Max's Pov
Nasa labas na ako ngayon ng apartment ko, inila-lock ko nalang yung pinto ng apartment ko' mahirap na kasi baka may magnakaw.
Ipinasok ko na sa bag ko yung susi ng apartment ko, at nagsimula na maglakad sa labas para maghintay ng taxi.
At di nagtagal ay may pumara na sa harap ko, at kaya naman ay pumasok nako para magpahatid." Bayad ho " Abot ko nang bayad ng makarating na kami sa university, diko na din hiningi ang sukli' kasi bente pesos lang naman yun e.
Nagsimula na ako maglakad sa may entrance, at pagkatapos kong macheck ng guard ay pumasok nako.
Habang naglalakad ako sa hallway, diko padin maipagkakaila na nakatingin ang iba'ng istudyante sakin.
Di padin sila nakakamove on na sa nangyari, grabe naman! Isang linggo na ang nakakalipas, ano ba'ng problema nila." Hi Max! " Napatingin agad ako sa may kaliwa ko, at doon ko nakitang sumulpot si Kesha na may hawak na kape ng Starbucks.
" Kape na naman? Di ka kaya maging nerbyosa nyan? Tsh. " Sacrastic na sabi ko, at inirapan siya. Nginisian niya lang ako at di man lang sinagot ang pang asar ko.
Naglalakad kaming sabay ngayon papunta sa may elevator, at a usually nang makita ng iilang istudyante na papasok na sa elevator si Kesha ' nagsi layuan sila at di na tumuloy. Kaya kami naman ang pumasok sa loob, ako ' si kesha at ang operator ng elevator lang ang nandoon.
" Iba ka talaga, " Nakangisi kong sabi, at ang loka ngumiti lang at nagsalamin na,
Nang huminto na ang elevator sa floor kung saan kami, diko inaasahan ang makikita ko.
Nakatingin lang siya sakin at diko alam kung ano ang gusto niyang iparating, pero base sa nakikita ko sa mata niya may gusto siyang sabihin." Hi. Jeff ~ " Biglang bati ni kesha, habang nagbu- beautiful eyes pa. Tsh,
" Let's go kesh. Malalate na tayo, " Cold tone na pagsasabi ko sabay hila kay kesh na nagpapacute pa kay Jeff,
-
Drick's Pov
Naglalakad kami ngayon nang barkada papunta sa may elevator, nagkayayaan kasi kaming kumain muna' tutal maaga pa naman.
Nang makarating kami sa may tapat ng elevator, naghihintay nalang kami na bumukas. Pero diko inaasahan ang makikita ko mula sa loob ng elevator,
Nakatingin lang ako sa kanya, bakas sa itsura niya na nagtataka siya kung bakit ako nakatingin sa kanya.
Diko alam bakit gusto ko siyang titigan, may kakaiba kasi sa mga mata niya na gusto ko malaman. Nawala lang ang pagtitig ko sa kanya ng magsalita si Kesha." Hi jeff ~ " May pagkaflirting tone na bati niya kay jeff, at ang mokong naman kumindat pa. Gustong gusto naman niya' tsh
" Let's go kesh. Malalate na tayo, " Cold tone na bigkas niya sabay hila kay kesha. Gusto ko man siyang hilain para makipag usap ' pero diko magawa.
" Galit padin siya sayo " Biglang sabi ni Daniel, kaya naman napatingin ako sa kanya.
" Don't mind her, let's go. " Walang gana kong sagot at nauna na akong naglakad papasok sa elevator.
Sumunod naman sila sakin,-
Nakarating na kami ngayon sa may cafeteria, at walang masyadong istudyante' kasi class hour nadin.Habang naglalakad kami sa may pwesto namin, nagpaalam si Gio at Jeff na sila na ang bibili ng pagkain' kaya naman kaming dalawa nalang ni Daniel ang naiwan.
" mukhang ang lalim ng iniisip mo bro ha? " Puna sakin ni Daniel, napataas naman ang isang kilay ko.
" pinagsasabi mo? Nako, gutom lang yan bro " Biro ko, kung ano ano kasi pinagsasabi.
Bigla naman niya akong binato ng tissue niya, at saan naman nang galing yun!? Natatawa naman siyang nakatingin sakin, kasi alam niyang nandidiri ako sa tissue na binato niya' at alam kong ginamit niya yun bago ibato sakin.
" Ang arte mo bro, malinis yon ' kung yung ang iniisip mo! " Paliwanag niya, habang tuloy padin ang pagtawa.
Mga ilang minuto ay dumating nadin sila Gio at Jeff na may dalang tray, at nang makarating sila ay saka na naman namin pinagkukuha ang mga pagkain namin.
Habang busy kaming kumakain, nagulat nalang kami nang may hingal na hingal na babae ang nasa tapat namin ngayon. Kunot noo ko siyang pinagmamasdan,
" Drick I need your help, " Sinasabi niya yan sa pagitan ng hingal niya, diko mapigilan ang mapatawa. Kaya naman yun ang dahilan ba't nakakunot ang noo niya,
Inayos ko ang uniform ko, at ibinaba ang kinakain ko' sabay harap sa kanya.
" Kala ko ba walang pakialaman? Ba't ngayon humihingi ka ng tulong ko? " Nakangisi kong tanong, halata ko sa kanya na pinipigilan niya ang magwala. At nakakatuwa lang kasi kakapigil niya, namumula na siya." Ano ba'ng problema max? Kung ayaw ni drick, kami nalang tutulong sayo. Diba bro? " singit naman ni Daniel, habang pinagtitingin sila Gio at Jeff,
" Kahit inaway moko, sige tutulong ako " Pagsang ayon naman ni Gio, at busy na pinagpatuloy kumain ng burger.
" Me too, " Sagot din ni Jeff, at kinindatan pa niya si Max.
Napabuntong hininga naman si max,
" Thankyou sa offer, pero ... si drick lang ang makakatulong sakin' sorry. " Malungkot na paliwanag naman ni Max," Bro pumayag kana, mukhang kailangan talaga ni Max eh. " Suhol naman ni Jeff,
" Ok. In one condition, " Nakangisi kong sabi, anong akala niya' uso ang libreng tulong? Tsh, asa!
" Ha? S-sige... Ano ba yun? " Nauutal na tanong niya , sinenyasan ko siyang may sasabihin ako . Kaya naman ibinulong ko sa kanya ang kapalit,
" WHAT!? SERYOSO KA!? "
BINABASA MO ANG
TRUTH OR DARE
AçãoThis is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of this story may be repro...