2

1.1K 28 0
                                    

Chapter 2

It's been a week since I came home and I haven't tried exploring the country yet. Ewan ko ba. Siguro dahil sa 7 years kong nagpapakatiwakal sa iba't ibang bansa, ngayon naman sobrang pagod na pagod ako. I'm just staying at the condo at sila Pol na lang pinapapunta ko dito whenever they wanna hangout with me. Sila lang ni RJ and Maine ang may alam na andito na ko. Buti nga di nagsasalita tong si Maine kanila Julie eh. Bestfriends pa naman din sila.

"Alam mo mauurat na ko dito." reklamo ni Pol. Andito uli sila ni RJ and we're having a few bottles of beer while we're playing poker.

"Sino ba kasing nagsabing dito kayo lagi tumambay?" tanong ko.

"Eh malamang, bagong dating ka. Natural lang na gusto namin nitong si RJ na lagi tayong magkakasama. Napakawakwents naman ng 3 Musketeers kung dalawa lang kami diba? Tanga!" ani Pol. Binatukan ko siya gamit ang baraha ko at natawa lang naman si RJ.

"Pero kailan nga ba tayo gagala, pare? Pati si Maine nagtataka eh. Di ka naman ganyan before." ani RJ.

"People change, man. Also, I've been around the world for 7 years. Now's my only chance to rest and stay indoors. Nakakapagod gumala no." sabi ko.

"Kingina mo." ani Pol sabay lapag ng baraha. "Wala bang chibog dito? Sinisikmura na ko sa sobrang daming beer na iniinom natin. Alam niyo dugo ko, kulay beer na. Bumubula na nga rin ata eh."

"Kung hindi ka mareklamo, gutumin ka." ani RJ.

"Eh ganun talaga dude. Uso yun!" sagot naman ni Pol. "Elmo, walang laman ref mo?"

"Uh..." tanging nasabi ko. "Check mo sa cabinet."

He went up to check on the cupboards only to get disappointed.

"Tao ka ba? Bakit walang pagkain dito?" ani RJ na nakihanap na rin ng makakain.

"Baka naubos ko na." sabi ko saka sila sinundan sa kitchen.

"Kawawa ka namang hinayupak ka. Buti buhay ka pa?" sabi ni Pol. "Uy!" he smiled when he saw an unopened cup noodles lying around the kitchen.

"Dude, you really need to get out of here." ani RJ habang nakatingin kay Pol na excited na nagtitimpla ng noodles.

"Next time na lang. We can call for delivery naman diba? Ano bang gusto niyo?" tanong ko sabay kuha sa phone. Suminghap na lang si RJ while Apollo is still busy preparing his noodles. Since wala namang sumagot kung anong pagkain ang gusto nila ay nagpadeliver na lang ako ng Chinese food. May Chinese resto kasi sa baba nitong condo tower at masarap yung mga pagkain nila. Nakaramdam na rin kasi ako ng gutom when I smelled the noodles.

The food came half an hour later and we all ate in silence.

"Oo nga pala. 7th birthday ni Gabe next week. Baka gusto mong pumunta." ani RJ.

"Gabe?"

"Yeah. Julie's son. Inaanak mo yun tanga!" aniya. Tumango si Pol saka pa dinuro ang chopsticks saken.

"7 years na utang mo gago. Magpakita ka na kasi." ani Pol.

"Saan ba?" tanong ko.

"Sa club house ng village nila. Oo nga pala. You have to be in a pilot costume. It's indicated in the invitation. Bibigay ko na lang sayo yung invitation bukas." ani RJ.

"Wala akong pilot uniform." kunot-noong sabi ko.

"Never fear, mate! Captain RJ to the rescue!" ngisi ni Pol sabay tingin kay RJ. Suminghap naman siya saka nagkamot ng ulo.

"Fine. I'll lend you guys one pero please lang wag niyong gugusutin or anything. Mayayari ako kay Maine."

"Grabe. Under talaga sa fiance." sabay na sabi namin ni Pol sabay apir pa.

BlindedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon