang kanyang kalagayan sa babae at naiintindihan naman niya ito.Dahil mahal niya si Joaquin ay hinintay niya ito hanggang makabalik siya,ipinangako naman ng babae na hindi niya ipagpapalit ang lalaki,at sinabi din ni Joaquin na hindi siya hahanap ng ibang baba doon,ipinangako niya na babalik siya ng ligtas.Sa tatlong buwan na hindi sila nagkakasama alam nila na namimiss na nila ang isa't isa.

Habang lumilipas ang panahon hindi maiwasang babae na mag alala kay Joaquin dahil sa kanyang pagiging sundalo.Gusto niya itong makausap pero walang paraan at naisip niya rin yung ipinangako ni Joaquin sa kanya.Naniniwala at nagtitiwala na lamang siya sa mga salitang binitawan ni Joaquin.Dahil mahal niya ito kakayanin niya ang lahat at magtitiis ng limang buwan.Madali lang naman ang limang buwan para sa kanya.Dalawang buwan nalang naman ang titiisin niya para makita niya na si Joaquin.Matatapos na rin naman na ang pag aaral ng babae sa kursong nursing.

NOTHING IS IMPOSSIBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon