Chapter 9
"Ganyan ba pag walang Gabe sa buhay?" natatawang tanong ni Pol sa akin. It's been only 3 days since Gabe went back to Julie. Ewan ko. Ang bilis kong naattached dun sa bata.
Andito ako sa office ni Pol ngayon. Sobrang nababagot na kasi ako sa condo kaya naisipan kong puntahan siya. Siya lang naman yung pwede kong matambayan yung trabaho eh.
"Gago. Namiss ko lang. But he calls me everyday though. Pero iba pa rin kapag kasama ko eh."
"Hay nako dude. Iba ka talaga. Ganyan ba kapag di ka magawang mahalin ng nanay niya? Sa bata mo na lang ibubuhos?"
"Dude, I can forget about my feelings for Julie as long as I get to take care of Gabe. Ewan ko ba. Bakit ganun? In a span of 3 days, iba na agad yung attachment ko sa kanya?"
"Eh baka nga ikaw ang tatay." aniya sabay hagalpak. Binato ko siya ng ballpen at natawa lang naman siya.
"Gago. Paano magiging ako eh diba may donor siya. Bobo mo!" humalakhak lang siya lalo sa tawa saka pa iiling-iling.
"Eh gago ka kasi. Para kang tatay kung umasta."
"Ts."
"Eh bakit ka nga pala andito at nanggugulo ka ha?" tanong niya.
"Papasama ako maggrocery."
"Wow. Dude maggrocery ka? Himala yan ah." sabi niya.
"Wala ng chibog sa bahay eh. Tao rin naman ako tanga." sagot ko.
"Mamaya na after ko dito. May pinapatapos pa tong kapatid ko saken." sabi niya.
"Ano ba yan?"
"Gusto niya kasing matapos ko na yung report about dun sa nakausap naming client nung Monday." aniya.
"Bilisan mo kasi. Petiks ka nang petiks diyan eh." sabi ko. Paano kasi siya matatapos eh inuuna niya pagnguya kaysa paggawa sa hinihingi ng kapatid niya.
"Nakikitambay ka na lang mareklamo ka pa." aniya.
Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya and decided to just go down to their cafeteria. Mamamatay ako sa boredom kung magsstay ako sa office ni Pol. Might as well grab a bite to eat and watch tv in their lobby.
Habang nakapila ako sa cafeteria ay may napansin akong isang familiar na babae. I squint my eyes at nang makilala kung sino yun ay natuwa ako.
"Teacher Sally?" sabi ko. Napalingon ang babae saka napangiti.
"Mr. Magalona hi!" aniya. Kinawayan ko siya saka nilapitan. "Ano pong ginagawa niyo rito?"
"I'm waiting for my friend. Ikaw?"
"Yung kapatid ko po dito nagwwork eh gusto niya makipagkita." aniya. "It's been days simula nung huling punta niyo po sa school. Si Mrs. San Jose na po uli ang naghahatid kay Gabe dun."
"Ah yeah. About that..." sabi ko. "May time ka pa ba or you have to meet with your sibling na?" she checked her phone saka nagkibit-balikat.
"May meeting pa naman sila. Ano po ba yun?"
Niyaya ko siyang maupo sa isang sulok ng cafeteria. Since hindi naman lunch break ay wala ng masyadong tao dun aside from the guests of the building.
"I wanted to tell you something about Gabe and me." umpisa ko.
"You're his dad diba?"
"Well... Actually no. I-I'm not his dad." sabi ko. Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero di siya umimik so I continued. "I'm actually his ninong. Hindi ko asawa ang mommy niya. I just agreed to be his dad because I wanted the bullying to stop."