Nakakalungkot dahil uumpisahan ko ang pagsasaad ng kuwento ko sa isang nakakabagot at bwisit kaganapan. Sino ba namang di mababanas, Seatmate ko lang naman Tong madaldal na walang Common sense. Anak ng tokwa. Ang suwerte ko talaga at Seatmate ko Tong si Jude De Guzman.
"Cyrene Davis." Tawag sa pangalan ko ng aking magaling na tagapayo. Sumenyas siya na lumapit ako sa kanya. Edi malamang lumapit ako. Alangan namang tumayo lang ako dito. Psh. Sungit ba? Ganun talaga. Banas pa din ako sa Seatmate ko e.
"Paki dala ito sa Grade 12 na section D. Ibigay mo sa Teacher nila" sabay abot sa akin ng isang Brown Envelope.
"Okay po" sagot ko sabay labas ng Classroom. Kaasar din itong Adviser ko eh. Ako pa talaga uutusan niya eh. First day na first day nababanas ako.
Baka makasapak ako nito e.
Dumaan muna ako sa mga Grade 10 na kabatch ko.
Last year ko na to sa Junior High. Gusto ko na Habulin ang aking misteryosong kuya at pinsan kong baliw na pinaglihi sa clown na mas maarte pa sa lahat ng babae .
Lakad lang ako ng lakad ng mapunta ako sa Fores--- joke lang.
Sa second floor pa yung section D na Grade 12.
Teka. Nandoon si kuya at Primo (pinsan ko)
Okay ang bilis ko maglakad. Ang saya talaga si Primo yung bumungad sa akin.
"Cyrene Davis" Ayan na si Primo.
"Ano?" Pagsusungit ko sa kanya kahit sa totoo lang gusto ko talaga siyang sungitan. Bakit ba ang pangit ng first chapter nito? Puro pagsusungit. Wiz!
"Tignan mo nga yang blouse mo. Ayusin mo yung kwelyo mo, tas tignan mo. Ba't di ka gumamit ng polbo? Hay! Ang putla na ng labi mo! Maglip balm ka nga ta-"putol ko sa kanya.
"Tapos na, Juancho Primo Davis. Ba't ba nasa labas ka? I mean, Ba't ang pangit ng bungad sa 12-D? " Tanong ko sa kanya. Sinimangutan lang ako ng Primo. Oo di ko siya tinatawag na Kuya Primo. Maliban na lang kung may kailangan ako. Ang saya hindi ba?
Kabibigay ko lang ng Brown Envelope nakita ko si Kuya Cyrus na nasa usual na mukha niya. Isang mukhang nagsusumigaw sa bawat lalapit sa kanya na "Don't-talk-to-me-So- get-lost" look ni Kuya Cyrus.
Di ko na siya pinansin. Bahala siya. Palagi lang naman akong binubulyawan niyang si Kuya. Sapakin ko siya e.
Na akala mo namang magagawa ko. Eh manghiram pa nga ng headphones minsan sa kanya nanginginig na tuhod ko. Di kamukha ni Primo. Kahit ang arte nakakausap ko naman.Bumalik na ako sa Room ng 10-G Classroom namin.
"Oh! San ka galing Cyrene?" Tanong ni Jude. Di ko siya pinansin.
Ang buong araw ko ay boring
**
"Class Dismissed" Sabi ng last subject namin.
Gusto ko sana sumigaw ng "yowhoho!" Kaso nakakahiya.
-
"Sabay ka na sa akin Cyrene. Alam ko namang tatanga-tanga ka sa daan e." Sabi ni Primo sa akin."Concern ka ba sa akin o ginagawa mo lang na Way to para sabihan akong tanga?" Tanong ko sa kanya.
"Uhm. Both?" Di sigurado niyang sabi.
"Ah! Wag nalang nga ako sumabay sayo!" Sigaw ko sabay takbo.
Habang tumatakbo nabunggo ko si Kuya.
In fairness. May kasama siyang Girl.Huh? Bat may kasama siyang babae?
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing
RomanceWhich is which and what is what. Alin ang alin at ano ang ano. Mga tanong kung para kanino, para saan. Kung papipiliin ka . Kaligayahan o ang Tama? -Lunacyyy-