Final Act
Ngiti
Pinagmamasdan ko si Selina habang nakahiga sa tabi ko. Nakaunan ang ulo nya sa dibdib ko at mahimbing na natutulog.
Hinaplos ko ang buhok nya at hinalikan ito sabay bulong sakanya ng mga salitang, "Ayaw mo man sa forever, maniniwala akong tayong dalawa lang ang nakatadhana habambuhay."
Kinaumagahan, wala na si Selina sa tabi ko. Agad kong dinampot ang mga damit kong nakakalat sa sahig at nagbihis bago lumabas ng kwarto at bumaba upang hanapin sya. Naabutan ko syang nasa sala at nag-kakape habang nanunuod ng TV. Ngumisi sya sakin nang makita ako pero kinunutan ko lang sya ng noo.
"Good morning, baby." panimulang bati nya sa akin.
"Ganun lang yun? 'Good morning, baby' tapos di ka man lang tatayo jan para salubungin ako at halikan? At pag-gising ko, wala ka na sa tabi ko. Sana ginising mo na rin ako nung nagising ka." pagtatampo ko naman sa asawa ko.
Nag-pout lang sya sakin at nagreklamo rin. "Eh ginigising din kita kanina. Ilang beses kitang hinalikan pero wala pa rin! Tulog-mantika ka kaya!"
"Ah, talaga?" lumapit ako sakanya at umupo sa tabi nya. "Paki-ulit mo na lang ngayong gising ako."
"Ayoko. Di ka pa nga nagtu-toothbrush eh!"
"Eh hindi pa ko nakain, panong magtu-toothbrush ako agad?!"
"Edi kumain ka! Magprito ka ng itlog, meron dun sa ref tapos merong pandesal sa lamesa."
Halos malaglag ang panga ko sa mga sinabi nya. Ibang klase talaga itong napangasawa ko. Ni hindi man lang ako pinagsisilbihan! Sya nagkakape lang at nanunuod ng Phineas and Ferb sa Disney Channel.
Umiling ako at natawa. Grabe. Ganito pala yung feeling na mag-asawa kayo pero para lang kayong magkaibigan. Binabara nga lang ako ng babaeng 'to eh. Grabe talaga.
Kesa awayin pa nya ko, sinunod ko na lang ang mga sinabi nya. Nagluto ako ng itlog, sunny side-up, at ipinalaman ko iyon sa pandesal. Nagtimpla na rin ako ng kape at saka bumalik sa sala upang tumabi sakanya.
"Kelan ba matatapos yung bahay natin sa Oriental?" bigla nyang tanong sa gitna ng panunuod namin.
"Hindi ko pa alam pero ang sabi ni Ricky, baka by November tapos na yun." sagot ko naman.
"November pa? Ang tagal naman. Inip na kong tumira dun. Ang ganda kasi. Pwede bang ipalipat natin yung pine tree sa tabi nung bahay natin?"
"Ha? Edi mabubungkal yung lupa dun? Wag na. Hayaan na natin yung puno na manahimik doon."
"Ehhh.." kumapit sya sa braso ko. "Ipalipat mo na." sabay siksik sa kili-kili ko.
Napakamot na lang ako sa batok ko at napailing.
"Hindi pwede yun, Sel. Masisira lang yung puno." pagpapaliwanag ko.
"Edi wag!"
Napapitlag ako nang tumayo sya bigla at mag-walk out. Mood swings. What do I do with it?
Buong maghapon akong hindi pinapansin ni Selina. Kada mag-aattempt ako na kausapin sya, tinatalikuran nya ko agad. Ang spoiled talaga ng babaeng 'to.
"Bakit ka ba nagagalit sakin?" tanong ko nang talikuran nya ko ulit matapos ko syang lapitan sa kusina.
"Hindi naman ako galit." malamig nyang sambit.
BINABASA MO ANG
The Moving Acts
General FictionThe way I moved myself where I'm supposed to be isn't as hard as you thought it would be.