Chapter Forty

39.7K 818 34
                                    

A/N: Hello, please bare me for some errors here. Enjoy Reading!

Chapter Forty

Napahawak si Cain sa batok niya ng madama niya ang kakaibang sakit doon. pati ang ulo niya ay masakit din na para bang may hang over siya o ano man. Bigla ay naalala niya ang natapos nilang pag uusap ni Gen. hinahanap siya ng dalaga. Galing sya sa presinto dahil may tumawag sa kanya para sabihing hawak nila si Cabby. Nakahinto siya sa tapat ng isnag convenience store at saka siya bumaba. Bumili siya ng tubig at skaa bumalik sa pinaradahan niya ng sasakyan. Sumandal siya doon at susubukan niya sana muling tawagan si Gen nang imbestigador niya ang nakausap niya.

"I found a lead, Mr. Sandoval. Tama ang hinala niyo."

Iyon ang sinabi ng imbestigador niya na siyang kumumpirma ng lahat. hindi emergency ang nangyari. Kung hindi isang patibong.

Sinubukan ni Cain na muling idayal ang numero ni Gen ngunit hindi na sumasagot ang dalaga. Kailangan niyang kausapin ang babae. Kailangan sabihin niya dito ang nalalaman niya. Hindi magiging panatag ang mga buhay nila hangga't nabubuhay sila sa pagkakamali ng nakaraan.

Nanatili lamang siyang nakatayo sa gilid nang sasakyan niya ng mapuna niyaang isnag motorsiklo na may dalawang lalaking sakay. Naaalala niya noong niyaya niya si Gen na pumunta sa isang theme park. Inihatid pa niya ang dalaga. At nang paalis na siya ng apartment nito ay isang motorsiklo rin ang nakita niya. Na tila nagmamasid sa buong building. Hindi niya alam ang sadya ng mga iyon hanggang sa Pigura ng isang babae ang lumabas ng unit. Nakasuot ng hapit na pantalong maong at nakaitim na v-neck shirt. Hindi niya maaninag ang mukha ng babae dahil nakahood ito at nakayuko. Anantili lang siyang nakasunod ng tingin dito. Hindi n asana niya papansinin ang babae ngunit naalala niyang sinabi ni Gen sa kanya na matagal anng bakante ang katabi nitong unit. Wala daw naupa doon dahil sira ang kisame sa loob ng banyo na katapat ng palikuran ng dalaga. Nasa ibang bansa ang may ari ng building kaya hindi mabigyan ng panahon na ipaayos ang naturang unit.

Kumunot ang noo niya. Paanong may tao na doon gayung wala naman silang nababalitaan ng dalaga? Nakita niyang huminto ang babae sa harapan ng pintuan ng unit ni Gen. naalarma siya. Ngunit hindi naman kumatok ang babae. Mayamaya'y umalis na rin ito at dumuretso sa labas ng building. Tumayo ito isang metro ang layo sa patay buhay na light post sa mismong kanto ng apartment. Tumipa sa cellphone na hawak. Nasa madilim na parte siya ng kalye kaya nasisiguro niya na hindi nito makikita na nakamasid lamang siya. Maya maya'y isang motorsiklo ang huminto sa harapan nito.

At ngayon ay nasisiguro niya kapareho ng motorsiklo na nakita niya noon sa tapat ng building ang nakikita niya ngayon. The flashes of scenes happened before he got shot sipped through his mind. Hindi man niya natatandaan ang plaka ng motorsiklong iyon pero natatandaan niya ang hitsura niyon. Hindi siya maaaring magkamali, pamilyar sa kanya ang motor na iyon.

Napahawak muli si Cain sa batok niya. Iyon ang huli niyang natatandaan bago may isang van ang huminto sa harapan niya bago may nagtanong sa kanya ng isnag address at hindi na niya matandaan ang sumunod. Cain closes his eyes again hanggang sa mapagpasyahan niyang tumayo ngunit s agulat niya ay agad din siyang tumumba. Doon niya nakita ang isang kadena na nakapulupot sa kanang paa niya.

"What the fuck!"

Saka sumngit na sa isip niya ang nangyari. He was kidnapped.

"Tama ang hinala niyo, Mr. Sandoval malakiang posibilidad na si Cabby nga ang pumatay kay Monica. Ang kailangan nating malaman ngayon ay kung ano ang naging motibo niya para gawin ang krimen na iyon."

Tila narinig niya muli ang tinig ng imbestigador niya. And now he is sure. Cabby kidnapped him. Kung bakit? Iyon ang aalamin niya. Hinawakan niya ang kadena at sinubukan kalasin iyon ngunit matindi ang pagkakakandado. Saka lang niya napuna ang lugar mukha siyang abandonadong bodega o bahay, building hindi niya alam. Basta nakakaamoy nalang siya ng kung ano anong amoy na hindi niya maintindihan. Umakyat ang mga mata niya sa isang kahoy na higaan na nasa isang sulok at doon kitang kita niya ang pamilyar na paslit na nakaupo at umiiyak habang nakabusal ang bibig at nakatali ang kamay at paa.

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon