[Sandra]
"Bat mo ko pinagtataguan? " Tanong ni Cyrus sa akin.
Yay. I'm so takot kay Cyrus. He's so kabaligtaran kay Cyrene.
I just made a kibit balikat.
I'm nanginginig na here. Cyrene I need yah help!
"Sandra! Answer my question! Would you?" Shout naman uli netong si Cyruzorous.
"Because I'm Natatakot to you. Like D to the U to the H. You're gwapo but not mabait. I wonder kung Cyrene will-" I'm Natigilan dahil bigla niya lang ako hinapit sa braso.
"Shut up Sandra. You don't know anything. So please zip that mouth of yours"
I just make tango nalang.
[Juancho Primo]
Nakatulog na si Cyrene sa lap ko.
Oo. Ginawa akong kama ng kumag na to. pero laking pasalamat ko na din sa dahil di niya ako tinuturing na iba.
Napansin ko yung mukha ni Cyrene. Ang oily. Hay nako.
Hiniga ko na siya sa kama niya tas nakatingin lang ako sa Kanya.
Tas nagside na ako. Pumikit ako. Pinipilit kong kunin ako ng antok.
Pero ayaw? Pati ba naman antok ayaw ako kunin? Grabe.Kinuha ko nalang yung cellphone ko at nakita ko yung text ni Cyrus.
From: Cyruzorous
Hey. Tulog pa ba siya?
-end-
Send to: Cyruzorous
Oo.
-end-
He's so weak when it comes to her.
Eto inaantok na ako.
[ Cyrus ]
Sandra texted me
From: Stupid Sandra
I'm going to heaven of Panaginip ha? Dont make some talak okies?
-end-
Lihim akong napangiti sa simpleng mensahe ng babaeng 'to .
Kahit minsan nakakaasar siya magsalita. Hindi siya madaldal sa mga alam niyang konti sa akin.
At sa kapatid ko. Lately palagi nalang magkasama si JP at Cyrene. Bat nga ba ako naiinis? Hindi ko din alam.
Kase siguro kapatid ko siya. Tama. Kapatid ko lang kase siya.
Oo.
Hanggang doon lang iyon. Hanggang sa kapatid lang ang turing ko sa kanya. Kase hanggang doon lang pwede .
Hindi na pwedeng hihigit doon.
Kase kasalanan iyon . Oo.
**
Nakaabang ako sa hapag habang hinihintay si Cyrene.
Mag se- seven na ng umaga at nakarinig na ako ng yabag mula sa hagdan.
Nakita ko siya na nagsusuklay pa. Papunta dito kung nasaan ako.
Ng makaupo na siya pinilit kong wag siyang tignan. Pinilit kong pigilan. Kahit pakiramdam ko aatakihin ako dito kapag Tinignan ko siya.
"Morning" Sabi ng boses ni JP pababa ng hagdan, saka umupo na din sa harap ni Cyrene.
"Oh. Saan ka natulog JP?" Tanong ko sa kanya na akmang kakain na sana.
"Sa kwarto ni Cyrene" sagot niya sabay ngisi.
Nanlaki ang mata ko. Ang panget naman tignan nun. Babae si Cyrene at lalaki si JP.
Napatingin ako kay Cyrene na naka kunot noo pero di niya ako pinapansin dahil abala siya sa pagkain .
"Cyrene Altair Davis" I said in my warning tone.
Napatingin siya sa akin na walang emosyon ang mukha.
"Natulog si JP sa tabi mo?" Tanong ko.
"Oo. Anong masama doon kuya?" Tch.
"Kase siguro babae ka at lalaki siya?" Sarkastikong sagot ko sa kanya.
"Pinsan natin si Primo. So anong masama doon?" Tanong niya ng pabalik sa akin.
"Lalaki siya" Simpleng sagot ko.
Sasagot pa sana siya kaso
"Bahala ka kina mama mamaya." I said with a Smirk. Nagpout lang siya.
I WON
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing
RomanceWhich is which and what is what. Alin ang alin at ano ang ano. Mga tanong kung para kanino, para saan. Kung papipiliin ka . Kaligayahan o ang Tama? -Lunacyyy-