kabanata 6:

0 0 0
                                    

Hinintay pa rin ni Justin ang sagot ni Lexi.At ang sagot ni Lexi ay....

"Justin,hindi ko inaakalang totoo pala ang kutob ko na may gusto ka sa akin,pero pasensya na,hindi ko mapagbibigyan ang gusto mo,dahil may kasintahan na ako.Ang buong akala ko kasi ay kaibigan lang ang turing mo sa akin,kaya ganyan ka sa akin,kaya ka mabait,maalaga.Kaya hindi ko binigyan ng kahulugan ang lahat na iyon.Pasensya na talaga Justin.Mahal ko kasi ang kasintahan ko,nangako rin ako sa kanya na hindi ako titingin sa iba,pasensya na..."

At bigla nalang umalis si Lexi at nakalimutan niya pang magpaalam kay Jerich.Sobrang sakit at iyak ni Justin kaya pinaalis niya ang lahat ng tao doon pati na ang kanyang kapatid.Ilang oras din siyang naroroon,nag iisa at umiiyak,walang tigil sa pag iyak.Maya maya ay may lumapit sakanya,isang babae at tumabi sakanya.

"Iniwan ka ba niya?sige i-iyak mo lang iyan.Eto panyo oh."

Hindi naman sumagot si Justinsa babae,kinuha niya lang ang panyo at nagpatuloy sa pag iyak.Ng tumigil na siya sa pag iyak ay biglang tumayo,pati na ang babae ay tumayo sa kanilang inuupuan.

Nagpakilala ang babae sa kanya...
" Ako nga pala si Sam.Nakita kitang nag iisa dito kaya napagpasyahan ko na puntahan ka.At ikaw ay..?"

Justin:Ako nga pala si Justin.Salamat Sam.
Sam:wala iyon,Friends?
(Biglang umalis,tumakbo ng mabilis)

"Hala!loko yun ahh!Hindi ako pinansin?

Siya si Samantha Fernandez.Anak ng mayamang pamilya,isa siyang brat,lahat ng gusto niya ay nakukuha niya.

Samantala naman ay pagkatapos ng nangyari kina Justin at Lexi ay naisipan ng bumalik ni Justin sa ibang bansa,upang makalimutan niya ang nangyari sakanila ni Lexi na minahal niya.Naalala ni Justin si Sam,nahiya siya sa kanyang ginawa na bigla nalang tumakbo at umalis dahil naiihi na siya noon kaya bigla nalang tumakbo at iniwan si Sam.

Gusto pa sanang hintayin ni Justin ang kaniyang kapatid na si Joaquin pagbalik niya,pero hindi alam ni Justin ang gagawin,napag isip isip niya na hintayin na lamang ang kanyang kapatid dahil kapag umalis pa siya matagal nanaman niyang hindi makikita si Joaquin,ilang buwan nalang naman ang hihintayin niya para makabalik siya sa ibang bansa.Magpapaalam nalang siya sa kanyang amo para hindi siya ipatanggal sa trabaho niya sa ibang bansa.Napag isip din niya na wag nang magparamdam pa kay Lexi para makalimutan niya ito kaagad.Sinabi niya rin kay Jerich na huwag ng babanggitin pa si Lexi para mas mabilis niyang makalimutan.Pumayag naman si Jerich dahil naaawa siya sa kanyang kuya.

NOTHING IS IMPOSSIBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon