Chapter Thirteen

54.6K 1.4K 19
                                    


Chapter Thirteen

"Sir?"

Mula sa binabasang libro ay nag angat ng tingin si Cain mula sa kasambahay na sumupot sa loob ng library.

Kahapon lang tinanggal ang cast niya at bukas ay makakapasok na siya sa opisina. Hindi siya pinipilit ng ama na bumalik agad sa trabaho. But he insists. Nabuburyo lang siya sa bahay at lalo lang tinatamad. Isa pa, makikipagkita pa siya kay Private Investigator Romulo para sa trabahong gusto niyang ipagawa.

"What?" Masungit na tanong niya. Maid had knew na ayaw na ayaw niya ang iniistorbo siya kapag nag iisa siya.

Nabakas ang takot sa mukha ng kasambahay.

"S-Sir... May bisita po kayo."

Tumaas ang mga kilay niya. Walang bibisita sa kanyang mga kaibigan niya dahil tumatawag muna ang mga iyon kung darating.

"Who?"

"G-Gen daw po ang pangalan." Nakayukong lumabas ng library ang kasambahay.

Napaigting ang bagang niya. Ang tigas ng ulo ng babaing 'yon. Araw araw ay nakakatanggap siya ng kung ano anong pagkain galing dito. Alam niyang kinukunsinti ng ina niya ang mga ginagawa ng babae pero hindi na dapat 'yon naglalapit sa kanya. Hindi niya gusto ang biglang pagsulpot nito sa buhay niya. Dumating ito na para lamang bagyo. Hindi niya inaasahan.

Lumabas siya ng Library at tinungo ang sala. Dahil nagpapagaling pa siya. Hindi pumayag ang mga magulang niya na doon siya magpagaling sa condo niya. Wala raw siyang kasama doon at walang mag iintindi ng mga pangangailangan niya. Inoperahan lang siya pero hindi siya imbalido. Kaya pa rin niyang gawin ang mga ginagawa niya noon. But still, nanatili pa rin siya sa mansyon nang sa gayon ay wala na silang pagtalunan pa.

Agad na lumipad ang tingin niya sa babaing nakaupo sa pang isahang sofa. Nakatingin ito sa mga larawan na nasa gilid nito. Naka-faded jeans ito at isang yellow T-shirt na may malaking mukha ni Tweety Bird sa harapan. She really looks like a high school teenager. Parang batang naligaw lang at hindi alam kung paano uuwi. Ang sapin nito sa paa ay isang casual flat shoes na kulay brown. But what he noticed more is, Her hair. This is very unusual that he encountered a woman with short hair. Hindi siya mahilig sa mga babaing barbers ang buhok. Pero sa isang ito, bagay na bagay sa kanya ang gupit nito. May manipis na black hair pin ito sa buhok. Iba kasi ang tingin niya sa mga babae kapag maikli ang buhok. Mukha silang lalaki. But to Gen, her beauty is extraordinary. She looks like Mandy Moore and Anne Hathaway combined! At hindi niya alam kung aware ba ang babaing ito na ganoon ang nakikita niya sa mga mukha nito.

"Ehem!" Ubo niya. Mabilis itong gumawi sa kanya.

Nakangiting tumayo. Sandali siyang nakadama ng kakaiba when he sight her slender body. Hindi ito katangkaran, but her height compliment to her body. Hindi ito voluptuous gaya ng mga babaing karaniwan na'y nakikita niya. She has a small size of breast and a curvy sides na alam niyang natural figure na nito. You can always, diffentiate the two body of women. May mga babaing slim dahil nagdadiet at umiinom ng pills and add the exercise na rutina na nila. But the natural figure is exempted. May mga babae na sadyang slim kahit pa isang kalderong kanin ang kainin nila.

"What brought you here?" He asked.

Binura niya sa isip ang lahat ng deskripsyong kanina pa tumatakbo sa isip niya tungkol dito. Gsuto niyang Makita nito na hindi nito basta makukuha ang loob niya kung iyon nga ang pakay ng babae sa kanya.

Matamis pa rin itong ngumiti sa kanya.

"Nagtext sakin ang mommy mo. Inimbita niya ako. Natikman pala niya yung pinadala ko sayong empanada, sabi niya magpapaturo siya sakin."

Yeah. The empanada. He wanted to curse her by sending him those foods. Dalawang kahon ng empanada ang pinadala nito noong isang araw.

"I don't know, why Mom had to invite you. Kilala ko siya, she's a person of Hi and Go. She never makes friend sa mga taong di niya masyadong kilala." Deretsahang niyang sagot dito. Everyone has an intention hindi nga lang niya maintindihan ngayon kung ano nga baa ng intensyon nito sa kanya ngayon.

"Edi ba doon naman naguumpisa ang friends? Sa hindi pagiging magkakilala."

Marahan siyang lumapit dito at hinaklit ito sa braso.

"Ano ba talangang kailangan mo sakin?"

Hindi niya kinakitaan ng takot ang mga mata nito kahit ang gusto niya ay matakot ito. Bagkus, inalis nito ang kamay niya sa braso nito. Marahan iyon at kalmante parin ito.

"Gusto ko lang sana mangamusta. Nabalitaan ko ang nangyari kay Erwin Jimenez." She said.

Walang bakas ng takot sa mukha. Naningkit muli ang mga mata niya. Natagpuang walang buhay sa loob ng banyo sa safe house na pinagdalhan ng mg apulis si Jimenez. Nang malamn niya iyon ay agad siyang nagpahatid sa crime scene at doon niya nakausap ang misis ng biktima. Sumisigaw ng hustisya ang mga kaanak nito.

"Under investigation ang nagyari." Aniya.

Gen's face is filled with curiousity. "May suspect na ba sila?"

Umiling siya. "Wala pa. Mailap pa ang mga ebidensya na nakuha ng pulisya. Mukhang malinis ang planadong planado ang krimen. Walang bakas na makapagturo sa suspek." Tumango tango ito. "Teka bakit ba ang dami mong tanong? Are you a cop?" Masungit na tanong niya.

Lumabi ito. At lihim naman siyang napamura.

Damn! Fuck that lips!

"Masama bang magtanong? Eh kilala ko din naman si Erwin Jimenez. Ako ang nagbigay sa kanya sa mga pulis baka nakakalimutan mo." Hindi niya nakakalimutan ang bagay na yon.

"Ngayon nasagot ko na ang mga tanong mo. Siguro naman makakaalis kana? Hindi ko kailangan ng pakikipagkaibigan mo."

Mukhang nasaktan ito sa sinabi niya. Yeah, he sounds so rude pero nagsasabi lang siiya ng totoo. He has no business with her. Napasalamatan na niiya ito s pagrescue sa kanya after the hit and run incident.

Nilapitan niya ito ng bahagya. Two steps away are close enough para malanghap niya ang mabangong amoy na nagmumula dito. Hinawakan niya ang braso nito at tininan ito ng matiim sa mga mata. Nakita niya ang sunod sunod na paglunok nito. Upon staring at her face, there is something from his memory na nagsasabi na ankita na niya ito noon at hindi lang niya maalala kung saan. Pinaningkit pa niya ang mga mata para iwaglit sa isip ang bagay na iyon.

"Now, leave!"

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon