Anika's pov
"Okay na ba ulo mo o hindi pa?"-tanong sakin ni Zander
"Tch! Hindi pa nga eh, may tama ata yun eh...tch! Sakit!"
Magkasama kami ngayon ni Zander, recess na namin. Nagaalala daw siya kaya sasamahan niya daw muna ako, yieee!! Sweet.
Anyways nagtataka ba kayo kung bakit masakit ulo ko. Eh kasi naman, yung adviser naming may tama yata sa ulo! Binato sakin yung eraser ng blackboard
...tengene lang!."Uy! Zander!"
May tumawag kay Zander bigla, boses lalaki. Napalingon kami ni Zander parehas sa likod namin.
"Oh ikaw pala Ace"-Zander
"Hi Anika"
"Uhh..hi?"-Ako
Luh kilala ko ba toh?
"Tara Zander! Nandun kami sa likod ng building"
"Osige! Pero...."-Zander
"Ah sige mauuna nako Zander, ok nako"-Ako
"Hindi pa daw, eh mukha ka ngang napilayan jan...tara sama ka samin ok lang naman diba Ace?"-Zander
"Oo naman"-Ace
"Ay grabe mukha talaga akong ganun? Hahaha osige na nga!"-Ako
Natawa naman sila sakin, naglakad na paalis si Ace. Hinawakan ni Zander kamay ko sabay hila sakin, sinundan naman namin si Ace.
*Dug,dug,dug
Luh! Kinikilig ba ako? Sabagay gwapo naman si Zander. Pero impossible naman na kinikilig ako baka kinabahan lang ako? Aish! Ewan hahaha.
Nakarating kami sa likod ng building. May small house dun, oo nga pala nakalimutan ko nato. Pumasok na kami sa loob, may tatlong lalaki na nandun nanonood ng tv, grabe ha ang ganda ng small house nato.
"Tara sa kusina Anika tignan natin kung may bukol ulo mo"-Zander
"Osige"-Ako
"Yieee, kayo ba ng famous Anika Bree dito sa school bro? Hahaha"-kaibigan niya
"H-ha? P-pinagsasasabi mo bro?"-Zander
Eto lang ako nakikinig sakanilang mag-asaran hahaha ang cute ni Zander
...yieeee!!"Asus! Holding hands nga kayo eh hahaha"-isa niya pang kaibigan
"E-ewan ko sainyo"-Zander
Hinila nako ni Zander papunta sa kusina, pinaupo niya ako umupo naman siya sa tabi ko. Tinignan niya yung ulo ko napa wince naman ako kasi ang sakit, tengene kasing adviser yun.
"Ay sorry! Masakit ba?"
"Yea..kabanas naman kasi eh"
"Wait lang, kukuha lang ako ng ipanglalagay natin jan"
Tumango lang ako at tumayo na siya. After 2 minutes bumalik na siya may dalang yelo na nakalagay sa plastic. Kinuha niya yung panyo niya sa bulsa at ibinalot sa plastic.
"Here, lagay mo sa part kung san masakit"
"Sige thanks"
Ngumiti siya ang i swear para akong tinamaan ni kupido hahaha. Siguradong maraming magkakagusto dito kay Zander hahaha yieee!!. Kayo ba? Crush niyo na siya noh? Hahaha jk.
"Yieee!! Sweet"
Rinig naming dalawa ang sabay sabay na sabi ng mga kaibigan niya. Tumingin kaming dalawa sa kanila, naka smile silang lahat ng nakakaasar hahaha ang cute nila, napa smile tulog ako.
YOU ARE READING
My Crazy Girl
Teen FictionThis is a lovestory of a boy and a girl Naging magclose sila sa isa't-isa and soon naging magkaibigan silang dalawa. But what if nagka-ibigan sila? Maybe it will turn into a Crazy LoveStory.