kabanata 7:

0 0 0
                                    

Lumipas ang isang buwan na hindi nagkakausap sina Lexi at Justin.Wala silang balita sa isa't isa.Pero si Justin hindi niya maiwasan na maisip si Lexi,kapag naiisip niya ito ay ibabaling sa ibang bagay ang atensyon niya.At kahit sa sandaling oras lang ay malilimutan niya si Lexi,pero isa pang naiisip niya ay si Sam,ang babaeng tumulong at nagbigay ng panyo sa kanya at ang babaeng inakbuhan niya habang nakikipagkaibigan ito sa kanya.Natawa nalang siya bigla nang maalala niya ang kanyang ginawa.Tumatawa nalang siya mag isa sa kanyang kwarto.Nakita siya ni Jerich at pinabayaan nalang niya ang kanyang kuya dahil ngayon lang niya ito nakitang masaya ulit pagkatapos ng nangyari sa kanya.Hinayaan lang siya ni Jerich at umalis na,umalis si Jerich para puntahan at kumustahin si Lexi.At hihingi na rin ito ng pasensya dahil doon sa nangyari na pinagkaisahan siya ng kanyang kuya.

Nang makapunta si Jerich sa bahay ni Lexi ay pinapasok siya ng mama nito,nang magkita ang dalawa kaagad tumayo si Jerich at nagsorry ito sa kanya,sinabi niya na pasensya na sa mga ginawa niya na nagsinungaling ito sakanya.Nagsisisi siya sa mga nagawa niya,at hindi na ito mauulit pa.Habang nagsasalita siya bigla naman nagsalita si Lexi at sinabing..

"Jerich,Jerich okay na,hindi naman ako galit sa ginawa mo eh.Wala ka namang kasalanan eh,nagawa mo lang iyon dahil gusto mong tulungan ang kuya mo"

At ngumiti si Jerich nang marinig niya ang mga salita na iyon.Nagpasalamat siya kay Lexi dahil hindi ito nagalit sa kanya.Pinakain siya ni Lexi bago umalis.Bago pumunta si Jerich kina Lexi ay hindi ito alam nang kanyang kuya,ayaw niyang sabihin sa kanyang kuya at baka maalala nanaman niya ang nangyari noon.Habang nagkukwentuhan ang dalawa ay biglang nabanggit ni Jerich ang kanyang kuya Joaquin,sinabi niyang uuwi na ito makalipas ang isang buwan,sabik silang lahat na makita ulit ang kanyang kapatid,habang nagkukwento siya ay hindi niya nababanggit ang pangalan ng kanyang kuya.Ang sinabi niya lamang ay panganay siya sa kanilang magkakapatid.Laking gulat naman ni Lexi dahil ang buong akala niya ay dalawa lang sila ni Justin na magkapatid.Hindi niya alam na mayroon pa pala silang isa pang kapatid.Habang nagkukwento si Jerich ay naalala niya ang kasintahan na si Joaquin..

"Kumusta na kaya siya,kumakain kaya siya ng maayos dun,sana makauwi siya ng ligtas."

Iyan ang mga salitang pumapasok sa kanyang isip,dahil alam niyang malapit na rin umuwi ang kanyang kasintahan,nang napansin ni Jerich na parang inaantok na si Lexi ay nagpaalam na itong umuwi,nagpasalamat ulit siya dito dahil pinapasok siya sa kanilang bahay.Bilin lang ni Lexi sa kanya ay huwag nang sabihinkay Justin nagkita sila at nagkausap.Sumunod naman si Jerich dahil alam niya rin ang sitwasyon.Nang makaalis na si Jerich ay pumunta si Lexi sa kanyang kwarto,humiga,nag isip isip at nakatulog.

NOTHING IS IMPOSSIBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon