kabanata2:

5 1 0
                                    

Dahil uuwi na si Justin mula ibang bansa ay excited si Jerich.Habang nagmamadaling umuwi ang bunsong si Jerich ay bigla itong nahimatay sa daan dahil sa sobrang init.Pinalibutan siya ng mga tao at may isang babae ang lumapit sa kanya.Tinignan at tinulungan siya nito.Nang makapagpahinga si Jerich ay pinainom siya nito ng tubig at tinanong kung anong pangalan.Ngunit biglang tumayo at tumakbo palayo si Jerich ni hindi man lang nakapagpasalamat sa babaeng tumulong sa kanya at hindi man lang naitanong ang pangalan ng babae.

Nang makauwi na si Jerich ay sinalubong ito ng kanyang kuya Justin at itinanong kung bakit ngayon lang ito nakarating .Hingal na hingal si Jerich kaya naupo muna siya at uminom ng tubig at ikinuwento ang nangyari sa kanya,nabanggit rin niya ang babaeng tumulong sa kanya, ngunit hindi niya ito nakilala.Biglang nag alala ang kanyang kuya,ang gusto pa nito'y dalhin siya sa doktor,ngunit tumanggi ito at sinabing ayos lang siya.

Mag gagabi na rin iyon,napahaba ang kwentuhan dahil dumating pa ang kanilang ama at ina.Napasarap ang kwentuhan ng apat  nang biglang naalala ng kanilang ina si Joaquin.Si Joaquin ang pinakamasayahin sa kanilang tatlo,hindi mareklamo sa lahat ng bagay at walang arte.

Naisipan na nilang maghapunan,napasarap din ang kanilang pagkain dahil ang kanilang ina ang nagluto ng hapunan.Nakatulog na sila sa sobrang pagod buong araw.

Kinaumagahan,maagang ginising ni Justin ang kaniyang pamilya.Dinala ni Justin ang kanyang pamilya sa iba't ibang pasyalan.Masaya ang pamilya nang magutom bigla ang kanilang bunso at nagyayang kumain.Habang kumakain ay may napansin si Jerich sa kabilang mesa.Napansin niya ang babaeng tumulong sa kanya noong nahimatay siya,nabigla si Jerich at nilapitan ito.

NOTHING IS IMPOSSIBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon