Act 1 - Move

350 9 0
                                    

Act 1

Move

Sapilitan akong umalis ng Pilipinas para isakatuparan ang pagbabagong gusto ko. Kumunsulta pa ako sa sikolohista para lang malaman kung my pag-asa pa ba kong magbago dahil sa mga karanasan ko noong bata pa ako at todo ang saya ko nang sabihin nyang may chance pa ko para doon. Although consistent daw ang behavior ng isang tao na nagpapalakas sa personalidad natin, meron daw mga issues na kaya nating kontrolin at yun ang ginagawa ko ngayon.

Nagpaalam ako sa mga kaibigan kong sina Timothy, Felix, at Jonathan. Masaya na sila ngayon dahil tulad ko, positibo na ang mindset nilang tatlo. Malaki rin ang pasasalamat ko kay Kira dahil sa kabila ng lahat ng mga nagawa namin sakanya, pinatawad pa rin nya kami. Dahil dun, gagawin ko ang lahat mapatunayan lang sakanilang dalawa ni Lee na karapat-dapat ako para kay Selina at pwede rin akong maging ama sa anak naming dalawa.

Noong una, hindi ko alam kung papaano ihahandle at ite-take up yung katotohanan na nabuntis ko sya pero isang malaking gago ako kung kukwestyunin ko pa kung papaano sya nabuntis gayong ako ang unang gumalaw sakanya. Yung tatlo, sumunod lang. Siguradong mas matindi ang sperm cells kong lumangoy at bumuwag ng pader kaya sure akong anak ko yun. Sa totoo lang, natuwa ako nung makita kong nakaumbok ang tyan ni Kira. Sinabi na lang nya sa akin na ako ang ama. Ramdam daw nya yun. Hindi ako nagmatigas o umangal dahil tanggap ko naman iyon. Swerte rin nya kay Lee na mahal na mahal sya at tinanggap sya sa kabila ng mga nangyari sakanya.

"Ayos lang ako dito. Don't worry too much. Babalik rin ako. I just have to prove myself, Dad." bigkas ko sa telepono nang tumawag si Daddy.

Nagkaayos na rin kami ng tatay ko. Sya na mismo ang humingi ng tawad sa akin at buong-puso ko iyong tinanggap. Sobrang gaan sa pakiramdam pag nakakapagpatawad ka. Siguro ganito rin ang naramdaman ni Kira kaya naman masaya na sya. Tama nga sila, tao lang tayo kaya dapat tayong magpatawad. Hindi gaganda ang buhay natin kung may kinikimkim tayong galit, hindi tayo magiging masaya.

"Nakakakain ka ba nang maayos jan?" nag-aalala nyang tanong.

"Of course, Dad! Nagtatrabaho ako dito." natatawa kong sagot.

"Hindi ka sanay magtrabaho. Pwede namang padalhan--"

"Not again, Dad. Ano ba naman kayo? Para naman akong 2-year old na bata kung alalahanin nyo. Ginagawa nyo kong spoiled at Daddy's boy!"

"OA na ba ko?"

Tumawa ako nang tumawa sa tanong nya. Ganito pala yung feeling na merong tatay na sobra kung mag-alala sayo. Sana noon pa man, nangyari na ito para naman masaya kaming dalawa nung una pa lang. But then again, we cannot rewind time and we just have to face the present where we live in.

"OA nga, Dad. How is she?" tanong ko.

"She's... fine. Still the same."

"Same old, same old, huh?" napangiti ako. "She's not entertaining any?"

"Yes. Tinry ko ngang pa-ligawan kay Carlo pero wala eh. Ayaw talaga."

Mas lalong lumawak ang ngiti ko sa mga sinabi ni Daddy. Kung ganun, ayaw talaga nya. Sana ako pa ren...

"Alright, Dad. Thank you for reaching me through phone call. Papasok na ko." pagpapaalam ko.

"Okay. Just remember what I told you."

"Sure thing."

Nagtatrabaho ako sa isang hotel dito sa Singapore. Buti na nga lang at nagagamit ko ang mga pinag-aralan ko sa school kahit hindi pa ko nakaka-graduate. Siguro tatapusin ko na lang yung dalawa pang natitirang sem pag nakabalik ako ng Pilipinas tutal malapit naman nang mag-expire ang kontrata ko dito.

Sabik na sabik akong tumawag kay Kira noong sumunod na araw. May communication pa kasi kaming dalawa dahil ang totoo nyan, sya ang nagpasok sa akin sa hotel na pinapasukan ko. Business partner kasi ng mga magulang nya ang presidente ng hotel na yun kaya madali akong nakapasok sa trabaho. Malaking tulong iyon dahil kailangang-kailangan ko talaga ang trabahong ito. Yun lang kasi ang pinagkukunan ko ng panggastos ko sa araw-araw habang nandito ako sa Singapore at yun rin ang pinagkukuhaan ko ng pera upang i-donate sa isang bahay-ampunan dito.

"Kamusta?" masayang tanong ni Kira pagsagot sa tawag ko.

"Okay lang. Kamusta rin? Okay lang ba si Ellitz jan?"

"Tingin mo samin ni Lee, hindi inaalagaan si Ellitz?" pagsusungit nya. "Syempre okay na okay ang anak ko!"

"Anak ko rin, Kira."

"At anak mo. Hindi pa kasi ako tapos. Excited ka eh." at tumawa sya.

Nag-kuwento ako sa mga nangyayari dito sa Singapore. Sabi nya, umuwi na raw ako dahil napatunayan ko na ang sarili ko sakanya. Umuuwi naman ako ng Pilipinas every 6 months dahil nagpapakita ako sa anak namin ni Kira na si Ellitz. Nakakatuwa ang batang iyon dahil kuhang-kuha nya ang itsura ko. Para akong tumitingin sa sarili ko sa tuwing nakikita ko na sya. Panay pa nga ang kwento sa akin kapag nakita na nya ko. Tanggap rin nya na ako ang tatay nya at maging si Lee ay tatay nya rin. Masayang-masaya pa nga sya dahil dalawa daw ang tatay nya at maging ang nanay nya, dalawa rin daw.

"Uuwi na ko. Malapit na." saad ko.

"Anong balak mo?"

Napakamot ako sa ulo sa tanong nya. Ano nga ba ang balak ko? Kung tutuusin, hindi ko pa talaga alam.

"Hindi ko pa kayang magpakita sakanya." derecho kong sinabi.

Nagbuntong-hininga sya. "Ikakasal na kami ni Lee. Oras na, Jett."

"Pero--"

"It's by then or never, Jett. Mag-isip ka na ng mga sasabihin mo. Ano pang silbi nung apat na taon mong pamamalagi jan? Move, Jett. Just make a move kung ayaw mong magka-stiff neck!"

Pinanghawakan ko ang mga salita ni Kira sa akin. Hindi ko sukat-akalaing yung taong ginawan ko ng matinding kasalanan noon ang sya pang tutulong sa akin sa isang bagay na halos hindi ko alam noon.

Nang makabalik ako ng Pilipinas, agad akong dumirecho sa kung saan nagtatrabaho si Selina. Sa tuwing uuwi sya ng bahay, nakasunod ako sakanya nang hindi nya namamalayan.

Sabik na sabik ako sakanya. Gustong-gusto ko syang yakapin at halikan dahil sobrang miss ko na sya. Hindi ko alam kung paano ko natiis yung apat na taon na wala sya sa tabi at paningin ko. Para bang kinaya kong mabuhay nang walang tubig sa mga panahong iyon.

Dumating ang araw ng kasal ni Kira. Ginawa ko ang lahat para makapunta lang sa mismong seremonyas pero sinigurado kong hindi ako mapapansin o makikita ni Selina. Kahit nga si Ellitz hindi alam na nandoon ako sa loob ng simbahan. Tahimik lang akong nanunuod sa likod at pinagmamasdan sya na nakangiti habang nanunuod rin kina Kira at Lee.

"O, wag tatanga-tanga mamaya, ha?!" panimula sakin ni Kira nang puntahan nya ako sa backdoor ng function hall.

"Grabe naman yang piece of advice mo," tumawa ako. "Kinakabahan na nga ako eh. Baka hindi nya ko tanggapin."

Kumunot ang noo nya bago ako sabunutan. "Ayan! Okay na ba? Wala nang nega vibes sa ulo mo? Ninenerbiyos ka pa?"

Imbis na mainis ay mas lalo pa akong tumawa. Grabe na talaga sya. Sa tuwing makikita nya ko, lagi nya akong sinasaktan physically. Sometimes I wonder if she's still mad at me at ganun na lamang nya ko saktan na halos bugbugin nya na ko.

Dumating ang pinakahihintay kong sandali. Huminga muna ako nang malalim nang makita ko syang nakatayo sa harap ng fountain. Ang ganda nya talaga. Sobrang simple lang ng features nya pero sobrang spectacular ng ganda nya. She's just so amazing.

"Move, Jett. You have to move to get her."

The Moving ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon