Act 2 - Yes

258 9 1
                                    

Act 2

Yes

"Ano?! At sa tingin mo gagawin ko yang gusto mo?! Asa ka, gago!"

Yan ang singhal sakin ni Jesse nang ibigay ko sakanya ang isang maliit na papel na ipinaaabot ko kay Selina. Kaya siguro ganito ang reaksyon nya ay dahil sa mahal pa rin nya si Selina. Grabe talaga ang tindi ng babaeng yun magpaibig ng lalake, umaabot ng taon.

"Akala ko ba nagkasundo na tayo? Ano yan, kabahagan ng buntot?" ngumisi ako sakanya.

"Kapal mo! Akin na nga yan! Tss!"

Hinablot nya nang marahas ang papel mula sa kamay ko saka umalis papunta sa loob ng function hall o reception hall.

Papalapit ako kay Selina kanina nang pigilan ako ni Jesse. Sabi nya, bawal akong makita ni Selina dahil wala na daw akong karapatan sakanya. Syempre ipinaglaban ko yung side ko at ang ginawa namin ay nagpustahan-- kung sino unang makakasuntok sa amin sa mukha, yun ang panalo-- at syempre, nanalo ako. Makakauna sana sya kaya lang, nakailag ako. My reflexes are just great.

Dumating si Kira at Lee. Agad nila kong nilapitan nang makitang nakatayo lang ako sa isang sulok para kung sakaling lumabas man si Selina, hindi agad ako ang mahahagip ng mga mata nya.

"O, ano na'ng nangyare?" tanong sa akin ni Kira.

"Wala pa rin pero palabas na siguro si Selina, kung inabot man ni Jesse yung papel na pinapabigay ko sakanya." sagot ko.

Pinanlakihan ako ng mga mata ni Lee. "Ha? Si Jesse?" tumango ako. "Paano nangyari yun?"

"Natalo sya sa pustahan namin." ngumisi na naman ako.

"Walangya! Pinagpupustahan nyo yung kaibigan ko?!"

Sinuntok-suntok ako ni Kira sa braso ko kaya naman dumedepensa ako rito. Nagbubuhat siguro ng weights ang babaeng ito kaya ganito kalakas ang mga suntok nya o baka nag-aaral lang talaga syang mag-boxing.

Umiling ako at tumawa. "Hindi ganun yun, Kirs! Ang pinagpustahan namin eh kung makakalapit ako kay Jesse o hindi. Pinagbawalan kasi nya kong makipagkita kay Selina. What can I do? I know he's upset that's why we made a bet and I won."

"Sigurado ka ba?!"

"Oo! Eto naman! Nagbago na nga, kukwestyunin mo pa?! Tss."

Nag-pout na lang sya at inirapan ako. Si Lee naman, todo ang tawa sa reaksyon ni Kira.

"Kirs? Where did that came from?" tanong ni Lee sakin at hinampas sya ni Kira. "Easy! Bakit ako ang hinahampas mo eh si Jethro ang nagsabi nun at hindi ako?"

"Ewan ko sayo! Jan na nga muna kayo at tatawagin ko na yung bruhildang Selina na yun!"

Nagkibit-balikat na lang kaming dalawa ni Lee sa pag-aalburoto ni Kira nang umalis ito.

"Thank you." mariin kong sinabi kay Lee.

"For what?"

"For taking care of Kira when she's in the blackest hole of her life. I don't deserve all your kindness pero eto, kayo pa mismo ang tumutulong sakin ngayon. I don't know how I can repay you both. I just--"

"You deserve to be helped. Hindi man nating maibabalik ang oras, wala na rin tayong magagawa kasi nangyari na ang mga nangyari noon. Nakapagpatawad na si Kira, nagbago ka na, ano pa bang magagawa nung galit kung kikimkimin pa natin yun?"

The Moving ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon