Maaga akong nagising ' dahil ito ang first day of school ko as SHS. Di naman sa nae- excited ako or what so ever? Kaso no choice din ako dahil wala din namang gigising sakin, kasi wala naman akong kasama sa bahay. Bale nag aapartment lang ako, kase gusto ko ipakita kila mommy na kaya ko sarili ko kahit wala sila.
Kaya naman tumayo na ako sa may kama ko, at saka tiningnan muna saglit yung cellphone ko baka ay text or call na diko napansin at buti nalang wala.
Kaya naman dumiretso na ako sa may banyo, nang makapasok ako ' ginawa ko na ang usually kong ginagawa every morning bago maligo' yun ay ang mag toothbrush.Habang nagto-toothbrush ako nagbrowse muna ako sa may fb ko, baka kasi may nagbago. Pero wala naman siguro kasi puro likes&comments lang naman ang nakikita ko sa notification ko. At may iilan din naman na nag add kaso diko inaccept, malay ko ba kung sino sila?
Nang matapos na ako magtoothbrush, inoff kona din yung phone ko at nagsimula nang maligo.
After 20 minutes I guess? Natapos na akong maligo, dumiretso na ako agad sa closet ko para kunin ang susuotin ko. For now may si- civilian muna ako kasi di pa ako nakakabili ng uniform, nakalimutan ko kasi ' pero nakapagsukat nako.
Nang masuot kona yung civilian ko, humarap na ako sa may make up closet ko. Mag lalagay lang muna ako nang light makeup, para naman mukhang presentable yung itsura ko.
Ayoko kasi maging haggard sa harap nang mga students dun sa papasukan ko.Tapos nako sa lahat nang pag aayos na kailangan gawin ko, kaya naman lumabas na ako sa apartment. Paglabas ko wala pa naman masyadong tao, I dunno kung masyado pa ba'ng maaga o mga tamad lang gumising mga kapitbahay ko? But, I don't care. Bahala sila,
Nakatayo ako ngayon sa mag bandang kanto nang village na pinagtitirhan ko, kailangan ko kasing maghintay ng taxi.
Actually meron naman akong kotse at driver, kaso diba nga nagpapaka- independent ako kila mommy kaya diko nalang sinama. Kaya ngayon? Yiis ganda ang beauty ko, Hays.May nakita na akong taxi na paparating sa may pwesto ko, kaya naman sumensyas ako ng " Para "
Huminto naman yung taxi at doon ay sumakay nako '" Walker's University " Pagkasabi ko nun tumango si manong na ibig sabihin ay na iintindihan niya.
Habang nasa byahe ako, nilabas ko yung phone ko at earphones ko para naman di ako mabored sa byahe medyo malayo pa naman.
Nasa kalagitnaan na kami ng byahe, nagulat nalang ako nang muntik na akong masalubsob sa may harapan na upuan.
Agad ko naman tiningnan si Manong driver ng masama." Ano ba yan kuya? Mag ingat ka naman! " Inis na sabi ko sa kanya, at saka padabog na sumandal sa kinauupuan ko.
" Sorry ma'am. Yung lalaking nakamotor kasi bigla nalang sumulpot sa daan. Pasensya napo " Paliwanag naman ni Manong. Diko nalang siya inimik, ayoko na masira ang umaga ko dahil sa kanya.
Nagsimula na niyang paandarin yung taxi, at habang umaandar tama nga si kuya may naka motor na lalaking naka uniform pa ang nasa gilid nang daan. Pinagmasdan ko siya habang umaandar yung taxi, sakto namang huminto yung taxi kaya pinagmasdan ko yung lalaki. Para siyang may inaantay, base nadin sa ginagawa niya. Diko nga lang mamukhaan kasi naka helmet, pero dahan dahan naman niyang itinataas yung helmet. At eto naman ako nag aabang kung ano itsura niya, kaso malas! Umandar na yung taxi, at diko na nakita yung itsura. Sayang, ano kaya itsura nun?
Mabilis naman kaming nakarating na sa may University, at binigay ko nadin yung bayad tsaka bumaba na.
Pagbaba ko napahanga ako sa laki ng gate nila, sa mismong gate makikita mo sa taas yung name ng school na pagkalakilaki." Kala naman nila bulag yung mga tao, " Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa taas nang name ng school.
Pinailing iling ko nalang yung ulo ko, diko na kailangan aksayahin yung oras ko sa kakatitig sa gate nila.
Kaya naman dumeretso na ako sa may entrance ng school," I.d? Bakit dika naka uniform? " Bungad na tanong sakin ng guard, kinuha ko naman sa bag ko yung I.d ko, at pinakita sa kanya.
" Di pa ako nakakabili, " Tipid na sagot ko, tumango naman si kuyang guard at saka ako sinenyasan na pumasok nako.
Pagkapasok ko palang sa campus, ginalagala ko muna yung mata ko. Oo nga malaki siya sa inaakala ko, may isang malaking fountain na tinatambayan ng iilang couples ba yun? Hay, maghihiwalay din yang mga yan! Walang forever nu?
Nagsimula na naman ulit akong maglakad, kailangan ko panghanapin yung room na nakalagay sa schedule ko. Pero mukhang mahihirapan ata ako, sa laki ba naman nito? Tsk,
" Tabi! " Bigla akong nagpanic nang may sumigaw, diko alam anong gagawin ko. Kaya bigla nalang akong napahawak sa dibdib ko.
" Aray! " Daing ko nang tumulak sakin mula sa likudan ko.
" Sabi ko naman kasi tabi e. Ok ka lang miss? " Napapailing na sabi nung lalaking tumulak sakin, hinarap ko naman siya na nagngingitngit yung itsura ko.
" Bwiset ka! Masakit yun ha! " Sa sobrang inis ko, binatukan ko siya nang pagkalakas lakas. Diko alam kung naalog ba yung utak niya.
" Sorry na nga miss e! Masakit yun ha? " Parang batang sabi niya sakin, habang napahawak pa sa ulo niya.
Magsasalita na sana ako nang may nagsalita sa gilid niya,
" What's going on? " Napatingin ako doon sa nagsalita," Binatukan niya ako Drick, " Parang bata naman na nagsubong tong lalaking tinapa na to!
" Miss bago ka lang dito ha? Gumagawa kana nang eksena. " Cold na sabi nung lalaki sakin, nagsalubong na naman yung kilay ko.
" Wow? Ako pa talaga ha!? Tanungin mo nga yang hito mong kaibigan anong nangyari! " Medyo nagtaas na naman yung boses ko, at nakakuha na kami nang atensyon.
" Wala akong ginagawa sa kanya drick! Nasanggi ko lang e, nagsorry naman ako " Sumbong pa niya ulit, tiningnan naman ulit ako nung drick. At umabante sa harap ko,
" Umayos ka kung ayaw mong mapaalis dito, I don't tolerate that attitude " Nakangisi niya pang sabi. At aba! Sino ba to'ng isang to!? Na kung makapanakot sakin kala mo kung sino!
" Hoy lalake? Kung sino ka mang epal ka, just shut your f*cking mouth! Di mo alam ang buong kwento, kaya wag kang magmarunong. " Diko na talaga napigilan ang sarili ko, bigla na namang nagbulungan yung mga studyanteng nakapaligid samin na gulat sa nangyari,
" at ikaw na hito ka? Isa pang pagsisinungaling mo, baseball bat na ang ipapalo ko sa ulo mo! " Banta ko sa kanya bago ako umalis sa harap nila, bakas naman sa itsura niya na natakot siya. Aba! Dapat lang no?
Medyo di pa ako nakakalayo nang marinig ko yung lalaking hito na nagsalita,
" Nakakatakot siya, sino ba siya? "
BINABASA MO ANG
TRUTH OR DARE
ActionThis is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of this story may be repro...