Max's Pov
Kakalabas ko lang nang library, nagbasa basa muna kasi ako para naman di ako ma boring ' kasi wala na kaming klase. Diko din sinipot yung unggoy, wala akong pakialam sa kanya.
Medyo malapit nako sa may gate nang may naaaninag akong di kanais nais,
" Sh*t! Anong ginagawa nila dito!? " Bulong ko, sabay tago sa may gilid nang malaking halaman. Buti nalang at malaki ang halaman dito' kundi ay makikita nila ako.
Kailangan kong makaisip ng paraan para makatakas sa mga yun, di nila ako pwedeng makita. At nagtataka lang ako bakit nalaman nilang dito ako nag enrolled?
Nagsimula na akong maglakad dumaan ako sa may bandang likod ng university, may isa pa kasing gate doon na maliit ' doon dumadaan ang mga workers dito. Doon nalang ako lalabas' mamuti mga mata nila kakahintay sakin!
Malapit nako sa may gate kaya naman tinakbo kona, pero nang teteng oh!
" Bitawan niyo ko! Ano ba! " Sigaw ko, bwiset yan! May mga nagbabantay din pala dito, ang tanga ko! Diko na isip na maiisip nila na baka tumakas ako! Urgs!
" Boss, hawak na namin si Señorita! " Pagbabalita naman ng isang lalaking may hawak sakin, narinig ko pang paparating nadin siya kung nasaan kami.
Hilahila ako ngayon nang tatlong lalaki, naglalakad kami ngayon sa loob bg university. At dahil mukha akong hinuli na may kasalanan, mga tingin sakin ng mga istudyante ay halatang naguguluhan.
Nakarating kami ngayon sa may tapat ng fountain, dahil kararating lang din ng Boss kuno nila. Tsk,
" Long time no see, señorita. " Nakangising bati sakin niya sakin, nginisian ko naman siya.
" Drake.. " Matabang na pagkasabi ko sa pangalan niya,
Akmang lalapit siya sa akin ng malakas kong tinapakan ang paa ng isang bodyguard na nakahawak sakin' nabitawan niya ako kaya naman yun ang naging way ko para tumakas sa kanila.
" Ano pa'ng hinihintay niyo!? Habulin niyo siya! Mga inutil! " Narinig ko pang sigaw ni Drake, kaya naman binilisan ko pa lalo ang pagtakbo.
Medyo nakakalayo na ako sa kanila at nakikita ko nadin ang gate ng university. Yes! Makakatakas din ako, konting tiia nalang!
*BOOGS!*
" Bwiset! Paharang harang ka!? " Sigaw ko kahit di ako nakatingin sa kanya, at nang nakatayo nako ' bigla akong napatingin sa kanya at nanlaki ang mata ko.
" Sh*t! Sorry! Ayos ka lang ba? " Madali ko siyang tinulungan tumayo at kinuha ang saklay niya na tumilapon sa di kalayuan.
" Ok lang, kasalanan ko. Ang bagal ko kasi e, sorry. " Paumanhin niya sakin habang inaayos ang pagtayo niya '
" Wag ka'ng magsorry ' kasalanan ko. Pasensiya na' nagmamadali kasi ako e. " Paliwanag ko, ngumiti lang siya sakin at saka ko inabot ang bag niya.
" Ayun siya! Hilihin niyo !" Bigla akong nagpanic ng marinig kong andyan na ang mga humahabol sakin.
" sorry ulit! " Huling sabi ko at saka tumakbo ulit sa may papuntang gate.
Kaso kala ko wala na akong problema at makakalabas na ako sa may university, pero mali ako! Bwiset yan! Ang daming backup nila,
" Wag mo nang pilitin pa'ng tumakas Max, ikaw ang mahihirapan sa mga pinag gagawa mo. " Tiningnan ko ang lalaking nagsalita na papalapit sa kinatatayuan ko,
Sobra akong naiinis sa lalaking epal na papalapit sakin, diko alam bakit kailangan ko pa makita ang mga katulad niya. Pero mukhang wala nga talaga akong kawala, dahil kahit napakalayo ko sa kanila nagawa pa nila akong mahanap
" Lumayo na nga ako, nakita niyo padin ako? Matyaga kayo. " Nakangisi kobg sabi nang makalapit siya sa harap ko,
Nagsilapitan na ang mga bodyguard na kasama niya, at dahil halos pitong bodyguard ang nakapalibot samin' nag atrasan ang mga istudyante na nakakakita sa amin. Yung iba ang nag si takbo, siguro natakot dahil may mga baril silang nakita .
" Of course my love. Para sayo' " Mapang asar na sagot niya, diko na talaga napigilan na mainis sa inaasal niya sakin.
Akmang susugurin ko siya at may ilalabas sa may bulsa nang biglang nag si alerto ang mga bodyguard na kasama niya, at bigla na akong tinutukan ng baril.
Dahil sa pangyayaring nakita ng mga istudyante, bigla silang nagpanic at nagmamadaling nagsitakbuhan. Nanatili padin akong hinaharangan ng mga peste niyang bodyguard,
" Anong kailangan mo sakin? " Tanong ko, pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. Baka kasi totohanin ng mga gag*ng bodyguard niya na iputok sakin ang baril' pagnasaktan ko ang amo nila.
" Simple lang naman, maging tayo ulit. " Casual na pagkakasabi ni Drake, bigla naman akong natawa sa narinig ko.
" At sa tingin mo ba papayag ako? " Nakangisi kong sabi.
" Bakit may pinagmamalaki kana ba sakin? " Sabi niya, habang binibigkas niya yan nakatingin siya sakin na nakangisi at papalapit sakin. Bigla akong nakaramdam ng kaba, Sheez! Lord, tulong po!
" Lumayo ka sa kanya. " Biglang naagaw ng atensiyon ni Drake, ang lalaking nagsalita.
" Oh! Wag mong sabihin ito ang pinagmamalaki mo sakin Max? Ito ba? " Pangmamaliit naman ni drake sa lalaking nagsalita, agad ko naman tiningnan kung sino ang tinutukoy niya. At halos mapalaki ang mata ko nang makilala ko siya,
" Drick? Ginagawa mo dito? " Pabulong na sabi ko, sapat na para marinig niya.
Lumapit sa akin at ang atensyon nang mga bodyguard ay tumutok na sa kanya, sakanya na nakatutok ang baril kaya naman hinarangan ko siya.
" Ako nga. May angal ka? " Nakangisi ding sagot ni Drick, halata naman sa mukha ni Drake na nainis siya sa inasal ni Drick.
Agad na sinugod ni Drake si Drick at bigla niya itong kinuwelyuhan,
" Matapang ka, ano ka ba si Maxine ' " Tanong ni Drake." Boyfriend niya may problema ba? " Sagot ni Drick. Napakunot naman ang noo ko, ano bang pinagsasabi nitong unggoy nato!
Pilit na tumawa si Drake at saka binitawan si Drick.
" Siguraduhin mo lang na ikaw lang ang magiging boyfriend niya. Dahil sa oras na mapasakin siya, papatayin kitang maangas ka! " Banta ni Drake sabay lumisan na sa harap namin ni drick,Nang makalayo na sila Drake' tsaka naman dumating ang tatlong barkada niya.
" Anong nangyari dito? " Tanong ni jeff,
" Ayos lang ba kayo? Ikaw ba max , wala ba'ng masakit sayo? " Nag aalalang tanong ni Daniel sakin, diko siya pinansin at itinoon nalang ang tingin kay Drick.
" Ano ba'ng problema mo ha!? Ang hilig mo nalang makisali! Bwiset ka! Pwede wag ka nang makisali ha! " Sigaw ko sa kanya, diko na kasi mapigilan manis sa ginawa niya kanina.
" Dapat nga magthankyou kapa sakin e! " Sagot naman niya,
" Wow? Thankyou ha! Dahil sa pakikialam mo, mapapahamak ka! " Sa sobrang inis, nagwalk out nalang ako
--
BINABASA MO ANG
TRUTH OR DARE
ActionThis is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of this story may be repro...