Chapter Twenty-six

49.7K 1.2K 24
                                    

Chapter Twenty Six

Tahimik lang si Gen ng makabalik siya sa table nila. Humiwalay na si cabby sa kanya nang mamakita ito ng kakilala at agad na sumama pa. humiling naman ang babae n asana ay di daw iyon ang huli nilang pagkikita. Cabby seems very nice at hindi marahil masama kung makikipaglapit din siya dito. Agad namang lumapit si Cain pagkakita sa kanya.

"Ang tagal mo. Saan ka galing?" Tanong agad nito sa kanya.

Nilingon niya si Cabby. Wala na ito sa direksyon kung saan niya ito iniwan. Marahil ay nakikihalubilo na sa iba.

"D-Doon lang. Nagpahangin." Itinuro niya ang direksyon patungo sa swing.

Tumango lang si Cain. "Inaantok ka na ba?"

Hindi siya sumagot pero mukha naman nakuhana nito ang ibig niyang sabihin. Humawak siya sa sentido niya.

Masakit na ang ulo niya. Pasado alas diyes na rin kasi.

"Gusto ko na nga sana umuwi. Pwede na ba?" pagbibigay alam niya. Sinadya niyang pahinain ang tinig upang mas maging kapanipaniwala ang sinasabi niya. Pero sa isang banda ay masakit talaga ang ulo niya. Hindi marahilnsa mga nainom niya kung di sa likod ng katotohanan sa mga sinabi ni cabby sa kanya kanina lamang.

Humalik ito sa buhok niya. "Dito kana matulog. Bukas nalang kita ihahatid."

Para sa isang modernong Filipina isang malaking pagkakamali ang magpalipas ng gabi sa bahay ng isang lalaki na hindi mo pa labis na kilala. Nakita niya ang kagustuhan nitong manatili pa kaya hindi na siya tumutol pa. The night is still young. Halos nasa pagtitipon pa ang mga tao.

"Tara ihahatid na kita sa kwarto. Doon ka na muna sa room ko. Magpahinga kana then tomorrow morning ihahatid kita." Inakay siya nito patayo.

Everything she found out tonight still puzzeled her. At tapos ngayon ay ganito? Him acting so nice to her? Umiling iling siya. Hindi siya dapata nadadala ng kung ano man. Cain is her target. She needs to know what's really the truth. Pero bakit natatakot siya?

Because you are already falling for him. Kastigo ng isip niya sa kanya. What if totoo nga ang lahat? Kaya nga ba niyang panindigan ang sinabi niyang hustisya para kay Claire o iisantabi nalang niya iyon dahil natutunan na niyang mahalin ang lalaking sumiura sa buhay nito? Inakay siya ni Cain palayo sa mga tao. Sabay silang nagpaalam sa mga kaibigan nito. Natuwa naman si Mrs Sandoval na pinaunlakan daw niya ang paanyaya ni Cain na mag over night sa bahay nila. Ngumiti nalang siya. Pagdating sa loob ng bahay ay umakyat sila sa marangyang hagdan. Buong kabahayanan ay nagbabadya ng karangyaan. Wala yatang lugar a lob ng bahay nila ang may bahid ng kasimplehan. Miski ang mga muwelbes at ilan kagamitan ay halatang galing sa ibang bansa. Tatlong pintuan sa kanan ang nilampasan nila bago sila huminto sa harap ng mahogany door. Binuksan iyon ni Cain at pinindot ang ilaw.

Bumaha ang liwanag sa loob ng silid. May primera klaseng kutson sa ibabaw ng isang king size bed. Kulay abo ang paligid. May Entertainment TV na nakadikit sa pader. May computer na nakapatong sa ibabaw ng makintab na lamesa at isang leather couch naman sa isang gilid. Walang gaanong adorno ang silid. Very neat and manly. Organized ang mga gamit. Mula sa mga libro na nakikita niya sa shelves. Hanggang sa maliliit na detalye na nasa loob ng silid nito.

May inabot si Cain sa kanya. Isang pares ng boxer shorts at puting T-shirt.

"Magpalit ka na muna. Tapos magpahinga kana. Sa ibaba na muna ako para makatulog ka." Tumango lang siya. Kung iiwan siya nito. Magagamit niya ang pagkakataong ito para maghanap ng ebidensya na magpapalinaw sa kanya sa lahat. Dahil magulong magulo na ang isip niya at kailangan niya ng malinaw na akasagutan upang matahimik siya.

Itinuro ni Cain ang banyo at saka nagpaalam na lalabas na. After she washed herself and removed the make-up on her face. Mabilis siyang nagsiyasat. Binuksan niya ang bawat drawer na makikita niya. She also made sure nakalock ang silid sakali mang bumalik si Cain. Hindi niya ito gustong gawin pero binabagabag siya ng mga sinabi ni Cabby sa kanya. Paano kung totoo nga 'yon?

Sa tabi ng kama ay binuksan niya ang drawer sa bedside table. inisa isa niya ang mga naroroong papel. Pawang mga legal documents lang ang naroroon. Pero inagaw ang pansin niya ng mga maliliit na botelya na naroroon.

" Latuda, Risperdal, Abilify... " Marahang basa niya sa pangalan ng mga gamot na naroroon. Para saan ang mga ito?

At kahit ngayon, pala isipan parin kung si Cain nga ba ang pumatay kay Monica.

She even heard the last sentence that cabby told her. Mabilis niyang pinikturan ang mga bote. Aalamin niya kung gamot saan ang mga 'iyon. Hindi siya matatahimik kung di niya malalaman. Marahan niyang ibinalik ang mga botelya at isinara ang drawer. Nanatili siyang nakaluhod habang nakatitig sa litratong kinunan niya.

"Anong ginagawa mo d'yan?"

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon