KABANATA 9

0 0 0
                                    


Habang naglalakad si justin papunta sa canteen ng ospital ay bigla niyang naisip si sam.dito niya napagtanto na may taglay itong kagandahan at kabaitan.nang una palang niyang makita ito ay ang gaan gaan na ng pakiramdam niya sa dalaga.Hindi niya namamalayan na habang iniisip niya si sam ay napapangiti na pala sya.laking gulat nalang niya ng sumigaw sa harapan niya ang kapatid na si jerich.

"Mukang masaya tayo ngayon kuya?anong meron." Pag uusisa nito.

"Ahh.wala naman.naalala ko lng si sam."seryosong sabi nito sa kapatid.

"Mukang nakahanap ka na ng bago kuya ahh?dahan dahan lang baka mabigo ka nanaman"

"Bakit?sinabi ko bang gusto ko sya?tsaka anong mabigo ka jan?wala na ba akong karapatan magkagusto sa babae? Pagbibiro ni justin sa kapatid.

Habang nagkakatuwaan ang magkapatid papunta sa kainan nasalubong nila ang doktor ni joaquin at kinausap sila.sinabi nito sa kanila na maaari ng ilabas si joaquin bukas ng umaga.

Laking tuwa ng magkapatid ng sabihin iyon ng doktor.
Sakto naman na kinabukasan sana nila gagawin ang sorpresa nila para kay joaquin,kung kaya'dali dali silang nagpunta sa magulang at sinabing itutuloy nila ang handaan ngunit ililihim muna ito kay joaquin.

Nagpaalam ang magkapatid sa mga magulang na mauuna na silang umuwi para makatulong sa mga gagawin.
Nagpaalam rin sila kay joaquin ngunit hindi na sinabi ang tunay na dahilan.pumayag naman ito at sinabing mag iingat sila.

Habang nasa biyahe ang magkapatid.tinanong ni jerich si justin kung sasabihin niya ba kay joaquin ang nangyari sa kanila ni lexi.

"Kuya,may balak ka pa bang sabihin kay kuya joaquin yung nangyari sainyo ni ate lexi?

"Hindi ko alam jerich eh.pinanghihinaan pa ako ng loob ngayon.siguro hahanap nalang ako ng pagkakataon para masabi sa kanya ang totoo."

"Ganun ba kuya?osge ikaw ang bahala.nalulungkot din kasi ako kapag nakikita kitang nalulungkot sa tuwing nasisilayan mong masaya sila sa isat isa."

"Wag kang mag alala..simula ngayon hindi na ako maiinggit sakanila":)

Halatang halata sa muka ni jerich ang pagtataka.iniisip nito kung bakit kaya niya nasabi iyon.

NOTHING IS IMPOSSIBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon