Epilogue

59.8K 1.1K 120
                                    


Epilogue

Humaplos ang mga daliri ni Gen sa lapida at saka ibinaba ang dalang bulaklak. Ang samyo ng mabining hangin ay humahalik sa pisngi niya. May panghihinayang sa puso niya na hindi niya nasabi dito kung gaano niya ito kamahal. That he was the first man he ever loved. Na wala siyang nagawa para mabuhay pa ito at makasama niya. All the tragedy was done. Pero ang mamatayan ng isang minamahal ay mananatiling pilat sa puso niya. Lalo na kung nagkulang siya na iparamdam ang pagmamahal na iyon. Pagmamahal na hindi niya nasabi agad.

Hinayaan niyang yumakap ang hangin sa kanya. Sa ganoon paraan man ay maramdaman niya na hindi talaga siya nito iniwan. Na nasa tabi lang niya ito at palagi siyang binabantayan. At ang luha niya ay tila laging humahalik dito sa tuwing papatak iyon sa kanyang marmol na lapida.

Kusang nanlambot ang tuhod niya at napadausdos siya sa lupa. Gusto niya paitong yakapin pero huli na. Huli na para doon. and she's still remember that painful night.

Cain was still in the operating room. Lahat sila ay naghihintay ng balita na sasabihin ng mga doctor. Cabby was now dead. Head shot ang kinamatay nito. Pero si Cain ay nakikipaglaban pa para sa buhay nito. Dumating na ang buong pamilya ng binata lahat ng mga ito ay emosyonal at hindi mapakali.

Sumandal siya sa pader at hinayaang umiyak. Niligtas siya ng binata. Siya ang dahilan kung bakit naroon ito ngayon sa loob ng operating room at nilalabanan ang tukso ni kamatayan. Na pilit lumalaban para bigyan ng pagkakataon pang mabuhay. If wasn't because of her ay nakatayo sana ito sa harapan niya ngayon.

Tinapik siya ni Kennedy. "A-Anong balita kay Jimboy?"

"Nagpapahinga na siya. Matindi ang trauma na tinamo ng bata. Kakailanganin pa niyang magstay dito sa ospital para masuri ng mabuti." Ani ng kaibigan niya.

"Kasalanan ko ito." Kennedy grabbed her at niyakap siya nang mahigpit.

"Wala kang kasalanan. You did nothing but to fight for what is right." Kusang umangat ang mga braso niya at yumakap din dito.

Nasa ganoon silang posisyon nang iabot ni General Protacio ang telepono nito sa kanya. Dumating din kasi ito sa ospital para puntahan siya. "Anak. May tawag ka."

"S-Sino po?"

Malungkot itong tumitig sa kanya. "Si Manang Azon. May ibabalita daw siya sa 'yo."

Nanginginig ang mga daliri na kinuha niya ang cellphone at tinapat iyon sa tenga. "M-Manang?"

Suminghot ang matanda. "Hello hija?"

"M-May problema po ba?" kinakabahang tanong niya.

Hindi agad ito nagsalita hanggang sa humagulgol na. "M-Manang."

"A-Ang... D-Daddy mo. W-Wala na siya."

Tila gulay siya na unti unting dadausos kung hindi lang siya nahawakan agad ng Tatay ric niya. "Tatagan mo ang loob mo."

She couldn't say any word. Nanatiling nakamulaat ang mga mata niya pero walang salita sa bibig nya. But she could still hear manang azon over the line. "Ikaw ang tinatawag niya hanggang huli."

And from there. Everything went blank.

Mamatay ang Daddy niya ng hindi nito naririnig sa kanya na mahal niya ito. He died without feeling how tight she could embrace him. Ang sabi ni Manang Azon ay inatake daw ito ng presyon at pagkatapos ay sinugod nila sa ospital nagsasalita pa daw ito bago sinabi ng doctor na pwedeng macardiac arrest ito. And after he said her name. tuluyan na itong pumanaw.

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon