Chapter 1

394 7 0
                                    

Anika's pov

"Anika!!! Come back here right now!!"

Hahahaha, nagtataka kayo noh? Kung sino yung sinigawan ako at bakit. Ganito kasi yun....pfft! Hahahaha.

*FLASHBACK

Hayst! Pasukan na ulit...naglalakad ako sa hallway ng school ko. Pumasok nako sa bagong classroom ko. 4th year nako ngayon, hahahaha...nagbabalik ang Crazy Girl ng Campus.

Pagkapasok ko ng classroom, nagtinginan silang lahat sa akin. Well what can i say....hahaha kilala ako ng buong campus sa good looks ko, at syempre sa kalokohan ko hahahaha.

Umupo ako dun sa dulong-dulo always naman eh. Bumalik na sila sa mga ginagawa nila kanina. Nilabas ko naman yung phone ko at sinaksak dito yung earphones ko.

Nakinig ako ng favorite music ko. At pumikit lang ako, biglang may kumalabit sakit. Dumilat ako at nakita ko naman yung kaklase kong nasa harapan ko.

Lahat sila nakatayo at dun ko lang narealize ang dahilan kung bakit. Kaya pala nakatayo sila dahil nanjan na yung teacher.

"Ms. Anderson!" Tawag sakin nung teacher namin, at probably adviser namin ngayor school year. Siya ay walang iba kung hindi si Ms. Shiela Rodriguez ang teacher na napagtripan ko nun...hahaha lagot!.

"Yes ms.?!"

"Come here and give me your phone!"

Tumayo ako papunta sakanya, nagulat ang lahat kasi sumunod ako. Normally kasi hindi ko gagawin kasi baliw nga ako pero not literally na baliw. Anyways nagkakamali sila kung bakit ko sinunod si ms. Inabot ko kay ms yung phone ko pero agad ko na binawi.

"Oopss! Asa ka naman na bibigay ko tong phone ko sayo Ms. Shiela, mahal na mahal ko toh noh" sabi ko na bumelat pa

"What?!"

"Ay! Bingi lang? Hahaha, nako Ms. Shiela! Madami bang tutuli yang tenga nyo ho? Hahaha"

Nakita kong namumula na sa galit si Ms. Shiela. I took this as a sign na kailangan ko nang tumakbo. Tumakbo ako palabas ng classroom, narinig ko ang sigaw niya.

"Anika!!! Come back here right now!!"

*FLASHBACKS END

Tumigil ako sa may open field at naupo ako dun. Wala namang gagawin sa first day of school, so who cares. Anyways, hindi niyo pa ko kilala noh? Ako nga pala si....

Anika Bree Anderson, ang Campus Crazy Girl. Madami akong nakakaaway kahit sa labas ng campus. Madaming manliligaw, pero lahat sila hindi ko pinapansin. Madaming nagsasabi na ang cool ko raw dahil kaya kong magstand up sa teachers at kung ano ano pang dahilan kung bakit ang cool ko raw. Madami akong ginagawang kalokohan na pwede akong madisgrasya, kaya nga ako Crazy Girl eh....pfft! Hahahaha, uhmm ano pa ba.

May little brother ako grade 8 palang siya, name niya ay Kyle Blaze Anderson. Syempre kung ako naman ay maganda, siya naman ay pogi noh. Syempre! Nagmana kami kanila mom at dad eh. Mabait na bata si Blaze, sweet, loving, at caring siya, kaya lab na lab ko yun eh. Never niyo siyang tatawagin na Blaze pag hindi ka niya ka-close nagagalit yun, jusko daming kaartihan ng kapatid ko.

Mother ko naman ay isang successful na Actress kahit anong ipaggawa ng director kay Mom nagagawa niya, successful Model rin si Mom madami siyang trophy and she's also a Fashion designer madaming magandang design si Mom, lahat ng damit ko ay design ni Mom syempre anak niya ko eh...ang gaganda kaya ng designs ni Mom. Ang Mom ko ay may iba't-ibang lahi siya at half-Filipino, half-Korean, half-Japanese, half-Swedish. Her name is Minako Yumi Anderson

Father ko naman ay isang successful na Fighter madaming pinagaralan si Dad like Karate, Kung fu, Boxing napakarami niyang trophy sa bahay nila Grandpa sakanya ko natutunan kung paano makipaglaban successful din na business man si Dad he owns lots of companies and properties sa iba't-ibang bansa. Anyways ang Dad ko ay may iba't-ibang lahi rin siya ay half-Americano, half-Japanese, half-Filipino, half-Spaniard. His name is Franken Colt Anderson

Grabe parents ko noh?, kaya ang ganda ganda ko eh hahahaha. Hayst! Ano ba ang pwedeng gawin ngayon?....hmmm, mangtrip?. Nahh!! Sa susunod nalang, nakakatamad pa ngayon eh.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at nagsimulang libutin tong school. Wala nakong friend dito sa school, kasi lumipat siya ng school. Pero nagkakausap pa rin naman kaming dalawa. Mas matanda ako sakanya ng isang taon so...3rd year highschool palang siya.

Habang naglalakad may nakita akong lalaki sa hallway. New student yata siya dahil sa mukha niya ay makikita mo na wala siyang kaalam alam dito sa school. Nilapitan ko siya, baka sakaling makatulong ako.

"Hi! Kailangan mo ba ng tulong?" Hindi niya ko pinansin

"Ay! Sungit mo! Ikaw na nga tong tutulungan"

"Ay sorry miss" sabi niya nung tumingin siya sakin, saka tinanggal yung earphones niya.

"Kaya naman pala hindi ka lumingon kanina....aish! Hahaha"

"Uhh pwede bang matanong kung saan yung principals office" -siya

"Ahhh nandun sa dulo ng hallway oh...makikita mo sa harap ng pintuan nakalagay principals office"

"Ahhh sige thank you miss" lalakad na sana siya paalis pero may sinabi muna ako

"Psst! Wag mo sasabihin sa principal na nakita mo ko ha, bye bye"

Tumakbo nako paalis, alam kong hindi niya naman ako kilala pero pwede naman akong idescribe nung principal sakanya diba? Hahahaha

??? Pov

Naguluhan ako dun sa babaeng tinanungan ko kung nasan ang principals office. Bakit? May ginawa ba siya? First day palang ng pasukan ah?. Pero grabe ang ganda niya as in, nagpatuloy nalang ako sa principals office.

Nang makarating ako sa office binuksan yung pinto ng office nang principal. Pagpasok ko, may matandang babae na nakaupo dun. I'm guessing na siyang yung principal nang school na to.

"You must be the new student" -principal

"Ako nga po"

"Please have a seat"

Umupo ako sa upuan na nasa harap ng table niya.

"Here's your placement card, you will be giving that to your adviser and here's your school badge also"

Sabi niya na inabot sakin yung badge ng school at saka yung placement card.

"Anyways can i ask you kung may nakita kang babaeng studyante na wala sa class niya"

"Anong pong itsura niya?"

"Well...mahaba ang buhok niya color black ito, green eyes siya at maganda"

Wait...ang tinutukoy niya ba yung babaeng nakausap ko kanina? Sabi nung babae wag ko daw sasabihin sa principal na nakita ko siya, bakit? Ano ba ginawa niya?.

"Hindi ko po siya nakita eh" pagsisinungaling ko

"Ahh sige iho, salamat nalang"

"Curious lang po ako pero pwede ko po bang matanong kung ano nagawa niya?"

"Hay, yung bata talaga na yun kasi napakakulit. Nagsumbong kasi kanina sakin ang adviser niya, pinagtripan niya yung adviser niya...nako, kahit kelan talaga pero mabait naman yun"

"Ahh ganun po ba? Sige po una na po ako sa klase ko"

"Osige iho"

Nagpaalam nako sa principal at lumabas na sa office niya. Yung magandang babae na yun, pinagtripan teacher niya? Hahaha astig niya ah. Parang gusto ko tuloy siyang maging kaklase. Tinigil ko ang pagiisip at nagpatuloy nakong pumunta sa classroom ko.

----------------------------------------------
Yieee!! May new story ulit ako! Hahaha!! Waaaaa!! Hayst! Ewan ko kung maganda toh...pero..yay!! May new story na ulit ako!! Wahahaha!!....saka sino kaya yung guy na nakausap ni Anika wahahaha!!!

My Crazy GirlWhere stories live. Discover now