Chapter Twenty-one

49.6K 1.3K 16
                                    

Chapter Twenty One

Sinundan ng tingin ni Cain ang pamilyar na bulto ni Gen nang makababa ito ng sinasakyan nitong sasakyan. Sinadya niyang sundan ang babae mula sa apartment nito hanggang dito. Maya-maya'y naglakad lakad ito hanggang sa pumasok ito sa isang Club doon. kanina paglabas nito ng apartment nito ay nagtaka na siya kung bakit bihis na bihis ito.

Pumunta siya sa apartment nito dahil inutusan siya ng kanyang ina na puntahan ang babae at imbitahin ito ngayong gabi dahil anniversary ng mga magulang niya. Wala siyang nakikitang dahilan para makisalamuha ang ina niya sa babae.pero mapilit ang kanyang ina. At saka niya naalala ang sinabi ni Abel sa kanya.

"Maybe it's time para makuha mo ang loob ng babaing iyon. Through that malalaman mo ang plano niya at ang dahilan ng pagkakakilala niyo."

Tama ang kapatid niya sa isang banda. Magandang pagkakataon nga naman ang lahat para mapalapit siya dito. Pero mukhang may matutuklasan siya tungkol dito ngayong gabi.

Nang Makita niyang pumasok si Gen sa loob ng club ay naghintay muna siya ng ilang minuto sa labas. Nagmasid sa paligid at nang gayak na siyang papasok sa loob. Saka niya nakita si Gregory Lopez na pumaosk kasabay ng isang bodyguard. Agad na kumuyom ang kamao niya. Magkasunod lamang ito at si Gen. kung ganoon tama nga marahil ang hinala niya na may posibleng sabwatan ang dalawa.

Sumabay siya sa kumpol ng mga kalalakihan na pumasok sa loob upang hindi mahalata ng mga security sa labas. Nang sa wakas ay matagumpay siyang makapasok agad na ginala niya ang paningin. Unang tingin pa alng niya ay naramdaman na niyang may kakaiba sa paligid. Pulos mga kabataan ang nakikita niya. Bumabaha din ng alak ssa lugar. Sumiksik siya sa kumpol ng mga kabataan nang Makita niya si Gen pababa ng hagdan mula sa ikalawang palapag pagkatapos ay tumungo ito di kalayuan sa bar counter. Doon niya napuna si Gregory na may mga kasamang kalalakihan. Minadan niya ang mga ito pagkatapos ay kay Gen mulli siya napatingin. Gaya niya ay nakatingin din ito kay Gregory. Mukhang hindi man lamang napupuna ng babae ang presensya niya kaya hinayaan niya ang sarili na magmasid lang dito. Hindi niya kilala ang mga lalaking kausap ni Gregory pero nasisiguro niya na may sinabi sa lipunan nag mga iyon base na aura at pananamit ng mga ito. Gayunpaman hindi pa rin siya kumbinsido sa mga napapansin niya.

Matagal siyang nasa ganoon pwesto nang lumapit ang waiter na kinawayan niya kanina at inabutan siya ng inumin.

"Thank you." Tumango lang ang lalaki at nawala na sa paningin niya.

May bakanteng mesa sa gilid kung saan tago siya sa ibang tao. Pumuweato siya doon at malayang tinatanaw ang mga taong nasa paligid niya. Inisang lagok niya ang alak na nasa baso nang magring ang cellphone niya.

"Where are you, brother? Kanina ka pa hinahanap nila Mama." Bungad agad ni Abel sa kanya.

"Babalik na ko. May inaayos lang." Tipid niyang sagot.

"Are you with Gen?" Hula ng kapatid niya. "Mom told me na pinapasundo siya sayo."

Bumugtong hininga siya. "Sinundan ko siya. And I saw her here in tne bar where Lopez is."

Narinig niya ang mahinang pagmumura ni Abel. "I knew it. Do you need back up?"

"No. wag na. kailangan ko lang malaman ano ang eksaktong koneksyon nilang dalawa. And don't leave mom and dad. Magtataka pa sila, pareho lang mag aalala ang mga yan." He said.

Kasabay ng pagkawala ni Gen sa paningin niya ay ang pagkaputol ng tawag. Agad niyang ibinulsa ang cellphone at nagpalinga linga sa paligid niya. He could not see any trace of Gen around. Kaya nagmatyag pa siya until he heard voices from the entrance at ang sunod sunod na pagpulasan ng mga tao.

Hindi na rin niya nakita si Lopez. He was gone to his seat na kanina lang halos ay naroroon lang. and he learned that is a raid. Cain immediately went to the exit door. And from there, he saw Gen. nakasilip ito sa isang pintuan ng staorage room. Agad na hinawakan niya ang braso nito.

"What a surprise?"

Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang gulat sa mga mata nito. "C-Cain!"

Pinaningkitan niya ito ng mga mata ngunit sandali lamang at saka hinila ito. He needs to drag her out of the club kung hindi ay kasama ito sa mahuhuli ng mga pulis.

"Let me go!" Piglas nito. "Ano ba?"

"I'm taking you out of here." Binalagtas nila ang daan palabas habang nagkakagulo pa sa loob. May mga naririnig silang putukan pero hindi niya hinaayn na makawala sa mga kamay niya ang dalaga. He needs to pretend that he was saving her at wala siyang alam tungkol dito.

Panay ang piglas ng babae sa kanya. "Kailangan ko bumalik sa loob." Sabi nito.

He immediately locked the door of his car nang makapasok sila pareho. "For what? Di ba suspended ka? Kaya bakit ka makikisawsaw doon?"

"D-Dahil pulis pa rin ako." Dahilan nito.

She's lying at alam niya iyon. He started the engine at minaneobra ang sasakyan palayo doon. "Bakit k aba sulpot ng sulpot sa lugar kung nasaan ako? Are you stalking me?"

He smirked upon hearing what she said. Two things, sinundan niya ito for some reason. And hindi siya stalker nito timing na rin na inutusan siya ng ina na puntahan ito. "Why would I do that? You are not even my type."

Nakita niya ang pagtikom ng bibig nito at nag makabawi ay nagsalita muli. "Hindi ko naman sinabi na type mo ako. At ikaw ang nagsabi lang non!" Na sinabayan lang ng irap nito.

Kinalas nito ang seatbelt at hinarap siiya. "Ibaba mo ako sa tabi." Utos nito sa kanya.

"W-What?" Pero hindi niya sinunod. "Nababaliw ka na ba? Nasa highway na tayo."

"Wala akong pakialam. Ibaba mo ako sa isang tabi." Giit nito.

Mas lalo pang pinaharurot ni Cain ang sasakyan. "No!"

Hinampas siya nito sa braso. "Anong No? ibaba mo ako!"

Hindi niya ito pinasnin at ang paghampas nito sa kanya. Nang makarating na sila sa expressway ay saka niya napuna ang pananahimik nito. Pero maya maya din lang ay nagsalita muli. "Saan ba tayo pupunta?" tanong nito.

"Ikaw? Anong ginagawa mo sa lugar na yon? I'm sure you are not part of the task force." Balik tanong niya. Nasa lugar kanina ang PDEA at CIDG.

"I asked you first. Wag mong ibahin ang usapan." Sabi nito sa kanya.

Saka naman bumugtong hininga si Cain. "I am taking you with me."

Npalingon siya dito. Nakita niya ang malalim na kunot sa noo nito. He finds cute everytime she frowned. "Bakit?"

"Why you keep asking and asking? Dapat nga nagpapasalamat ka sakin because I rescued you." He doesn't want to be sound sarcastic but yeah, he couldn't hide the sarcasm.

"Thanking you? For what? Eh hindi ko naman sinabi na iligtas mo ko? As if naman huhulihin nila ako."

Sumilay ang ngiti sa sulok ng labi niya. "Eh ganoon naman pala eh. Dapat pala ideretso kita sa presinto para magpaliwanag ka doon. tutal ikaw na rin naman ang nagsabi na bakit ka nga ba nila huhulihin? Right?"

Gen felt discomfort. "Fine. Saan tayo pupunta?" pag suko nito.

"Answer me first. What are you doing in that cheap club?"

Gen released a breath before she aswer him. "I'm out with friend. Pero hindi ko siya nakita doon."

"You mean the police officer?"

Dahan dahan tumango ito. "Y-Yeah, Si K-Ken." Lumingon si Gen sa kanya. "Happy?"

Tumango nalang siya to be look that he is convinced.

"Okay, where we going?" she asked once again.

He settled his eyes on the road as he drove fast. "To our house. It's my parents anniversary. Just a simple dinner And they are inviting you, by the way."

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon