Chapter 4

0 0 0
                                    

Max's Pov

Apat na araw na ang nakakalipas nang mangyari yung pagtambay ko sa may detention room, at sa apat na araw na rin yun ay buti nalang di ako napagtripan o ininis ng unggoy.

" Max! Wait lang, sabay na tayo. " Napalingon naman ako sa babaeng tumawag sa akin, patakbo siya'ng lumapit sa kinatatayuan ko.

Nang makarating siya sa tabi ko, diko na siya inimik at nagsimula na ulit maglakad. Narinig ko pa nga siya'ng may binubulong, kaso hinayaan ko nalang.

Naging kaibigan ko na rin si Kesha, simula nadin ng araw na parehas kaming na detention. At napagkaalaman ko din na pamangkin siya ng may ari ng university, kaya naman ang mga mata ng mga chismosang istudyante dito ngayon ay nakatingin sa amin. Siguro nagtataka sila bakit magkasama kami, pero wala akong pakialam sa feelings nila.

Nang makarating kami sa may tapat ng elevator, siniko ako ni Kesha kaya naman napatingin ako sa kanya.

" Anong section mo ulit? " Tanong niya, habang busy na nagsasalamin.

" Rose101A, bakit? " Sagot ko naman, nag " ah " lang siya at saka inayos ang sarili kasi isang floor nalang ay lalabas na siya.

Nang makarating na kami sa floor kung saan siya, nginitian ko nalang siya bilang goodbye. Kala ko naman ay lalakad na siya ng deretso, kaso ang bruha huminto pa sa may mismong gitna ' kaya yung ilang studyante na papasok sa elevator ay nanatiling naghintay.

" Umalis na nga dyan, may mga dadaan. " Pagtaboy ko sa kanya, kasi totoo naman no. Mga mukhang nagmamadali nadin ang iba, kaso syempre kinatatakutan si Kesha dito' kaya wala silang magagawa kundi maghintay.

" Starting tomorrow, we will become classmates dear. Promise' sige pumasok na kayo " Sabi niya saka tuluyan ng lumabas sa may elevator. Nanatili pading nagsisink in sa utak ko kung ano mga sinabi niya, at nagtataka din ako kung anong dahilan?

*THING!*

Lumabas nalang ako sa may elevator, at iniling iling ko nalang yung ulo ko. Baka nagbibiro lang yung babaeng yun, mahilig pa naman mangbiro nun.

Nang pinihit ko na yung door knob, nasa loob na ng room ang iilang classmates ko. Di naman kasi kami ganun kadami, actually mga nasa 20 lang kami sa isang section.

Tumungo na ako sa may pwesto nang upuan ko, pero bago pa ako makaupo ay napatingin ako sa may bandang likod. Diko alam bakit napatingin ako, pero anong ba'ng pakialam ko kung wala pa sila? Mabuti nga yun kasi diko makikita ang mga nakakasura na itsura ng mga yon.

" *Ehem!* " Napatingala ako sa may bandang gilid ko, at nasa harap ko ngayon ang president namin na si Marco.

" May kailangan ka? " Tanong ko, may kinuha naman siya sa may bulsa niya at inabot sakin.

" May nagpapabigay sayo, kubg tatanungin mo kung sino? Miske ako diko alam, diko kilala " Naka poker face lang siya sakin habang nag eexplain, at saka umalis na sa harap ko.

Diko alam kung maiinis ba ako sa inasta niya sakin o mabu-bwiset? Ay, mukhang pareho lang ata yun! Hays. Badtrip nga kasi talaga siya, ang weird.

Binalik ko na ang tingin ko sa may maliit na envelope ang tingin ko, kumunot naman noo ko at wala kasi akong kaide- idea kung sino? o anong meron bakit may ganito akong nakuha. Pero paano ko ba malalaman kung diko bubuksan? Hay.

Pinunit ko na sa may bandang taas ang envelope,  at pagbuklat ko ay may nakita akong isang papel. Kinuha ko naman ito at saka binasa ang laman.

' lunch time , at gymnasium, we need to talk. - Drick '

Napataas naman ang isang kilay ko at bakit naman niya ako kakausapin aber? Meron ba akong dapat marinig sa kanya, baka naman gusto lang ata akong pagtripan!
Oo tama! Gusto lang akong pagtripan ng unggoy na yun,

" Manigas ka! " Sabi ko at sabay lukot ng papel na hawak ko. Diko kailangan makipagkita sa unggoy na yun, baka yung goodvibes ko mapalitan ng  badvibes ' kasi makikita ko siya.

*BEEP!*

" Sh*t! " Napamura ako nang mabasa ko yung message nadumating, inis kong binalik sa bulsa ko ang cellphone ko at tumingin na sa harap.

Di nagtagal dumating nadin ang prof namin, pero di padin pumapasok yung mga magbabarkadang unggoy. Sana di na sila pumasok, nakakasura itsura nila!

------

Drick's Pov

" Bro, seryoso ka ba'ng maghihintay padin  tayo? Mukhang di naman na dadating, " Naiinip na reklamo ni Jeff,

" Sino ba hinihintay natin dito? Di niyo man lang sinasabi sakin, " singit naman ni Gio na busy na naglalaro sa cellphone niya.

" Di mo magugustuhan pag nalaman mo, diba drick? " Nakangising asar ni Jeff. Napapailing nalang ako sa kalokohan nito,

" Sus, wag ako mga tol. " Nakangising sagot naman ni Gio. Pasimple akong napangisi, wala kasing ka ide- idea si gio ' kaya naman ang lakas ng loob niya. Pero siguro pag nakita niya ang pinapapunta ko, tumiklop siya.

" Ba't ngayon ka lang? " Napatingin naman ako sa papalapit na si Daniel. Mukhang badtrip siya, base nadin sa itsura niya.

" Ano ba'ng balak niyo? " Seryosong tanong ni Daniel samin, nagtaka naman ako sa pinagsasabi niya.

" Ano ba'ng sinasabi mo? Tsaka, kung badtrip ka' wag mo samin ibunton. Bar nalang natin yan! Dida drick? " Masayang pagpapaliwanag ni Jeff, nanatili namang walang emosyon si Daniel.

" Ano ba'ng sinasabi mo? " This time ako na ang nagtanong, naguguluhan kasi ako sa kinikilos niya.

" Anong kailangan niyo kay Max, at bakit pinapapunta niyo siya dito? Pagtitripan niyo ba? Kung oo ' wag niyo nang ituloy di nakakatuwa. " May halong inis ang pagsasabi niya, natawa naman si Jeff ' kaya naman tiningnan siya ni Daniel nang matamin.

" Kumalma ka nga, pinapapunta ko siya dito para magsorry ako. Happy kana? Di ba yan naman gusto mo? " Sagot ko. Nang marinig naman niya yung sagot ko, agad naman nagbago ang itsura niya.

" Pasensya na bro. Eh nasan na siya ngayon? " pag iiba niya ng topic,

" Yun na nga pinagtataka namin e. Isang oras na kami naghihintay, di naman dumadating. Siguro di na ata pupunta yon, " Si jeff na ang sumagot, at umupo naman si Daniel sa tabi ni Gio.

Bigla kaming napatayo nang magsigawan ang mga istudyante ' at kaya naman nagmamadali kaming lumabas ng gym. Nagkakagulo ang mga tao, di namin alam saan patungo ang iba.

" Anong nangyayari dito!? " May hinilang isang istudyante si Jeff,

" May transferee na tinutukan ng baril ngayon ng mga di kilalang lalaki !  Andon sila sa gate! " Nagpapanic na sagot niya ' at saka pilit na kumawala sa pagkahawal ni Jeff sa kaniya.

Bigla akong nakaramdamm ng kaba, diko alam kung tama ba yung nararamdaman ko. Pero wala na akong oras, kaya agad tumakbo nako para pumunta sa may gate.

" Drick! Bumalik ka dito ! Dilekado! " Sigaw ng mga barkada ko, pero diko sila pinakinggan at sige lang ang takbo.

Kailangan ko maabutan yon...
Di ako pwede mahuli!

*

TRUTH OR DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon