Chapter 2

4 0 0
                                    

Drick's Pov

Nandito kami ngayon sa may tambayan, at kanina pa di tumitigil sa pang aasar yung mga iba kong kaibigan kay Gio.

" Kawawa ka naman Giobaby, pinaiyak ka ng isang babae? Huhuhu " Pang aasar ni Jeff kay Gio. Bumusangot naman ito,

" Di ako umiyak no! Tanungin niyo pa si Drick! Nagulat lang ako, " Pagtatanggol naman ni Gio sa sarili niya,

" Sus, kung di ata dumating si Drick kanina baka naihi kana sa pants mo. " Asar naman Daniel, bigla na namang nagsitawanan ang dalawang gunggong. At syempre bigla namang tumayo si Gio tas nagwalk out,

" Mga gunggong talaga kayo. Pinagtripan niyo pa, baka umiyak talaga yon " Komento ko naman sabay inom ng coke in can.

Nagtatawanan namang lumapit silang dalawa sa pwesto ko, at nagsikuha din ng coke saka umupo sa sofa.

" Pero maiba tayo bro, ano ba talaga nangyari? " Tanong naman ni Daniel, habang umiinom ng coke.

" I think it's Gio's fault. Kasi base sa reaksyon nung babae, sobra siyang galit na galit kay gio. " Paliwanag ko, habang pinapaikot yung can sa table.

" Ahhh... Pero maganda? " Bigla ko naman binato kay Daniel yung In can na wala nang laman. Loko to? Kahit kelan babaero!

" Yan kasi! Ang babaero mo talaga! " Natatawang asar nama ni Jeff sa kanya, napakamot naman si Daniel sa ulo niya.

" Pero di nga? Kilala mo ba siya? Kasi parang nakakagulat lang na may nagpahiya kay Gio at lalo na sayo alam mo namang kilala tayo. " Nagtataka naman na tanong ni Jeff,

" Actually mukhang freshman student siya. I think SHS yon, at di pa ata tayo kilala kaya ganon " Casual na sagot ko, tumango tango naman siya.

" I want to meet that girl, " Out of nonwhere, bigla nalang nagsabi si Daniel. Tingnan ko naman siya kung seryoso ba siya?

" Sus, wag kami Gomez. Alam namin yang galawan mo, " Nakangising asar naman ni Jeff kay Daniel.

" Di bro seryoso ako, base kasi sa mga kwento mo ' parang iba siya sa ibang babae. " Sabi naman ni Daniel, at base sa itsura niya seryoso nga siya.

" Bahala ka. It's your choice man! Good luck nalang!  "  Natatawang sabi naman ni Jeff, at saka uminom nang coke.

-

Naglalakad na kami ngayon papunta sa may Building A, doon kasi ngayon yung room namin. Habang naglalakad kami may isang babae akong nakita, mukhang naiirita siya at halata naman sa ginagawa niya kasi para siyang bata na nagpapadyak sa sahig.

"Uy bro? Nakikinig kaba samin? " Napabalik naman ako nang tingin kay Jeff, kinakausap niya pala ako diko narinig.

" Ha? Ano ba yun?  " Tanong ko, habang nakatingin ulit sa pwesto nung babae.

Diko namalayan na sinundan pala ni jeff yung tingin ko,
" Kaya naman pala...  Sino yang tinitingna mo ha? " Tukso sakin ni Jeff, pati din si Daniel napatingin nadin sa tinitingnan ko .

" Chicks yun bro ah? Kilala mo? " Usisa naman din ni Daniel,

" Siya yung kinukwento ko, " Pagkasabi ko nun biglang nagliwanag yung mukha ni Daniel at nagayos na nang uniform.

" Sandali lng ah? May pupuntahan lang ako, " Nagmamadali na paalam ni Daniel at saka tumakbo sa pwesto nung babae.

" Hay kahit kelan talaga yang si Daniel, walang pinapalampas " Nakangiting napapailing si Jeff, pero ako nanatili pading nakatingin don sa babae.





*

Daniel's Pov

Nagmamadali akong tumakbo sa may babaeng tinutukoy nila Drick, at kahit malayo ang ganda niya. Diko nga alam bakit naisipan ko na puntahan siya ngayon, pero feeling ko lang gusto ko siya makilala.

" Hi miss! " Masiglang bati ko sa kanya, napatigil naman siya sa pagtatadya na ginagawa niya at nakabusangot na tumingin sakin.

" Who you? " Tanong niya,
Grabe ang cute niya kahit nagtataray siya,

" Ow, I'm Daniel Gomez. And you? " Nakangiti kong pakilala,

" Maxine. " Pagkasabi niya nang pangalan niya inabot ko naman yung kamay ko para makipagshakehands, ngunit tinignan niya lang

" Ang friendly mo nama masyado " Nakangisi niyang sabi, at saka inirapan ako.

Binawi ko na yung kamay ko na inoffer ko, halata naman kasing wala siyang balak kunin. Pero ok lang atleast kahit tinatarayan niya ko, nalaman ko naman yung maganda niyang pangalan.

" Ehem! May problema kaba? " Tanong ko, para naman marinig ko ulit yung boses niya.

" Naliligaw kasi ako, alam mo ba yung Rose101A? " Tanong niya,

Napangiti naman ako, akalain mo yun oh? Magkaklase pa pala kami! Ang lakas talaga nang mga gwapo kay god.

" Yup, Actually same tayo nang section. Gusto hatid na kita? " Offer ko, lumiwanag naman yung mukha niya.

" Sige ba! Tara na, baka late na tayo. " Masayang sabi niya at saka ako hinila mula sa braso.

Feeling ko para akong tanga ngayon, kase habang hilahila ako ni Max nakangiti ako. Diko lang kasi maisip na ganito kaagad kabilis na maging friends kami. But? I dunno kung friends naba kami,

" Daniel! San punta? " Napahinto kami nang tawagin ako ni Jeff, nakasunod pala sila sa amin.

" Hatid ko lang si Max sa room namin, " Sagot ko.

" Aba? Kakakilala niyo palang iko-kwarto muna? Bangis mo talaga Niel! " Bigla ko naman binatukan si jeff kung ano  pinagsasabi baka anong isipin ni Max,

" Ikaw na naman!? " Napatingin ako kay Max nang magsungit siya, tiningnan ko san siya nakatingin at yun ay kay Drick.

" Yes It's me. Miss me? " Nakangising asar ni Drick. Nagkunot kilay na naman si Max.

" Miss Missin mo mukha mo! papasok naba tayo daniel? " Napatango naman ako.

" Oo. Sige mga dude, una na kami ah? Sunod nalang kayo, " Sabi ko at saka hinila si Max,

Nang makarating kami sa may tapat nang room ni Max, pinagbuksan ko na siya nang pinto. At nang pagbukas ko ang maingay na classroom, biglang tumahimik na nakatingin samin.

Di naman pinansin ni Max ang mga tingin at bulungan nila, basta dirediretso lang siya sa pag upo. Ganun din ginawa ko at sumunod sa may pwesto niya, nagsimula na naman yung bulungan.

' siya yung babae kanina sa hallway diba? '

' ba't kasama niya si Fafa daniel? Sila ba!? '

' bago lang siya pero nagpapakita ng kalandian, tsk! '

' Andyan na sila drick. Tahimik! '


Usual tumahimik sila nang makita nilang pumasok sila drick, at nagsiupo na sila sa may pwesto namin sa likod. Alam kong nagtataka sila bakit diko katabi yung mga yun, pero wala silang paki' basta enjoy akong katabi ko si Max.

" Goodmorning class! I'm your adviser, Mr.Agno. " Nagulat nalang kami nang sumulpot nalang bigla yung prof namin.

" so? Introduction lang ang gagawin natin, tell us who you are and what you want ' or what you hated most. umpisahan mo " Sabay turo kay Max. Hindi naman nagulat si Max nang  tinuro siya, tumayo na siya at saka pumunta sa harap.

" I'm Maxine Flores, 17 years old, ayoko nang mga epal. That's it," Pakilala niya, at habang naglalakad siya pabalik sa upuan niya ' diko mapigilan na bumilib sa pagka cool niya.

' Ang hot niya, '

TRUTH OR DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon