8

915 28 0
                                    

Chapter 8

"Seriously?" tanong ni Pol. Tumango ako saka siya napatingin kay Gabe na nakahiga lang sa couch at nanonood ng Justice League. "Kawawa naman pala talaga tong batang to."

"Sinabi mo pa. And the worst part is, Julie doesn't seem to care if her son gets bullied."

"Hay nako. Ewan ko anong nangyari diyan kay Julie. Masyadong nilamon ng sistema ng boyfriend niyang mukhang taeng tinubuan ng mukha eh."

"What does that Berto do ba?" tanong ko.

"Well, ang alam ko lang. Itong si Bruno, may-ari ng isang car shop. You know? Detailing, auto-repair..."

"In other words mekaniko. Ganun ba?"

"Hahaha. Gago hindi. Siya naman yung medyo may class. Ang alam ko sikat sa mga drag racers yung shop niya." ani Pol. "Alam ba ni Gabe yung about sa boyfriend ng mommy niya?"

"Ayaw nga nung bata dun." sabi ko.

"Ninong, I want chicken." narinig naming sabi ni Gabe.

"Chicken? Okay, dude. Magpapadeliver si ninong." sagot ko. "Si RJ akala ko pupunta?"

"Oo nga. Hinihintay niya lang si Menggay. 1 hour  lang naman yung interval ng arrival nila. Gusto daw makita ni Maine si Gabe eh."

"Ah osige. Mag-oorder muna ako ng pagkain. Samahan mo muna si Gabe dun." sabi ko. Tumango si Pol saka na siya tumabi kay Gabe sa sofa. Gabe switched positions and laid his head on his Tito Pol's lap at nagkwentuhan na sila habang nanonood. I decided to go to the kitchen at dun na ko tumawag para magpadeliver. After ko tumawag sa KFC ay nagtext ako kay Julie. Di ko pa rin makakalimutan yung sinabi niya kanina. Aba buhay dalaga siya ha.

Me:

Susunduin mo ba si Gabe? Kung hindi magsabi ka kaagad. Hinihintay ka ng bata.

Julie:

Can't make it. Andito pa ko sa Cavite.

Me:

Try mo minsan ipasyal naman tong anak mo. Di yung puro ikaw ang gumagala.

Julie:

This is not a gala Elmo. This is work.

Me:

Whatever, Julie. Di ka na lang sana nagbuntis kung ganyan ka lang din pala.

Hindi na siya nagreply pagkatapos nun. I don't fucking care kung masaktan siya sa mga sinasabi ko. Her son needs her but she's not there to give just even a fraction of her time.

"Dude, deliveries here man. Got no money to cover for you." rinig kong sabi ni Pol at natawa naman si Gabe. Napailing na lang ako at nagpunta na sa front door.

"Sir, 2 buckets of chicken po, fries and Zinger." sabi ng delivery boy.

"Okay. Thanks kuya." sabi ko sabay abot ng bayad. "Keep the change."

"Thank you sir." aniya saka na sumaludo at umalis na.

"Gabe, dinner's here. Halika na kain ka na." anyaya ko. Tumayo na sila ni Pol at pumunta na sa dining area. Kumain na kaming tatlo and we let Gabe enjoy his meal.

"Ninong, is mommy coming to pick me up?" he asked.

"She can't daw eh. Nasa work pa siya." sagot ko.

"Okay. Because I want to sleep here with you. Tito Pol said we can play games." ngisi niya. Tinignan ko ng masama si Pol and the asshole just laughed.

"You have school tomorrow diba?"

"Yes. But I finished all my homework naman na po eh." aniya.

"Okay fine. Pero 1 hour lang ha? You need to sleep early." sabi ko. He nodded and continued eating his drumstick.

BlindedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon