Act 4 - See Me

200 11 0
                                    

Act 4

See Me

Ilang weeks ang binuo namin ni Selina nang magkasama hanggang sa dumating ang araw ng kasal namin. Mula sa ceremony hanggang sa reception at sa iba pang elements ng wedding ay naging maganda ang pagkakaplano kaya sa huli, naging masaya kami sa kasal namin. Well, even if we exclude all those plans, masaya pa rin kami dahil sa wakas, kasal na kami-- asawa ko na si Selina. Akin na sya at kahit kailan, hinding-hindi ko sya pakakawalan.

Si Mike ang kumanta sa kasal namin. Hindi ko sya lubos na kilala pero masasabi kong maganda ang boses nya talaga. Si Kira naman ang bride's maid. Yung dalawa naman nyang kaibigan pang sina Kylie at Reese, parehong naging busy kaya piniling maging simpleng saksi lang ng kasal namin. Okay na rin naman basta't may presence nilang dalawa. Hindi ko alam kung sino ang kulang sakanilang magbabarkada pero ang sabi sa akin ni Sel, Rex daw ang pangalan nung wala sa kasal namin at kakambal iyon ni Reese. Hindi sya mahagilap kaya naman medyo nalungkot rin si Selina sa bagay na iyon.

Sa kabilang banda, todo ang ngisi ng tatay ko buong kasal. Sobra nga silang magkasundo ng asawa ko dahil hindi naman talaga mahirap pakibagayan si Selina. Oo, moody sya pero kayang-kaya nyang i-hndle iyon. Isa pa, dakilang joker rin pala ang tatay ko at dahil paminsang may kababawan ang kaligayahan ni Sel, nagkakasundo silang mabuti.

Sina Jonathan, Timothy, at Felix naman, imbitado rin. Syempre, sila lang naman ang mga itinuturing kong kaibigan ko talaga. Nakakatuwa nga na kahit nandito si Kira, walang tensyon na namagitan sa pagitan naming lahat. Masasabi kong sobrang maayos ang pakikitungo namin sa isa't isa. Nagpakasal na rin kasi si Timothy at kasama nya ang asawa nya ngayon. Si Jonathan naman, may kasamang babae, hindi ko alam kung sino pero mukhang girlfriend nya. Si Felix naman, mag-isa lang at dahil sa parehong may babaeng kasama yung dalawang ugok, na-badtrip at nainggit. Panay tuloy ang kindat sa mga magaganda kong pinsan na babae. Tss.

"Saan ba tayo pupunta?"

Nakapiring si Selina ngayon. Kagagaling lang namin sa reception ng kasal naming dalawa. Hirap na hirap pa syang lumakad dahil sa taas ng heels nya at dahil na rin sa mahaba nyang wedding gown.

"You'll see when we get there." bulong ko sakanya.

Binuksan ko ang gate at dahan-dahan syang inalalayan papasok. Nakakapit lang sya sa mga kamay ko at nakangiti habang tinatahak ang daan na hindi naman nya alam kung saan papunta.

"Andito na ba tayo? Nasaan ba kasi tayo?" pangunglit pa nya. Napaka-persistent at impatient talaga.

"Wait, dito ka lang."

Binitiwan ko sya at umangal pa sya. Wag ko daw syang iiwan kaya naman hinalikan ko sya sa pisngi.

"Hindi nga kita mapakawalan, maiwan pa kaya ngayong asawa na kita?" at hinalikan ko sya nang mabilis sa mga labi nya.

Tumawa ako nang magreklamo sya ulit pero may kinailangan akong ayusin sandali kaya nanatili syang nakatayo sa gitna. Nang masiguro kong ayos na ang lahat, nilapitan ko sya at pumunta sa likod nya.

"Ready?" mahina kong tanong.

"Ready." nakangiti nyang sagot habang tumatango.

Unti-unti kong tinanggal ang pagkakatali ng piring sa mga mata nya. Nang matanggal ko iyon, nakapikit pa sya pero nag-mulat rin agad.

Nanlaki ang mga mata nya at suminghap nang makita ang inihanda ko para sa ngayong gabi.

"Wow!" mangha nyang sambit sa akin sabay kuha sa kamay ko. "It's so beautiful!"

"Yes, it is."

"Grabe!" niyakap nya ko at kumalas rin agad nang ngiting-ngiti. "Anong lugar 'to? Sobrang ganda!"

Pinagmasdan ko sya habang nakamasid ang mga mata nya sa buong paligid. Nasa isang lugar kami ngayon na bukod sa panay lawn ay may sapa rin. Dahil sa hapon pa lang naman ngayon, kitang-kita ang pagiging makinang ng tubig na kulay asul. May iilang bulaklak rin sa paligid at sa bandang gitna kung nasaan kami ngayon, merong isang puno. Ito lang ang nag-iisang puno sa lugar na 'to at isa iyong maliit na pine tree. Sa sobrang liit nito, kayang-kaya mo syang akyatin na kahit mahulog ka ay ayos lang. Hindi ko nga alam na pwede palang magkaroon ng ganitong ka-pandak na pine tree eh.

Nalaman ko ang lugar na ito noong high school pa lang ako. Mahilig kasi talaga akong gumala mag-isa noong panahon na iyon dahil lagi akong badtrip sa bahay. Syempre, hindi pa kami okay nun ng tatay ko kaya inaaraw-araw namin ang bangayan.

Hindi naman sinasadya pero may nasa byahe ako nun papunta sa bahay sana ng tropa ko. Merong part ng kalsada papunta doon na tatlo ang daanan. Kaliwa, gitna, at yung kanan. Sa kanan ang daan papunta sa bahay nila Jeffrey kaya nang mawala ako sa wisyo, sa kaliwa ako dumaan.

Mahabang kalsada ang tinahak ko noon bago makarating sa isang malaking gate na naka-lock. Bumaba ako ng kotse nun (makapal ang mukha ko kaya may kotse na ako kahit high school pa lang, 16 years old) at inakyat yung gate. Hindi ko kasi makita yung nasa likod ng gate dahil solid block ito, di tulad ng panay grills. Namangha ako nang makita ko ang lugar na ito at simula noon, hindi na mawala ito sa isip ko. Hindi ko akalaing may nag-eexist na ganito sa bahagi ng lugar papunta kina Jeff.

"Nahuli ako nung nagbabantay dito noon eh. Hindi ko alam na meron palang nagmamay-ari ng lugar na 'to." kwento ko kay Selina.

"Ha? Eh paano na 'to? Trespassing na ang ginagawa natin?"

"Hindi," hinalikan ko ang buhok nya at inakbayan sya. "You are seeing all of these, right?" tumango sya. "Then, you see me. Dahil ang buong lugar na ito, akin.. ATIN."

Lumayo sya sa akin at gulat akong pinagmasdan. Tumaas ang isa nyang kilay kaya ngumisi ako sakanya.

"Oo, akin na 'to. Binigay sakin nung may-ari. Alam mo kung bakit?" umiling sya. "Dahil ako lang ang bukod-tanging umakyat sa gate para lang makita ang lugar na 'to. Isa pa, nasa Europe na sila ngayon-- sa Italy-- kaya naman eto, hinayaan nilang ako na ang mamahala dito."

"T-talaga?"

Nag-pout ako at kinabig sya sa bewang nya. "Talagang talaga."

Itinuon ko ang sarili ko sakanya at marahan syang hinalikan. Ang sarap sa pakiramdam na ganito yung ambiance ng paligid. Rinig na rinig ko ang lagaslas ng tubig galing sa sapa at ang mangilan-ngilan na mga maya na humuhuni habang nalipad.

"Akalain mong sa pagiging bad boy mo, may mga tao pang nagtiwala sayong ibigay ang lugar na 'to?" tumawa sya pero hinalikan rin ako sa labi nang mabilis. "Pero kahit gaano ka pa kasama, ako lang ang makakapagpatigil sayong maging marahas."

The Moving ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon