Anika's pov
Bumalik nako sa classroom, pagtapos kong kausapin yung lalaki kanina. Pagpasok ko ang sama nung tingin sakin ni Ms. Shiela. Binelatan ko lang at saka bumalik sa upuan ko.
Biglang may kumatok sa pinto, pinapasok siya ni Ms. Shiela. Siya yung nakita ko kanina sa hallway, na tinulungan ko. Inutusan siya ni Ms. Shiela na magpakilala.
"My name is Zander Jax Thompson, it's nice meeting you"
So name niya pala Zander, naks naman astig ng name ahhh.
"You may seat beside 'Ms. Anika' over there at the back, 'Ms. Anika'! Please raise your hand"
inemphasize pa talaga ni Ms. Shiela yung first name ko. Hahaha pikon, napagtripan ko lang naman kanina hahaha. Tinaas ko naman ang kamay ko, nakita kong nagulat si Zander, siguro hindi inaakala na magkaklase kame hahaha.
Umupo na siya sa may bakanteng upuan na nasa tabi ko. Nagsimulang magsalita si Ms. Shiela may sinulat siya sa blackboard, lumingon naman sakin si Zander.
"Hi, nagkita ulit tayo...kaklase pala kita"-pabulong niyang sabi
"Yep"-sagot kong pabulong rin
Lumingon na sa harap si Ms. Shiela, at saka kami pinakopya. Kinuha ko ang reminders notebook ko at nagsulat na.
----------------------------------------------
*RINGNagbell na and it's recess time na, yes! Hahaha. Hmm...gusto ko ulit asarin si Ms. Shiela. Bwuahahaha!! Tumayo ako, magpapaalam na kasi si Ms.
"Goodbye students"
"GOODBYE SUCKER!!" -sigaw ko kay Ms.
"What was that Ms. Anika?"
"As sus bingi ka talaga Ms. Hahahaha"
Binelatan ko si Ms. Shiela, saka tumakbo na palabas. Wahahaha!! I'm so awesome!! Hahaha!!!. Narinig ko yung sigaw ni Ms. Shiela sa corridor.
"Anika!!!"
Hahahaha!! Hell yeah!. Tumigil nako sa pagtakbo at naglakad nalang. Bumili ako ng pagkain sa canteen. Nakita ko na yung mga classmates ko, nauna kasi kaming bumaba kesa sa ibang grade level at 4th years.
Nakita ko si Zander, palakad siya papunta sakin. Yieee!!! Hahaha, hindi ko crush yan noh!. Umupo siya sa harap ko at nagsalita.
"Sup"-Zander
"Hi!"-Ako
"Astig yung ginawa mo kanina ahh, babae ka pero ang lakas mo...ikaw na idol ko"
"Hahaha! Grabe idol agad"
"Oo...naman..."
"Hahahaha!!, anyways ako nga pala si Anika Bree Anderson"
"Nice meeting yo-....wait... Anderson?"-Zander
"Yeah"
"As in yung billionaire family?"
"Yeah, why?"
"Hell no!, big fan ako ng dad mo! Siya yung greatest fighter na nakikilala ko"
Luh! Big fan siya ni dad?. OMG!! Ang galing talaga ni daddy, nakakaproud hahaha. Waaaa!!! Nako! Siguradong matutuwa si dad, Bwuahahahaha!!!.
"Talaga?! Hmmm....gusto mo pakilala kita kay dad pag may time? Busy kasi si dad sa business eh"
"Ok lang kahit matagal, basta makita ko lang siya sa personal...yes! Thank you!"-sigaw niya, nagulat naman ako nung bigla niya ko hinug.
"Ay grabe siya oh, makahug wagas hahaha"
YOU ARE READING
My Crazy Girl
Teen FictionThis is a lovestory of a boy and a girl Naging magclose sila sa isa't-isa and soon naging magkaibigan silang dalawa. But what if nagka-ibigan sila? Maybe it will turn into a Crazy LoveStory.